Chapter Three

161K 1.8K 34
                                    


Humahangos na tumatakbo papuntang restaurant si Griselda. Pagpasok niya ay sinalubong agad siya ng Ms. Dela Torre nila.

"Late ka na naman Hernandez! Ano ba naman iyan, lagi na lang!" singhal ng lady boss niya sa kanya. Hinahabol pa niya ang hininga na tumingin dito.

"Ms. DT, pasensiya na po talaga. Ang traffic ho kasi papunta dito, eh." She lied. Ang totoo niyan nag-movie marathon siya ng John Lloyd-Bea kaya tinanghali siya ng gising. Kasalanan ba eh avid fan lang siya.

<>

"Balita ko ikakasal ka na ah! Kaya pala blooming eh!" Nagpapalit sya ng pang-uniform nang kulitin siya ni Charice, katulad niya ring waitress doon.

Naningkit naman ang mata niya. Naalala na naman niya iyong ek-ek na kasal na iyan. "Hay, naku ang ingay talaga ng kapatid ko!"

"Huy, okay lang iyon. Uso na rin naman ang mga arrange marriage ngayon eh." sinusundan siya nito kahit saan siya pumunta. "Teka, kilala mo na iyong ka-arrange marriage mo?"

"Hindi pa," hinarap niya ito. "At wala akong pakialam. Magtrabaho na nga tayo!" Lumabas na siya ng pinto pero sinusundan pa rin siya ni Charice.

"Isshh!! Epal ka talaga. Hindi mo man lang ba kikilalanin?" pinigilan niya ito sa braso. "Ah wait, may magazine sa locker ko. Teka hintayin mo ako, papakita ko sa iyo." umalis ito sandali at bumalik din agad.

"Oh ayan!" binigay nito sa kanya ang isang magazine. "Dinala iyan ng kapatid mo. Mukhang mas excited pa nga sa iyon sa iyo eh!"

Ang epal talaga ng kapatid ko. Tinignan niya ang front cover ng isang business magazine. Una, nagre-register pa sa utak niya iyong gwapong mukha na nakikita niya. Whole body ang shot at nakabusiness attire ito. Tinititigan niya lalo ang mukha nito.

Blink once. twice. thrice. quadruple thrice. Ano to??!!

Nilapit niya sa mukha niya iyong magazine at idinilat ang mga mata. Hindi siya pwedeng magkamali. Siya iyung... iyung----

"Huy ano ba? Mga nakatunganga na naman kayo diyan? Trabaho na!" binulabog sila ni lady boss.

"Aye, Captain!" Biro pa dito ni Charice na sumaludo pa. Inirapan lang siya ni Ms. DT at umalis na.

"Uy iyong bibig mo nakabuka! Baka pasukan ng langaw!" naisara naman niya bigla ang bibig niya at tinignan ito ng masama.

"Mamaya na nga!" inabot nito kay Charice ang magazine.

<>

Lutang siya sa buong workshift niya. Walandyo naman. Bakit siya pa. Pwede naman si Dingdong Dantes na lang o si John Lloyd diba? Bakit siya pa?!

"Hernandez, tulala ka na naman. Umuwi ka na kaya?" napanguya siya. Si Ms. DT talaga oh, panira ng moment!

"Hoistt! Griselda! Dali dali!" wagas namang makatawag nitong si Charice. "Oh?"

"Iyong fiancee mo oh. Diba siya iyan?" sinundan nito ang nginunguso ni Charice. O_O

"JIGZ! Shit! Itago mo ako dali! dali!" si Jiggy na nasa likod ng cashier.

"'Eh?" sinundan ni Jigz ang sinisilip ni Griselda habang nasa likod niya. May kasama itong seksing babae na super clingy sa kanya.

"Hoist. Magtrabaho ka nga. Sura nito." tinulak naman siya paharap ni Jigz. Sinamaan niya ito ng tingin. Aizt, nakakainis. Hindi man lang makisama tong baklang to.

Wala na nga siyang nagawa. Naglakad na siya papunta sa table ng mga ito. The girl with hims so flirty. Halatang sineseduce iyong lalaki. Simpleng tsansing nito kapag napapahawak sa legs ng lalaki. Nakakainit ng dugo iyong kalandian niya.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon