Memories flash back to me

11 0 0
                                    

  Pupuntahan na namin si Kim sa library. Lagi naman siyang nandoon. Minsan iniisip ko kung para ba mag-basa, o kung para ba makita si Yunice?

  Nandoon na ko sa loob e, at natatanaw ko na si Kim. Pero may pinaguusapan sila ni Yunice. Ayoko sana, pero di ko rin napigilang makinig. >.<

       “Alam mo, Kim… Pamilyar talaga ang pangalan mo sakin! Sigurado akong isa kang sikat na nilalang sa isang eskwelahan! Matalino at….. ^__^ Napag-isipan mo na nga ba iyung sinabi ko sayo? Pwedeng pwede mo talaga akong ligawan! Hehe!”, sabi ni Yunice.

       “(chuckles) Hindi ko alam iyun e.. Wala akong idea kung pano iyung sinasabi mo.. Magulo pa iyung utak ko sa maraming bagay..”

       “Don’t worry! Tutulungan kita! Lagi akong nandito para sayo!! ^_^”

       “Salamat… (smiles)”

  Hindi ko man talagang matanaw ng maayos iyung ngiti ni Kim, nakaramdam ako ng… selos…? O, inis..?? Kasi, iniisip ko lagi na ako lang ang nakakatanggap ng ngiting ganun galing sakanya. Pero si Yunice, special rin siya para kay Kim. Wala akong magagawa sa bagay na ‘to.. Hindi naman ako… ka-ano-ano ni kim para magreklamo. Magkaibigan lang kami… at ang masaklap, ako lang ang nakaka-alala nun…

  Nagdalawang isip na ko, pero hindi matagal iyung pagdedesisyon ko. Tumalikod ako, ayoko nang tawagin pa si Kim. Panira naman ako ng magandang pag-uusap nila e. Pero mukang nakita ako ni Yunice at tinuro ako kay Kim. Mabilis akong naglakad pa-labas, nagulat pa si Adriel na hindi naka-sunod si Kim sakin, pero nagtatakbo na ko palayo. Umuwi akong mag-isa.

  I look stupid… I know… Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong gawin. Wala kasi akong magagawa, kaya ganun. I can only watch… watch him like this.. At maiwanan ako sa nakaraan niya.. Bakit ko ba kasi nakilala si Kim? Kasalanan ito ni Adriel… O ayan, nai-buntong ko pa ang lahat sakanya.. -_-

  (Nasa sala ako, kumakain ng cookies na hinanda ni Mama. Pero may mag-do-doorbell, si Kim iyun. So babalik na ko sa kwarto ko, at hindi na ko lalabas pa…)

  Next Day

       “Cylicia..”, boses ni Kim.

Nagulat pa ko kasi hindi ko inasahang tatawagin pa niya ko o papansinin man lang. Hindi ako lumingon.

       “O, bakit..?”

       “Kahapon… Hindi mo ko tinawag. Bakit naman umalis ka lang bigla?”, tanong niya.

       “A-ah, iyun… Hindi naman talaga kita susunduin e. May binalik lang ako na libro.. S-sa.. Space Wonders nga.. Sila, Adriel nalang iyung sinabihan kong maghintay sayo…”, sabi ko.

       “Ah.. Okay.. Pero.. Sorry, Cylicia.”, sabi niya.

       “Bat ka nag-so-sorry? Wala ka namang ginawang masama….”, sabi ko. Pero naiiyak na ko. >.<

  (Hindi na siya nag-salita at umupo sa sofa. Bigla ko namang na-open sakanya iyung tungkol sa pag-balik ko sakanya sa pamilya niya.)

       “Tingin ko ako dapat ang mag-sorry kasi hindi ko sinasabi sa pamilya mo ang tungkol sa nangyari sayo. Kaya, naisip ko, dapat na kitang ibalik. Kelangan nilang malaman iyung tungkol sayo…”, sabi ko.

       “… Pamilya…? May pamilya ako..?”

       “O-oo naman….”

  (Bigla siyang natahimik.)

       “Kelangan ko ba talagang bumalik dun..? Mahihirapan lang ako sa panibagong muka na makikita ko..”

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now