Chapter Thirty-Four

91.8K 1K 65
                                    

DINALA NI Griselda si XanXan kasama ang yaya nitong si Merberry sa playground ng village nila hindi lang upang makapaglaro ang anak ngunit para na rin mapakalma ang sarili. Masyadong tensyonado ang nangyari sa pagitan nila Miranda. Kung hindi lang siguro siya inawat ni Alex ay baka naisubsob na niya ito sa putikan at pinakain ng mga damong ligaw. Grrr! Naiinis talaga siya sa tuwing maiisip niya.

Pinagmamasdan niya ang anak na nakikipaglaro sa yaya nito nang may humarang sa harapan niya. Tiningala niya kung sino. A smirk formed at pinamaywangan lang siya at nginisihan. Pakingthet. Akala ko nakalayas na 'tong babaeng ito? Nagpalit lang pala ng damit.

Tumayo siya at pinantay ang mukha rito. "Akala ko nakaalis na ang ahas, nagpalit lang pala ng balat. Gusto mong masaktan ulit?"

"Tsss... so barbaric. Ganyan ka ba talaga?"

"Depende sa kausap ko ang pakikitungo ko sa kanila. Depende rin kung tao o hayop ang kausap ko."

"Whatever." Miranda rolled her eyes on her then flipped her hair to her. "Let's talk somewhere. May sasabihin ako sa iyo kaya ako bumalik."

"Paano kung ayokong sumama sa iyo?"

"Gusto mo ba talagang marinig pa ng anak mo?"

She gritted her teeth. Talagang nakakapanginig ng laman itong babae na ito.

"Ma'm Griselda..." akmang lalapit si Merberry ngunit pinigilan niya ito.

"No, Merbs... Kaya ko ito. Iuwi mo muna si XanXan."

*

WALANG UMIIMIK sa kanila habang nasa loob ng restaurant. Marami siyang gustong sabihin, gustong itanong pero walang gustong lumabas sa bibig niya. Gusto niyang marinig ang sasabihin nito.

Katagalan ay si Miranda na ang nagbukas ng usapan."YOU'VE changed a lot. Mukha ka nang tao ngayon."

Pagak na tawa ang isinukli niya rito. "Is that a compliment or an insult?"

"No. Actually it's an insult. Mas maganda pa rin kasi ako sa iyo."

She didn't know kung maasar o matutuwa sa sinabi nito. Seriously, Miranda can be funny sometimes. Napakatabil pa rin ng bunganga nito. Kung hindi lang sila nasa restaurant ngayon malamang kanina pa niya ito nilampaso sa sahig.

"THE EX-wife is back. At sinama mo pa nga pala ang bastardo mong anak."

"I think you still don't get it. Alex and I are back... with our child."

Miranda smirked as if she's just nothing to her. "I know. You and your pesky kid. Tinatakot ninyo lang ang pamilya ni Alex dahil nagkaanak ka sa kanya. Pero to tell you what," she paused for a while and smirked evilly at her. "Alex. Is. Still. Mine. G*ga ka kase, iyan tuloy naunahan kita."

Naguguluhang tinitigan niya ito. "What do you mean?"

She laughed sarcastically. "Obviously, hindi ka gusto ng buong angkan ng Altamonte, specifically Madame Margarita. Buti nga lumayas ka eh, pero sana hindi ka na bumalik."

Tinaasan niya ito ng kilay. Sa totoo lang nanghihina na ang tuhod niya. Parang natatakot siya na hindi malaman.

"Nalulugi na ang kompanya, my dear. Kaya hulaan mo ano ang solusyon?"

"A-ano?"

She smiled wickedly again. "Madame Margarita and my parents have a deal. Kailangan kaming ikasal ni Alex. Just like what they did to you, poor you..."

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon