Let Me Be The One - 08

6.3K 84 2
                                    


HINDI alam ni Bea kung paanong aakto kinabukasan. Matapos kasi ang naging pagtatapat ni Lloyd sa kanya kagabi sa dalampasigan ay tila nagkaroon ng invisible wall sa pagitan nila. Mabuti na lang ay kailangan nilang maghiwalay pagdating sa simbahan dahil isa ito sa mga abay. Pero pagdating sa reception area ay hindi na siya nakatanggi pa nang yayain siya nang mga babaeng pinsan ni Lloyd na maki-table sa mga ito. Mabuti na rin siguro ang ganoon. Hindi pa niya kasi alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos niyang malaman na mahal siya nito.


Somehow, she was flattered. Maraming kababaihan sa school nila ang alam niyang may crush kay Lloyd dahil bukod sa gwapo na ito ay magaling pa itong kumanta. Kahit siya, hindi siya immuned sa charm ni Lloyd. She even called him the "chinito heartthrob."


Maya-maya lang ay nagsalita na ang emcee ng program. "Okay guys, since tapos nang kumain ang lahat, we will procedd with the program..." marami pang sinabi ang emcee na hindi na niya masyadong naintindihan. Tahimik lang siya habang tinitingnan ang bagong kasal doing those traditions like the slicing of the cake and the toast of wine.


"And now, we would like to call all the single ladies. It's time for the bride to pass her boquet to the next lucky lady. Single ladies, punta na po kayo dito sa harapan."


"C'mon Bea. This is just for fun. Pwede mo nang hindi saluhin yung boquet kung ayaw mo pa talagang maikasal." Pang-e-engganyo sa kanya nang pinsan ni Lloyd na si Athena. Athena was nice and she don't want to give the impression na nag-iinarte siya kaya pumayag na rin siya. Sa pinakadulo siya pumuwesto dahil wala naman siyang balak na makisalo sa mahiwagang boquet.


But unfortunately for her, medyo napalakas yata ang paghagis ng bride kaya hayun, diretso iyong nag-landing sa kanya.


Nagpalakpakan naman ang mga miron.
"You're lucky!" sabi pa ni Athena nang pabalik na sila sa upuan nila.


"And now, mga boys naman. Lahat ng single na lalaki, pumunta na sa harapan at nakatakda nang ihagis ng groom ang mahiwagang garter na magdadala sa inyo sa pinto ng langit!" naghigikgikan ang mga bisita.


Siya naman ay nanggilalas nang makitang may tatlong medyo may-edad na lalaki ang pumunta sa harapan ng stage. Single pa sila sa lagay na 'yan, ha? At sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang tumayo rin si Lloyd at pumunta sa harapan. Bigla na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya.


Para iyong nakikipagkarera sa kabayo.
"At a count of 1, 2, 3..."


And so the garter flew. Nakita niya nang lumundag si Lloyd para abutin ang garter bago pa man iyon makuha nang iba.


Nagpalakpakan ang mga tao nang makuha iyon ni Lloyd. At ang mokong, pinaikot-ikot pa nito iyon sa hintuturo nito habang pilyong nakangiti sa kanya.


"Tinatawagan po natin dito sa harapan iyong nakakuha ng boquet na si Ms. Bea Trinidad."


Bagama't nahihiya ay wala siyang choice kundi ang lumapit sa host. "Okay, maupo ka na diyan, girl. Ikaw naman Lloyd, halika na at lumapit ka na dito. It's time that you enter the gate of heaven-"


Palakpakan ulit ang mga tao.


Lumuhod sa harap niya si Lloyd at saka tumingin sa kanya. Bahagya pa siyang nangaligkig nang maramdaman niya ang mga daliri nito na bahagyang dumantay sa bukong-bukong niya.


"Higher! Higher!" sigaw ng emcee at nang mga meron. Itinaas pa nga ni Lloyd ang naturang garter. But Lloyd voluntarily stopped when he was almost near her precious sanctuary.


"I would love to touch 'that'. But not now, and not here," bulong sa kanya nang binata bago siya nito inalalayang tumayo at saka inihatid sa dating pwesto niya.


Tumayo yata lahat ng balahibo niya dahil sa sinabi nito.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon