Chapter 7

25.4K 490 11
                                    

Ally pov

Halos sumakit na ang likod ko sa kakakusot dahil sa paglalaba.

At nalulungkot ako dahil napagalitan ako kanina saka pinagbawalan narin akong pumasok sa loob pero hindi ako papayag at gagawa ako ng paraan na kahit papaano ay makita ko ang aking anak sa malayo.

Pagkatapos kong maglaba ay pasimple akong pumasok sa mansyon para makita ang aking anak at medyo kabisado ko pa  naman ang bahay kaya agad kung natunton ang kwarto ni Lian..

Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa akin ang kulay pink niyang kwarto at punong-puno ng teddy bears at barbie.

Nakita ko si Lian na mahimbing na natutulog at kahit gustong-gusto ko siyang lapitan at tabihan at hindi pwede dahil baka matakot siya sa akin.

Pagkatapos kong titigan ang aking anak ay aalis na sana ako pero nagulat ako dahil may kamay na biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako..

"Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko?" baritong tanong sa akin ni Ian.

"A...ano po kasi hi..nahanap ko ang kwarto ni Manang Tess." kinakabahan na na paliwanag ko sa kanya.

"Sa third floor yun makikita saka bukas ka nalang pumunta doon at gabi na." sabi nito sa akin kaya tumango ako at nakayukong umalis.

"Sandali lang, ano ba ang pangalan mo? At anong nangyari sa mukha mo?" tanong nito sa akin.

"Rachel po ang pangalan ko." sabi ko nalang at agad umalis.

Ayaw kong sabihin sa kanya ang nangyari sa mukha ko dahil ayaw kong kaawaan niya ako

Ian pov

"Manang,saan po ba galing si Rachel?"tanong ko kay Manang Tess.

"Anak-anakan po iyan ng kumare ko saka nakatira siya sa Pangasinan. "sabi ni Manang at agad narin nag-paalam dahil marami pa daw siyang gagawin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, dahil simula ng makita ko si Rachel ay tumibok ng mabilis ang puso ko at sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya nakikita ko sa kanya si Ally kaso malabo dahil patay na ang asawa ko.

At napansin ko rin na may pagkakahawig si Rachel at Ally. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.

Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa akin pero ang alam ko simula ng makita ko siya ay tumibok ang puso ko gaya ng pagtibok ng puso ko para kay Ally.

Sobrang pamilyar niya talaga sakin lalo na ang boses nito. Siguro naiisip ko lang ito dahil sa miss na miss ko na si Ally.

Author's pov

Mabilis talaga ang story na ito  at malayo sa katotohanan kaya wag na pong magcomment tungkol sa bagay na yan. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now