The realization

42 0 0
                                    

   Kinabukasan, umaga palang ay hinayaan na nila akong makita si Kim. Excited ako, pero kinakabahan parin ako sa pwede kong malaman. Hindi nila ‘ko hinayaang maglakad, at kinailangan pa nila akong ilipat sa wheel chair. >.< Ay sus ginoo, para naman akong lumpo na matanda nito!

    (Naka-sunod sakin sina Cyrene, Adriel at Mama, kasama ng isang nurse na naghahatid samin sa kwarto ni Kim. Tapos, sa pintuan ng mismong kwarto, umalis na iyung nurse, at hinayaan na si Mama na magtulak sakin papasok ng kwarto.)

           “….K-kim…..”

  Ayan, ayan! Naiiyak nanaman ako!! Makita palang siya na nasa ospital, parang na-tw-twist na iyung throat ko e! Lalo pa pag naiisip kong nandito siya dahil sinubukan niya kong isalba!

  Lumapit pa ko, nasa pintuan lang iyung tatlo. May bandage na naka-balot sa bandang noo ni Kim, at pati sa kanang tuhod at braso niya, may naka-ikot rin na bandage. Sa ngayon ay natutulog siya.

           “Kim….. Bakit… bakit mo ginawa iyun, ha??? BALIW KA TALAGA!!”

Napa-rest down ako sa gilid ng kama ni Kim, at hinawakan ko iyung wrist niya.

           “Sorry, Kim…. Sorry talaga…!”

  (Naramdaman kong parang gumalaw bahagya iyung braso ni Kim. Nagulat ako’t napa-tingin sa muka niya.)

           “Kim…??”

           “Cy-cylicia… Umalis na kaya tayo? Bumalik na tayo sa room mo..”, sabi ni Adriel.

           “Kim… Kim..!”

  (Bigla kong pinush iyung sarili ko pa-tayo sa wheel chair, nagawa ko namang maka-tayo. Tumakbo plapit si Mama sakin at inalalayan ako. Biglang dumilat iyung mata ni Kim, at tumingin siya sakin. Niyakap ko siya, at si Mama, naka-alalay parin sakin.)

           “Kim! Sorry! Kailan ka pa ba nagkaron ng malay?? Sorry, Kim! Kasalanan ko kung bakit ka nandito!”, sabi ko.

  (Hinawakan niya iyung braso ko, at tinulak niya ko pa-tayo. Nagtataka naman ako.)

           “…Sino ka ba..??”

  Sa mga puntong iyun, parang tumigil iyung pag-hinga ko, pati iyung oras. Nagulat ako, at ang inisip ko, baka nagloloko lang siya. Hindi talaga nakakatawa ang humor niya.  Nakaka-gulat.

           “K-kim.. Wag ka ngang mag-biro..”

  (Hindi nagsalita si Kim at naka-tingin lang siya sakin. Lalo akong kinabahan, hinawakan ko iyung dalawa niyang balikat.)

           “Kim!! TUMIGIL KA NGA! Ako ‘to! Si Cylicia! Ulianin ka ba?!!”

           “…Hindi kita kilala… Pasensya na..”

Nabitawan ko siya. Ano….??? Sandali lang, hindi na magandang biro ang sinasabi niya!!!! Lalong dumami ang luhang nangingilid sa mata ko hanggang umapaw ito’t kusa ng tumulo. Mahigpit ko siyang hinahawakan, at sinasabing niloloko niya ko. Pero iyung inosenteng tingin niya lang sakin ang nagsasabi, na hindi niya ko maalala.. Na nabura ako sa memorya niya..

   Nawalan ako ng pag-asa, napa-upo ako sa wheel chair, tapos dumating ang dalawang nurse. Ang isa’y titingin kay Kim, ang isa naman ay maghahatid sakin pabalik sa kwarto ko.

  Naiwan dun si Adriel, na hindi makatingin samin, at si Cyrene naman ay umiiyak rin. Alam ko nagui-guilty siya.. At si Mama, naiiyak na rin, kasi kulay pula na iyung mata niya. At ako……..

  ……BAKIT NIYA KO KINALIMUTAN?!!??!?!

           “Cyrene…. Naligtas ba ‘ko ni Kim….??”, tanong ko nalang.

           “Oo… Natulak ka niya… Pero pareho tayong sumalpok sa semento.. Nabunggo siya nung sasakyan, at hindi ko na alam.. Nawalan na ko ng malay nun… Patawarin mo ko Cylicia… problema talaga ako sa buhay mo..”, sabi ni Cyrene.

           “H-hindi, Cyrene… Kasalanan ko iyung nangyari sakanya… Dapat… Dapat namatay nalang ako.. kesa mawalan siya ng ala-ala..”, sabi ko.

           “Wag mong sabihin iyan, Lycia!!”, sabi ni Mama, sabay yakap sakin.

           “Hindi ako.. naging mabait sayo, Cylicia… Wala akong kwenta.. Hindi kita kayang tulungan…”, sabi ni Cyrene.

Wala na kong paki-alam sa nangyayari sa paligid. Wala na, parang… parang iniisip ko, bakit hindi niya nalang ako hinayaan nun? Bakit pa siya tumulong…? Dahil sa pinangako niya na tutulungan niya ko…? Hindi niya ipinangako na mananatili siyang nandyan para sakin, pero tutulungan niya ko… PESTENG PANGAKO IYAN!! Sana hindi nalang niya sinabi iyun! Sana hindi niya nalang ako nakilala! SANA…. Sana……… Kahit alam kong wala ng magagawa iyung sana ko…..

   Sinabi ko na sakanya, na wag niya kong iiwan… Pero sa ganitong sitwasyon, pano pa niya magagawa iyung sinabi ko??  …..

………..

 ……….. Parang sa panaginip ko lang…..

…Pero mali siya… Kailangan ko parin siya…..

……….Bakit ba ngayon lang….? Kung kailan naman kumplikado na ang sitwasyon….. Bakit ngayon ko lang ina-admit sa sarili ko…. Bakit ngayon ko lang na-rerealize….. Bakit ngayon ko lang naiisip…..

… MAHAL KO SI KIM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now