Memo Pad

15 0 0
                                    

  Sa araw na ‘to, inaagaw ni Adriel si Kim sakin. Sabi kasi ni Adriel:

       Ah, kung ayaw mo talaga akong makasama, si Kim nalang ang sasamahan ko para mag-isa ka lang!

So ayun.. -_- Si Cyrene ang kasama ko ngayong araw. Kahit sa room nalang, tinabihan talaga ni Adriel si Kim at lumayo samin ni Cyrene. Bahala nga sila sa buhay nila! Magkaibigan naman talaga silang dalawa e! Anong irereklamo ko?! >.<

       “Kailan kaya.. babalik ang ala-ala ni Kim..?”, tanong ni Cyrene.

       “Ewan ko.. Pero sana, malapit na..”, sabi ko.

       “Pano kung hindi na bumalik…? Babalik ka rin ba kay Adriel..? Don’t worry, wala na sakin ang tungkol sakanya..”

       “….Hindi… Kung hindi bumalik… hindi naman iyun magiging dahilan para mawala na rin iyung promise ko na hindi ko naman siya iiwan… Mahal ko si Kim… At hindi taga-salo si Adriel kapag ako ang naiwanan..”

  (Ngumiti si Cyrene. Ang totoo napapaisip rin ako sa sinabi niya. Pero hindi talaga ako babalik kay Adriel kahit lumuhod pa siya sa apoy..)

  UWIAN

   This time, wala ng magagawa si Adriel. Sa bahay ko natutulog si Kim kaya kaming dalawa ang magkasama. BWAHAHAHAHA! Kala niya huh.. (XD)

       “Dapat talaga hindi na kayo mag-away ni Adriel..”, sabi ni Kim.

       “Hindi naman kami nag-aaway ah?”, sabi ko.

       “Bakit hindi ko kayo nakikitang magusap? Kung mag-usap man kayo, parang strangers kayo.. Dati naman kayong magkaibigan diba?”

       “Ah basta.. Hindi kami nag-aaway.. Pero hindi ko siya kaibigan ngayon..”, sabi ko.

       “Siguradong may kasalanan si Adriel sayo.. Kung anuman iyun, dapat patawarin mo na siya.. Mukang nagsisisi naman na siya e..”

       “Hindi sapat ang pagsisisi… Wag na natin siyang pag-usapan…”

       “….Okay…. Oo nga pala, walang pasok bukas diba? Aalis sana ako.. Birthday daw ng kapatid ni Yunice..”

  (Napa-tingin ako sakanya.. Sa totoo lang, siyempre, AYOKO.. Dahil mag-isa lang siya.. pero..)

       “Sige.. Pero umuwi ka agad, okay? Mag-aalala kami sayo..”

       “Oo naman… Gusto mo bang sumama?”

       “(ngumiti lang ako) Hindi na.. Ikaw lang naman ang imbitado.. Kabastusan naman kung sasama ako..”

       “Okay..”

   Pag-uwi namin sa bahay, ewan ko ba, hindi naman ako nag-p.e., at wala naman kaming ginawa masyado kanina sa school, pero parang pagod na pagod ako. Agad akong napa-higa sa kama kahit hindi pa ko nagbibihis, at nakatulog nalang bigla..

…At ang tulog na iyun na nung una’y akala ko idlip lang, e naging mahaba, hanggang sa dumating ang kinabukasan..

 UMAGA NA….

   Pag-gising ko, 7 na.. Ang haba naman ng tulog ko?!! HIBERATE na ata ang tawag dun?!! Bumangon agad ako at lumabas ng kwarto. Nandoon si Mama na nagluluto ng breakfast.

       “Goodmorning Ma… Si Kim..?”, tanong ko.

       “Ah si Kim! Umalis siya kanina pa.. Nagpaalam naman na daw siya sayo..”, sabi ni mama.

       “O_O Ha?! Kanina pa..? Wow.. sobrang aga naman ng birthday party na iyan..”, sabi ko.

  (Bumalik ako sa kwarto at hinanda iyung pampalit ko. Maliligo na kasi ako. Pero sa patungan ng lamp na nasa tabi ng kama ko, may isang memo pad na naka-ipit sa alarm clock. Binasa ko.)

       “’Mamaya, 10 am sa amusement park..’ Eh…? Kanino galing ‘to..??”

 Napa-isip ako. 10 am….? Amusement park…? Teka, sino pa bang pwedeng maglagay nito maliban kay Mama’t Kim? Eh silang dalawa lang naman ang nandito sa bahay?? Alanganin namang si Mama… HAHAHA! Kay Kim galing ‘to! Pero akala ko ba may birthday party? Niloloko ba niya ko?

  Agad akong naligo. For some reason, natuwa ako! Siyempre no, papasyal kami ni Kim!! Siguro naisip niya na dapat niyang gawin ‘to bilang pampalubag loob..

       “Ma! Aalis na ‘ko!!”, sabi ko.

       “Ha..??! Pati ba naman ikaw hindi kakain ng break fast?!”

       “Hehe! Sorry! Dito ako kakain ng dinner, don’t worry!”, sabi ko.

 (At tumakbo ako palabas ng bahay. Si Kim talaga.. Pa-surprise pang nalalaman, e halata namang siya ang nag-iwan nun doon..)

  Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko naman namalayang ang aga aga pa pala. EXCITED?!?!!? Oo, 10 kasi ang nasa pad, tapos 9:30 palang e nandoon na ko. -_- Malamang mamaya pa dadating si Kim. Talaga naman… Dahil maaga pa naman, maglilibot muna ako sa park.

…Pero habang naglalakad ako, may nilalang na humawak sa braso ko… Paglingon ko…

…..O__O ADRIEL?!!!!!??!???!!?!?

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now