It's his fault

15 0 0
                                    

  Hindi ko na alam kung anong nangyari… Basta pag-dilat ng mata ko, nandoon ako sa sala, at nasa tabi ko lang si Mama. It’s clear, nawalan ako ng malay. Siguro sa tension, sa pagod, at sa katotohanang wala akong kinain na kahit ano kaya nawalan ako ng energy.

  May gamot na at band aid iyung tuhod ko. At may cold compress naman sa braso ko. Tama ako, nagka-bakat siguro ng kamay ang braso ko.

       “Wag kang mag-alala Lycia, saka na kita tatanungin sa kung anong nangyari.. Mamahinga ka muna..”

       “….Si Kim….?”, tanong ko.

       “Wala pa si Kim. Wag mo na siyang isipin, magpahinga ka lang..”

  (Wala pa daw? Napa-tingin ako sa orasan at nakitang 5:45 na ng hapon. Mag-gagabi na.. WALA PA? Eh nagising ako ng 7 kanina wala na si Kim. Ang tagal naman ng birthday party na iyan?)

       “Ma…. Wag kang mag-alala, ayos lang ako. Kasalanan ko kung bakit ako nadapa e..”

       “Eh iyung sa braso mo?? Imposible namang ikaw lang ang gumawa niyan..”

       “Ah..M.. medyo naka-away ko kasi iyung nagbebenta ng tickets sa amusement park kaya hindi ko siya dapat babayaran, pero kinaladkad niya ‘ko. X_X”

 (-_- Sana effective mga dahilan ko no?? Maniniwala kaya siya? Haizt. Imbento ko lang naman e..)

       “Kung ganon… bakit ka umiiyak kanina..? DAHIL NADAPA KA? Ang wirdong dahilan naman nun..”

       “Nag-away nga po kasi kami nung nagtitinda. Tinakbuhan ko siya, at sa pagtatakbo ko, nadapa pa ko, hanggang sa maka-uwi ako dito. Nawalan ako ng malay siguro kasi hindi ko kinain iyung break fast na hinanda niyo..”

   (Another imbento.. Sana maniwala ulit siya.. >.<)

       “Hay nako… Ewan ko kung maninwala ko. Pero kung iyan ang sabi mo, sige. Pero next time!! Mag ingat ka naman anak! Pinag-aalala mo ko e!”

       “He-he.. >__< Sorry Ma… Hindi na mauulit..”

Hay… Kahit naman abot langit ang inis ko sa Adriel na iyun, hindi ko na ma-a-afford na mas masira pa ang reputasyon niya kay Mama, baka… habulin niya ng itak si Adriel, kawawa naman. >.<

  (After isang oras, kumakain na ko ng dinner kasabay ni Mama sa table, saka lang dumating si Kim. Pagdating niya, muka siyang masaya. Malamang naman na nag-enjoy siya dahil ilang oras ba naman niyang hindi nilubayan iyung Yunice na iyun eh! BUONG ARAW!!)

       “^_^ Hello… Sorry late na ko naka-uwi. Hindi ko naman kasi alam na pupunta pa pala kami sa resort para lang sa party ng kapatid niya.”

Hindi ko tinitignan si Kim. Inisip ko na kasi kanina pa, na iyung papel sa kwarto ko na galing kay Adriel, malamang si Kim ang inutusan ni Adriel na mag-lagay nun. Hindi naman makakapasok basta basta si Adriel dito ng hindi nalalaman ng kahit sino no..

Hindi man ako nakatingin kay Kim, naramdaman kong tumingin siya sakin. Natahimik ang paligid.

        “Anong…. Nangyari sayo…?”, tanong ni Kim.

  (Nagulantang ako, napa-tingin tuloy ako sa braso’t tuhod ko. Masyado bang halata na para akong nabugbog??)

       “Wala.. “, sabi ko nalang.

       “Iyung memo sa…!!”, hindi natuloy ang sinasabi ni Kim.

       “Oo, oo… Akala ko galing sayo..”

       “Teka, anong pinag-uusapan niyo? Anong memo? Nagsususpensya na ko.. Nadapa ka lang ba talaga’t nakipag-away sa tindero!?”, naguguluhang tanong ni Mama.

       “A-ha-ha! >.< Oo naman! Anu ka ba, iba iyung pinaguusapan namin ni Kim. May memo kasi sa kwarto ko kaninang umaga. Parang pina-alala lang sakin na pumunta sa amusement park para mag-saya naman kahit minsan.. kala ko galing kay Kim..”

       “Eh.. kanino pala?”

       “… -_- Kay Cyrene.. iyung kaibigan ko..”

 (Tumango tango si Mama. WHEW!! NAKATAKAS!! Hahahaha! Napa-tingin ako kay Kim, at saktong pag-tingin ko sakanya ang pag-bawi naman ng tingin niya’t pag-pasok niya sa loob ng kwarto. O, anong nangyari dun??)

       “Hindi ka ba kakain, Kim??”, tanong ni Mama.

       “Ah, busog na po ako e.”, sagot ni Kim habang nasa kwarto.

Hay….. Sana magawa kong itanong kung bakit siya pumayag sa kung anumang inutos ni Adriel sakanya. Imbes na sakin siya pumanig,…. -_- Anu bang magagawa ko? Silang dalawa naman ang “TUNAY” na magkaibigan e.. Pero sana kinonsidera naman niya iyung sinabi ko noon na ayaw ko talaga kay Adriel diba? Sadya bang makulit na siya ngayon at gusto niyang magka-ayos kami????

  Isa talaga siyang “Nawawalang” Kim….

   I want the old Kim back….

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now