Chapter Thirty-Three

93.1K 1K 69
                                    

TALKING ABOUT a pervert husband. She can't help but smile thinking that he can't get enough of her. Naalala pa niya ang nangyari sa kanila ni Alex noong nakaraang gabi.

Nasa kusina siya ngayon at naghahanda ng mami-miryenda ni XanXan habang ito naman ay naglalaro sa may garden kasama ang bagong hired nila na yaya nito na si MERBERRY. Sinabi niyang hindi naman kailangan ng yaya, pero mapilit si Alex dahil inireto daw ito ng kaibigan at kasosyo niyang si Mr. Joseph Mendez. Ito sana ang magiging yaya nila ng asawa nitong si Annie pero on the rocks pa ang kanilang relasyon kaya dito muna ito maninilbihan sa kanila.

"YAYA, habulin mo ako! Kyaaaa hahahaha!" Huhulihin na sana ni Merberry si XanXan pero mabilis itong nakatalilis ng takbo.

"Harujuskong bata ka, papagurin mo 'ko!"

"Aaah! Si yaya, lampa!"

"Ah ganoon? Halika nga ritong bata ka!" Nahuli rin niya ito at pinagkikiliti. Si Alex naman ay nasa isang tabi lang habang pinagmamasdan ang pagtawa ng anak. He never thought of anything else kung hindi nasa kanya ang pamilya.

He finally walked through the kitchen and saw Griselda on the table cutting little pieces of apple para sa anak. Dahan-dahan siyang pumunta sa likod nito at sinunggaban ito ng yakap.

"Honeypie..." Parang bata itong sumubsob sa leeg niya.

"Ano na naman?"

"Gawa ulit tayong baby..."

Tatawa-tawa siyang itinulak ito. "Adik ka talaga..."

"Adik lang sa iyo. Nakakabaliw ka kasi..."

"Hmp! Tigilan mo nga ako, Alex." Nangingiting ipinagpatuloy niya lang ang paghiwa habang nananatili pa ring nakayakap ito sa likod niya. Maya-maya pa ay may naalala si Alex.

"Griselda..."

"Hmm?"

"Why did you leave me?"

Napatigil si Griselda sa ginagawa niya. Oo nga pala, hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito. "I saw you kissing Miranda."

"WHAT?" Iniharap siya ni Alex rito. Nagtungo siya ng ulo ngunit iniangat iyon nito gamit ang hintuturo nito. "When?"

"Pumunta akong Baguio, sinundan kita. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Sasabihin ko sana sa iyo'ng buntis ako pero si Miranda ang nakasagot."

"Ano? Pero-"

"Just let me finish okay?" Tumango ito at ipinagpatuloy na niya ang kwento. "And then... nagpasama ako kay Nathan-"

"What! Nagpasama ka sa kumag na iyo-" She silenced him by slightly pressing her lips to his. Ang ingay kasi.

"Tapos iyon nga. It's a party, hindi ko alam kung ano. Pero nakita ko kayong nagsasayaw sa gitna at hinalikan ka niya..."

"Iyon lang, umalis ka na? Don't you think it's too shallow para lang iwanan mo ako? Hindi ko hinalikan si Miranda, siya ang humalik sa akin! I don't love her anymore, ikaw lang." Pilit nito iyong ipinamumukha sa kanya. "And to think na buntis ka, sana kinausap mo man lang ako!"

Kita niya ang galit sa mga mata nito. Oh God, galt siya. Nakakatakot pa naman itong magalit. She knows naman it's her fault. Napaka-insecure niya kasing tao at tamang hinala. Pero ngayon inaamin na niyang kasalanan niya.

Deal with Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon