Let Me Be The One - 09

6K 84 2
                                    


PATAPOS na ang program nang pumunta si Bea sa restroom. Alam niyang namumula na siya dahil sa wine na iniinom nila ng mga pinsan ni Lloyd.

Pagkatapos mag-jingle ay nag-retouch naman siya dahil oily na ang mukha niya.


Nagulat pa siya nang paglabas niya nang banyo ay humila sa kanya. It was Lloyd.

Kagaya niya ay halatang nakainom na rin ito.


Niyakap siya ng binata at naramdaman niya nang hagkan nito ang leeg niya. "I missed you, alam mo ba iyon? Buong araw mo akong hindi pinansin."


"Lloyd, bitawan mo nga ako. Baka may makakita sa atin."


"So what? I don't care kung makita man tayo ng mga kamag-anak ko. I love you, Bea." At buhat sa sinabi nito ay walang babalang sinakit nito ang labi niya. She could taste the alcohol in his lips but for her, Lloyd's kiss was still the sweetest. She could say that he was an expert kisser.


Noon biglang nag-ring ang celphone niya. Pareho silang biglang natauhan. Pero mababanaag pa rin sa mga mata nila ang matinding pagnanasa isa't isa.


Tama. Hindi na niya maitatanggi ang pagnanasang noong una ay hindi niya akalaing mayroon siya para kay Lloyd. Si Lloyd na isang kaibigan lang ang turing niya. But the past few days, hindi na lang isang simpleng kaibigan ang tingin niya dito. She was starting to view him on a different perspective. Siguro ay nasanay na lang siya sa presensiya nito sa buhay niya bilang isang kaibigan kaya naman nang magtapat ito sa kanya kagabi ay nahirapan siyang i-proseso iyon.


Pero ngayon, parang unti-unting nagbabago ang tingin niya kay Lloyd. Hindi na lang ito isang kaibigan sa kanya ngayon. He was starting to ignite those emotions she didn't know that she had for him.


"H-hello?"


"Babe, this is Cj. I need you..." Marami pang sinabi sa kanya si Cj bago niya nagawang magpaalam.


"Kailangan ko nang bumalik sa Tacloban, Lloyd. Cj needs me."


Nakita niya ang sakit na biglang bumakas sa gwapong mukha nito. "I'll go with you."


"Huwag na. Hahanapin ka ng mga relatives mo. Besides, kaya ko namang bumiyahe na mag-isa."

"Magkasama tayong pumunta dito kaya magkasama rin tayong aalis dito. Saka bakit baa tat na ata kang makita ulit iyong si Cj. Isang tawag lang niya halos magkandarapa ka na para puntahan siya. Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo, Bea? Sana ako na lang ang mahalin mo."
Her heart went out to him when she heard those words. Pero hindi pa iyon ang panahon para pagbigyan ang mga puso nila. Hindi pa ngayon...


Nagpaalam na sila sa mga kamag-anak ni Lloyd at bumiyahe na sila pabalik sa Tacloban City. Habang nasa bus sila ay hindi binitawan ni Lloyd ang kamay niya at panay ang halik nito sa kanya na hindi naman niya tinututulan.


Pagdating nila sa tarangkahan ng bahay nila ay kay higpit ng yakap sa kanya ni Lloyd.


"Lloyd, kailangan ko nang pumasok. Ikaw din, kailangan mo nang umuwi para makapagpahinga ka na rin."


Ngunit lalo lang nitong isiniksik ang mukha nito sa leeg niya. "Five minutes pa, Bea. Five minutes na lang."


Pagkatapos nga nang five minutes ay ito na ang kusang humiwalay sa kanya at walang anu-anong tinalikuran siya at naglakad papalayo sa kanya.


Maski nang tawagin niya ang pangalan nito ay hindi na siya nilingon pa nito. Gusto pa naman sana niyang sabihin dito na parang mahal na rin niya ito.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon