Let Me Be The One - 05

6.2K 82 3
                                    


"PAG-AAWAYAN na naman ba natin 'to, Cj?" hapong-hapo na si Bea sa paulit-ulit na interogasyon na iyon ng nobyo niya. Bakit ba hindi nito maintindihan na mahalaga para sa kanya na matulungan si Lloyd sa pag-aaral nito. "I've already explained to you na kayak o ginagawa 'to dahil kaibigan ko si Lloyd. I want him to improve," this time, mas malumanay na ang pagsasalita niya. Wala namang mangyayari kung pareho silang magtataasan ng boses ng nobyo niya.



"Bakit pakiramdam ko, mas mahalaga si Lloyd para sa iyo kumpara sa akin? Tapatin mo nga ako, Bea. Do you really love me?"



"Cj naman. Siyempre mahal kita. Sasagutin ba naman kita kung hindi? I love you, okay?" Sinubukan niyang hawakan sa pisngi si Cj pero ito ang kusang umiwas sa kanya. She was hurt.



"Then prove it! Prove to me na mahal mo nga ako. Pakiramdam ko kasi, ako ang nakikihati sa panahon mo. Na para bang kailangang ako ang makiamot sa kung ano lang oras ang kaya mong ibigay sa akin. Mas marami ka pang panahon para sa Lloyd na iyon to think that I am your boyfriend.



"Bea, pumayag na nga ako na tuwing Saturday na lang tayo magde-date dahil sabi mo hindi ka pwede tuwing Sunday since you have what they called family day. Pumayag ako dahil pamilya mo sila. Pero bakit pati tuwing Sabado kailangan ko pang makihati sa atensiyon mo kay Lloyd?"



"Because he is my friend."



"That's exactly my point! He is just your friend but you're giving him so much attention-so much that you forget that you already have a boyfriend!" Cj snapped and walked out on that coffee shop.



Bakit ba hindi siya maintindihan ni Cj? Bakit kailangan siyang pahirapan nito nang ganoon? Or could it be that she really is giving much of her attention to Lloyd?


Maybe.



Umalis siya sa coffee shop na iyon na magulong-magulo ang isip.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon