Epilogue

148K 2K 377
                                    

"HANDA NA ba ng lahat?" Excited na sumilip ang mommy ni Griselda sa dressing room na pinagbibihisan niya. Namangha ito sa naging ayos ng anak at nilapitan ito. "Ang ganda mo, anak. You look so happy."

Kasalukuyan siyang nakatanaw sa malaking siwang ng bintana. She's wearing a bridal gown with a big puffy short sleeves, slightly off the shoulder. It had a sweetheart neckline with matching drop waist. Her bouffant, silk illusion veil was attached to a lace flower encrusted with pearls and crystals. Happiness is evident on her face. She looked back to her mother saying, "I AM."

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at nagngitian sila. "Masaya ako para sa iyo, anak. Dahil ikakasal ka, hindi lang dahil sa Kasunduan, kung hindi dahil sa pagmamahalan ninyo."

"Oh Mama!" Napayapos siya rito sa sobrang kaligayahan. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. This is her day, the wedding day, and yet nagiging emosyonal siya. Masisira ang makeup niya nito eh.

"Hay anak, don't cry! Tsk." Bahagya siya nitong inilayo at pinahid ang mga luha nito.

"Masaya lang, Mama. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Alex, 'di ba? Kahit may pagkaarogante iyon, hindi ko ipagpapalit kahit kanino iyon." Her chinky eyes slit when she smiled at her.

Nginitian siya nito at hinaplos sa mukha. "Alam ko at masaya ako. Dahil mahal ninyo ang isa't-isa. Sana nga lang matutunan na ninyong pagkatiwalaan ang isa't-isa at magpaliwanagan kung may problema."

"Tss. Napakadrama mo, Mama. Baka sabihin ng mga READERS, drama pa rin ito hanggang sa huli." biro niya rito.

Nagtaka naman ang Mama niya. "Huh? Readers? Sinong readers?"

"Wala..." nangingiti namang turan niya.

"Ma'am?" bungad ni Merberry sa may pinto.

"Oh bakit Merbs? May kailangan ka ba?"

"May mga gusto hong makita kayo..." Nginitian siya nito. "Nga po pala Mam, congrats po. Alam ko naman kayo talaga hanggang sa huli eh."

Nginitian niya ito at inaatang ang kamay upang palapitin. "Halika nga rito..." Pagkalapit ay agad niya itong niyakap. "Hmmm... ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita, Merbs eh. Kahit kailan hindi mo 'ko iniwan. Kahit noong nasa Binacas na kami ng anak ko, nandyan ka pa rin sa tabi ko. Kahit maliit lang ang sweldo. Napakabait mo talaga sa 'kin Merbs. Thank you sa lahat. Sana mahanap mo na rin ang lalaking magmamahal sa iyo..."

"T-thank you po, Mam Griselda..." naluluhang sabi nito pagkahiwalay sa kanya. "Sige po, labas po muna ako. Congratulations po talaga, Mam..."

Nginitian niya itong muli. "Sige papasukin mo na sila."

Mula sa likuran ni Merberry ay nakita niya si Miranda, as usual strikingly beautiful in her light blue velvet Peter Pilotto gown that hugged her body in all the right places.

"Hi Griselda..." Maaliwalas ang mukha nitong lumapit at nakipagbeso-beso sa kanya. Her hair is short bob cut and brunette colored. Nginitian siya nito pagkatapos. "You look so wonderful, stunningly beautiful, Griselda." she gleamed at her.

"Thank you." Isang kiming ngiti ang isinukli niya rito. Hindi nya maiwasang kaunti ay mag-alala sa presensya nito. "Anong ginagawa mo rito?"

"I'm here to attend your wedding." She gave her a confusing look and smiled. "Don't worry, hindi na ako manggugulo sa inyo. And I'm sorry... sa lahat... lahat-lahat! Ng nagawa ko sa inyong mag-asawa." Nginitian uli siya nito. "Sana mapatawad mo na 'ko, Griselda. Let's all leave that in the past. Masaya na rin ako sa ngayon."

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon