Let Me Be The One - 07

6.1K 78 4
                                    

PAGDATING nila sa resort kung saan idaraos ang kasal ng pinsan ni Lloyd ay naabutan nilang maraming kamag-anak ng ikakasal ang naroroon. Eksaktong maghahapunan na nang dumating sila.

Agad namang ipinakilala siya ni Lloyd sa mga kamag-anak nito.


"Guys, this is Bea Trinidad. Bea, this is my family and relatives."


Isang medyo payat na lalaki na nakasuot ng salamin ang biglang nagtaas ng kamay na may hawak pang tinidor. "Wait! Is this the same Bea that you've been telling me the past few months?"


Kuntodo iling ang ginawa ni Lloyd. "Of course not! Besides, the one that I'm telling you is Thea, not Bea!" pero bakit mukhang namumula yata pati bumbunan ni Lloyd? Ang cute nito kapag namumula ang pisngi nito.


"Ah, okay. I thought she's the one. Sayang ang ganda pa naman niya. Bagay sana kayo," dugtong pa ng payat na lalaki.


Siya naman ang biglang namula ang pisngi. Bigla ring parang tumaas ang temperature ng katawan niya. Nang magsalubong ang mga mata nila ni Lloyd ay sabay pa silang tumawa.


Pagkatapos ng masaganang hapunan ay niyaya siya ni Lloyd na maglakad-lakad sa dalampasigan. Nang gagapin nito ang isang palad niya ay hindi siya tumutol.

Masarap sa pakiramdam ang pagkakadaop ng mga palad nila. Funny, hindi niya hinahanap ang presensiya ng boyfriend niyang si Cj sa romantikong lugar na iyon.

Nagkasya na siya sa presensiya at sa pagkakahawak ni Lloyd sa kamay niya na tila ba iyon ang pinaka-natural na bagay sa mundo.


Nang mapagod sa paglalakad ay magkatabing naupo sila sa isang nakatumbang puno ng niyog. Noong una ay wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay halos sabay pang bumuka ang bibig nila para magsalita.


"Alam mo-"


"Alam mo-"


Nagkatawanan sila. "Sige, go ahead," anang binata sa kanya.


Dumampot siya ng isang maliit na bato at binato iyon patungo sa dagat. "Ang ganda-ganda ng lugar na 'to. Parang ang sarap-sarap tumira dito. What do you think?"

Nang muli niyang lingunin ang binata ay nahuli na naman niya itong matamang nakatitig sa kanya. Wala sa sariling napalunok siya. Nang unti-unting bumaba ang labi ni Lloyd pababa sa labi niya ay ni hindi siya umiwas. In fact, she was waiting for his lips to touch hers. Parang matagal nang naka-imbak sa unconscious mind niya ang bagay na iyon.


And when his lips met hers, she totally lost the ability to think correctly. Noong una ay marahan lamang ang halik na pinaagsasaluhan nila hanggang sa lumalim iyon nang lumalim. They were like hungry babies aching for more.


Nang matapos ang halik ay pinagdikit ni Lloyd ang mga noo nila and whispered the words she never thought she would hear from him.


"I love you, Bea. I love you so much that it hurts."


She was bewildered.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon