Let Me Be The One - 03

7K 87 3
                                    


"HINDI ka nag-review ano?" agad na tanong ni Bea kay Lloyd nang i-dismiss sila ng professor nila sa Algebra. Nagtayuan na ang ibang estudyante para magsiuwian.


"Anong klaseng tanong ba naman iyan, Bea? Siyempre, nag-review ako."


"Kung ganoon, bakit ang baba nang score na nakuha mo sa prelims natin?" Well actually, pasado naman ang binata sa prelims nila since he got eighty one for an average. Still, she wasn't contented. Alam niyang may mas itataas pa ang marka nito.


"Masyado ka naman kasing bilib sa akin. Hindi nga ako magiging kagaya mo. Okay na sa akin na ikaw ang maka-perfect, okay?" Hayun na naman ito sa sagot nito na kinaiinisan niya. Lagi na lang ay sasabihin nito na okay na para dito na siya lang ang makakuha nang mataas na marka. For her, it was not right.


Magkaibigan sila kaya dapat lang na tulungan niya ito para mag-improve ito sa naturang subject.


"Starting this coming Saturday, you'll have to come into our house. Kung hindi magawang ipa-intindi sa iyo ni Sir Leona ang mga itinuturo niya, ako magtuturo sa iyo," aniya.


"You mean you'll going to tutor me?"


"Ayaw mo?"


Bahagyang nailing ito. "Pero hindi ba't may lakad kayo ni Cj tuwing Saturday?"


Noon lang niya naisip ang bagay na iyon. Oo nga pala, tuwing Sabado lang sila nakakapamasyal ni Cj bilang magkasintahan. During weekdays kasi ay sobrang busy siya sa academics maging sa extra-curricular activities niya.

Nagkakaroon lang sila nang pagkakataon na magkasama ng nobyo niya tuwing M-W-F dahil pareho sila ng break time.


"Hayaan mo at ako na ang bahalang kumausap kay Cj. Siguro ay sa hapon na lang namin ise-set ang date namin so we can have the tutorial session by morning. I'm sure he'll understand. He has to understand me. I am a Social Work student at importante sa akin ang tumulong sa kapwa."


"Amen," tugon ni Lloyd na nakangisi.


"I'll be expecting you on Saturday. 8:00 AM sharp. Don't be late."


"Yes, ma'am!" sumaludo pa sa kanya ang kumag.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon