Chapter Twenty-Five

103K 1K 113
                                    

INIP na inip na sa condo si Griselda. Hindi kasi siya sanay ng walang ginagawa. Dahil nga nagresign na siya kina Alex, kailangan niya agad makahanap ng trabaho dahil kung hindi, walang kakainin ang anak niya at pasahod sa babysitter nito. Nauubos na rin ang savings niya dahil mahal ang upa sa condong iyon. Hindi niya na rin nakuha ang last salary niya sa AGC gawa na rin na ayaw na niyang makita pa si Alex.

She's thoroughly scanning the newsprint when her doorbell rang. Nagtaka siya. Wala naman siyang inaasahang bisita o kahit sino. Isa pa wala pa naman siyang kakilala sa neighborhood niya. Nathan? Imposible rin dahil nasa States na iyon.

Without looking at the peephole ay binuksan niya ang pinto. The first moment she saw the man standing outside her door, she regret it.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" agad tanong ni Griselda nang mapagbuksan niya ng pinto si Alex. He's sexy wearing a tux. Regular working day ngayon bakit ito nandito ito? She raised her eyes back to his face.

HE'S too mesmerized upon seeing her again. She looked indecent wearing a white sando with her cleavage slightly hanging out and a short shorts that brought out her sexy and muscular long legs. Right there and then he wanted to kiss her and take her. When he looked at him again she's eyeing him suspiciously. Mukhang alam na nitong minamanyak niya ito.

"I just want to give your salary to you. Company policy iyon kaya hindi pwedeng hindi ibigay sa iyo. Uhm... Can I come in?"

Ang dami mong dahilan, isip niya. "I'm sorry, pero hindi po kayo welcome dito, SIR. Kaya makakaalis na po kayo."

"Talaga?" "Talagang-talaga."

"Well, let's see." Binuka pang lalo ni Alex ang pinto at hinapit payakap si Griselda. Nabigla ito kaya hindi agad nakahuma. Pero mas ikinagulat niya ang nakita sa likod nito.

"MOMMY!" Masiglang bati sa kanya ni Xander na anak niya na kasama pa ang babysitter nito. Pero napasimangot ito nang makitang may kayakap ang mommy niya.

"XANDER!" Tinulak niya si Alex at hinila papasok ang anak. Umupo siya katapat ng mukha nito. "Xander, what a surprise! Miss mo na ba ang mommy?" tinitigan niya nang masama ang babysitter nito.

"Mommy, sino siya?"

"Ah? Siya... Siya si-" Ano nga bang sasabihin niya? Na tatay siya nito? Hell no way.

"He- He's just a friend, anak." Nginitian niya ito at hinaplos ang mukha. Humarap naman ito sa lalaking kayakap ng mommy niya at kinilatis ang hitsura nito.

Hindi na alam ni Griselda ang gagawin. Nanunuyo na rin ang lalamunan niya sa mga nangyayari. Napakawrong timing naman ng pagbisita ng anak niya! Ngayong magkaharap na ang mag-ama, ano ba'ng dapat iakto niya?

"BUHAT..." sabi ni Xander habang nakastretch out ang mga kamay kay Alex. Griselda was surprised, as well as Alex too, but obliged to carry the child.

Naramdaman ni Alex ang lukso ng dugo nang makita at mabuhat niya ang anak ni Griselda. Hindi niya maipaliwanag pero parang ang saya ng pakiramdam niya. Dapat ay magalit siya dahil ito ang sanhi ng pagtataksil ng asawa pero napakainosente ng mukha nito para kamuhian. Nginitian niya ito at nginitian rin siya. Mukhang kampante sa kanya ang bata. His chinky eyes slit up, tulad niya. Lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi na siyang mas ikina-cute nito. Tulad nito ay may dimples din siya ngunit maliit lang at hindi halata. Saka niya lang napansin... he looked exactly like him.

"Ikaw ba ang Da-ddy ko?" biglang tanong ni Xander dito.

Nagulantang si Griselda sa tanong ng anak niya rito. Nanuyo ang lalamunan niya at hindi agad nakapagsalita. Bago pa makasagot si Alex dito ay sapilitan niyang kinuha ang anak sa mga braso nito.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon