Chapter Nineteen

103K 1K 71
                                    

ALEX planned it all. Bibilhan niya ng bahay si Griselda para sa nalalapit na birthday nito. He is to buy a townhouse in Baguio kasabay na rin ng pinakamalaking business partnership na magaganap ilang araw mula ngayon. This is a surprise for her. Ngayon pa lang nangingiti na siya sa magiging reaksyon nito.

"WHAT are you doing here?" inis na tanong niya pagbungad pa lang ni Miranda sa pinto ng apartment niya.

"Masama bang dalawin ang ex ko?" sarkastikong tanong nito at dire-diretsong umupo sa malapit na kama. It was a one-bedroom unit at tama lang sa kanya. "And remember, stockholder ang family ko sa company ni'yo at natural lang na kasama kami sa after party ng partnership with the GIC Company."

GIC Company was one of the largest company based in Bagio owning one-third of the lands in the northern borders. Big step na iyon para sa Altamonte Group of Companies na makilala locally and internationally.

"WHAT'S this?" Pinulot ni Miranda ang nakakalat na portfolio sa kamat at binuklat ito.

"Akin na iyan." Mabilis na inagaw nito sa kamay ni Miranda ang bagay na iyon.

"Oh my God! Are you buying Griselda a townhouse?" Napansin niya kasing iba-ibang disenyo ng townhouse ang naroon. "That is so sweet!"

"You don't have anything to do about this. Get out of my room. Now." seryoso ngunit mariing saad niya rito.

"Tch. Bakit ba ang bitter mo? Hindi mo ba alam? Friends na kami ng asawa mo. Look oh, we even had a pic together." Inilabas nito ang cellphone at ipinakita rito ang kuha nila ni Griselda noong tanghaling sabay silang nananghalian. Alex eyed her suspiciously. "When was that?"

"We bumped to each other last week. We reconciled, and then we're friends." Maarteng saad niya rito. Alex still eyed her suspiciously. Tila hindi ito naniniwala sa kanya.

"Oh c'mon, Lex. Hindi na ba 'ko puwedeng magbagong-buhay? No hard feeling na ako sa marriage mo with Gre. Can't you just be happy for me?" She tilted her head towards the other side.

"Whatever." Alex just gave her a bored look then marched towards the bathroom. "Closed the door when you leave."

Nginusuan niya lang ito nang pagsarhan siya ng pinto. Napakacold pa rin nito sa kanya kahit ilang beses na niyang sinabing okay na sila ng asawa nito. Pero imbis sundin ito ay humiga ito sa kama. Amoy niya ang masculine scent ni Alex sa kamang iyon. Hindi pa rin ito nagbabago ng pabango.

Alex's phone rang na siyang nagpabalik sa huwisyo niya. She grabbed it and looked who's calling.

Griselda, My Beautiful Wife calling...

Napasimangot siya. Ang corny talaga ni Alex, pati pangalan, ang corny! Asar niyang sinagot ang telepono.

"Finally. You answered yo—"

"Oh hi, Griselda..." She gave her a bedroom voice. "Si Miranda 'to. Your husband's in the shower. May papa---" binagsakan siya ng telepono ng kausap. Bastusing bata. "Tse!" pahabol pa niya sa telepono saka binagsak iyon sa kama.

Ngunit may naisip siya at kinuha ulit iyon. Binura niya ang registered call ni Griselda leaving no evidence na tumawag ito. She smiled naughtily. Tignan lang natin kung hindi kayo mag-away mag-asawa.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa ang nakahubad na si Alex na siyang nagpanganga kay Miranda. Alex was half-naked and only wearing a piece of knee-length towel showcasing his 8 pack abs and his sexily curved trunk down to his manhood. Mamasa-masa pa ang dibdib nito. Napalunok siyang bigla. She wonders kung may brief ito sa loob.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon