Chapter Thirty-Seven

84K 922 70
                                    

Marahas na binuksan ni Alex ang pinto ng kwarto nila. Dali-dali nitong itinapon ang briefcase sa sa sahig. Hinubad nito ang sapatos at itinapon rin kung saan saka niluwagan ang neck tie.

"BWISIT!"

Si Griselda, sa isang banda, ay maingat na isinara ang pinto at pinagmasdan ang inis na inis na asawa. Tinitigan din siya nito.

"You shouldn't have done that. Sasama naman ako nang maayos eh." Sinuntok kasi nito si Nathan tapos para silang magsing-irog na nagtatanan nang itakbo siya nito.

"Eh nakakainis e! Kung makaasta akala mo sa kanya ka talaga. Akin ka lang, Griselda. AKIN!"

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Kailan ba siya masasanay sa pagiging possessive nito? She rolled her eyes heavenwards. "Whatever. Intindihin mo na lang siya. Kabe-break ko lang sa kanya nang dumating kayo... ng kabit mo." Sinadya niyang hinaan ang huli para tignan ang magiging reaksyon nito. His face grimed.

"Griselda, ito na naman ba tayo? Ilang beses ko bang sinabing hindi ko siya kabit?"

"I don't know." she snapped. "I don't know who to trust anymore." Saka siya pumasok ng banyo at doon ng naghilamos. Kung pwede lang burahin ang mukha niya ginawa na niya. Nakakainis lang! Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan. Magkasama na naman kasi sila; hindi niya maiwasang magselos.

Pagtingala niya ay nakita niya sa salamin na nasa likod niya si Alex. Mataman itong nakatingin sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Papalapit sana ito sa kanya ngunit pinigilan niya.

"Huwag kang lalapit. Not even closer."

Napabuntong-hininga ito. "Galit ka ba?"

"Ayokong magalit nang walang dahilan... I wanted to trust you as much as you trusted me. Tell me... Bakit kayo magkasama?"

He let out a sigh. "Pumunta siya sa office... m-may sinabi lang." He swallowed nervously and avoided her gaze. "Tapos niyaya akong mag-dinner, iyon lang. Purely business lang. Civil."

She eyed him. "Totoo ba iyan? Hindi ka ba nagsisinungaling?"

"Griselda... hangga't maaari ayokong magsinungaling sa iyo. Can you trust me this time?"

"Trust is earned, not given. Earn me first."

Unti-unti siyang lumapit rito, niyakap at tinignan ito sa mata. Hinaplos nito ang pisngi niya nang buong pagmamahal.

"I've been doing that for the last five years, hindi pa ba sapat iyon? Ang gusto ko lang naman ay magtiwala ka sa akin, sa akin lang. It pains me kapag may kasama kang ibang lalaki. Na may ibang humahawak sa kamay mo," Kinuha nito ang isang kamay niya at hinalikan habang nakatingin sa kanya. "Na may ibang nakakahawak sa iyo, na may ibang humahaplos sa mukha mo," Hinaplos nito ang mukha niya and moved closer hanggang sa halos magdikit na ang mga labi nila. "Na may ibang humahalik sa mga labi mo..."

Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. Dahan-dahan. Nakalalasing. Tila ninanamnam ang bawat sandali na magkasugpong ang kanilang mga labi. His kisses were the same, but this time it's more sweeter. Marubdob ang paghalik nito na tila ingat na ingat na hindi siya masaktan.

He made it slow, enough for her to feel how he cared for her so much... how he loved her so much... how busted he is when he first lost her... and now that he has her, he won't let go again. Not now, not never.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon