Hiram Na Gabi (SPG)

62.1K 433 19
                                    

Napatigil ako sa pagsasabon ng katawan ko nang may marinig akong kaluskos na nagmumula sa labas ng banyo kung saan ako narito ngayon. Dali-dali akong nagbanlaw at saka itinapi sa katawan ko ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto.

Paglabas ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Apollo na akmang magbubukas ng ref para kumuha marahil ng tubig.

“Nandito ka pala?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang buong akala ko ay umalis siya kasama ang kababata ko at girlfriend naman niyang si Jenny.

“Hindi ako sumama sa kanya ngayon. Medyo tinatamad kasi ako kaninang umalis,” sagot naman niya habang nagsasalin ng tubig sa isang baso.

At habang umiinom siya ng tubig ay napatingin naman ako sa katawan niyang naka-exposed sa mga mata ko dahil boxer shorts lang ang suot niya ng mga oras na 'yon.

Ilang taon na rin kaming magkasama ni Jenny sa two-bedroom condo unit na ito at lately nga ay ipinakilala niya sa akin ang bago niyang boyfriend na si Apollo. Apollo was handsome, sweet and charming. Madalas nga akong makaramdam ng inggit sa tuwing naglalambing siya sa kaibigan ko na performer sa iba’t ibang bar dito sa Metro Manila.

Nang una kong makita si Apollo, aaminin kong nakaramdam ako ng hindi matatawarang atraksiyon sa kanya. Sino ba naman ang hindi ma-attract sa lalaking biniyayaan yata ng isa sa pinaka-gwapong mukha sa balat ng lupa. And he has not just a beautiful face. Nagtataglay rin siya ng magandang katawan na ilang beses ring nagdulot ng kalituhan sa isip ko.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko at saka namili ng damit na susuotin ko. Eto ang pangalawang pagkakataon na magkakasama kami sa condo ni Apollo na kami lang dalawa. Usually kasi ay sumasama siya sa mga gig ni Jenny lalo na kapag wala siyang pasok. Apollo is a call center agent by the way.

Matapos magbihis ay bumalik ako ng sala para sana manood ng movie total hindi pa naman ako inaantok. Pero naabutan ko si Apollo na nakaupo na sa sofa at nagcha-channel hopping. Naupo ako sa tabi niya at hinintay kung saang channel siya mapapadpad.

Saktong pagkalipat niya sa HBO ay patapos na ang isang movie at nakasulat sa ibaba ng monitor ng TV na ang susunod na palabas ay ang “Something Borrowed”na pinagbibidahan ni Ginnifer Goodwin, Kate Hudson at Colin Egglesfield.

“Diyan na lang. Gusto ko 'yang movie na 'yan,” sabi ko kay Apollo.

“Sige ba. Wait, order lang ako ng pizza para naman may makain tayo while watching,” then he went to their room and called Shakey’s na siyang pinakamalapit na pizza house dito sa condo namin.

Habang naghihintay ay kinamusta ako ni Apollo tungkol sa bagong story na ginagawa ko. “Sabi ni Jen gumagawa ka raw ng bagong story?” aniya na naupo ulit sa tabi ko.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon