KAPE TAYO?

11.9K 73 2
                                    


Two weeks ago, hindi ko akalaing matapos ang napakahabang panahon ay muli kong makikita ang lalaking minsan ay naging bahagi ng buhay ko. Si Red.



Palabas na sana ako sa admin building ng University of Makati kung saan ako nag iinquire dahil doon ko balak mag transfer nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahil nakalimutan kong magdala ng payong, napilitan akong magpatila muna ng ulan.



Ilang minuto pa lang yata akong nakatayo malapit sa may exit nang maramdaman kong may bumangga sa likod ko. Napa-"ouch" pa nga ako dahil may kalakasan ang pagkakabangga sa likod ko. Magtataray na sana ako nang matigilan ako nang paglingon ko ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa 'kin.



"Red?" usal ko na alam kong mas mahina pa kesa sa isang normal na bulong.



"Pia?"



Nakilala naman agad ako ni Red. Well, wala naman masyadong nagbago sa hitsura naming dalawa mula nang huli kaming magkita.



Three years ago, nagkakilala kami ni Red sa Leyte kung saan talaga ako nakatira. Nag-transfer sa school namin si Red dahil pansamantalang naghiwalay ang parents niya at nagpasyang umuwi ng Leyte ang mommy niya.



Dahil nga transferee at Manilenyo, marami ang agad na nagkagusto kay Red. At isa na nga ako doon. Red was tall, devilishly handsome and has this lopsided smile that easily captured my heart. I remember na naging close kami dahil sa isang group project kung saan magka-grupo kami. Sa bahay ng isa pa naming kaklase kami gumagawa ng project namin. And every time na maghihiwa-hiwalay na kami, palagi niya akong ihahatid sa amin. Doon mas lalong nahulog ang loob ko kay Red.



Then one time, umuulan nang malakas at tapos na ang klase. Walang payong si Red kaya nagmagandang loob ako na isabay na siya pauwi. I could still vividly remember na halos magkayakap na kami habang sinusuong namin ang malakas na ulan pauwi.



"Mas lumalakas ang ulan! Pumasok ka muna sa bahay," alok ni Red.



At dahil malakas na nga lalo ang ulan, pumayag ako sa proposition niya. And that time, aaminin kong parang ayoko pang mawala siya sa tabi ko. Not now that I'm feeling too cold and only hot skin could make me feel better.



Walang tao sa bahay nina Red nang pumasok kami. Late na raw kasing umuuwi ang mommy niya.



"You want coffee?" tanong ni Red sakin nang nasa sala na kami.



"Sure, thanks," sagot ko naman.



Hindi nagtagal ay magkatabi na kaming nakaupo sa sofa habang sinisimsim ang kanya-kanya naming kape. It was still raining outside.



Paglingon ko kay Red ay nakita kong nakatitig siya sa mukha ko. It was like he was memorizing all the tiny details of my face. Hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sa mukha ko. His lips found mine and we started kissing and groping and making wonderful sensations that I've only discovered that time.



Ganoon pala ang epekto ng halik, nakakapanghina. Mabuti na lang at nakaupo kami sa sofa.



Hindi ako tumutol kahit nang maramdaman kong isa isa nang hinuhubad ni Red ang mga damit ko. I was delusional that time. Nagpaubaya ako hanggang sa magsimula na nga si Red na pumasok sa kaibuturan ko. Masakit sa una. Pero habang tumatagal, nawawala yung kirot at napapalitan nang sarap na hindi ko maipaliwanag. It was pure bliss.



Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang paghupa ng mga init ng katawan namin ni Red. Malamig na ang mga kape namin. Muli kong isinuot ang mga damit ko at nagpaalam.



After that day, naging madalas na ang pagkakape namin ni Red sa bahay nila. Natigil lang ang pagkakape namin nang maka-graduate na kami at bumalik ng Manila si Red.



"Pia, anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ni Red sakin nang matapos ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan namin. Mukhang masaya naman siyang makita ulit ako.



"Nag i-inquire. Balak ko kasing mag transfer."



"Talaga? Nice," komento pa ni Red. Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan. Hindi pa rin tumitila ang ulan at tila lalo pa ngang lumalakas. "Saan ka ba nakatira ngayon?"



"Diyan lang sa may Cembo," sagot ko.



"Hatid na kita. Mukhang wala kang payong, eh," alok ni Red. Parang nabaliktad lang ang nangyari sa amin noon.



Hinatid nga ako ni Red hanggang sa tinutuluyan kong apartment sa may Cembo. At dahil maliit lang nama ang payong ni Red, medyo basa na rin kami by the time na narating namin ang apartment ko.



At bago pa man magbago ang isip ko, inalok ko na siyang pumasok sa tinutuluyan ko. "Baka gusto mo munang tumuloy? Kape tayo?"



Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Red bago kami tuluyang pumasok sa maliit na kwartong inuupahan ko. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay kusang naglapat ang mga labi naming dalawa.



Pwede naman kaming mag kape mamaya. But THIS can't wait. Nakaramdam ang katawan ko ng pamilyaridad sa bawat haplos at halik ni Red sa katawan ko. It was still awesome just like before.



Walang label ang relasyon namin ni Red. Pero sa sarili ko, alam kong it was more than the physical attraction. I think I like him. A lot. At hihintayin kong dumating ang panahon na hindi na lang kape ang iaalok niya sa akin.



*****

No part II. Hahaha. ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon