Chapter 10

28.1K 452 7
                                    


Ally pov

"Kung ako sayo Rachel? Lumayo-layo ka sa mag-ama kung ayaw mong mamatay."nanta nito sa akin bago umalis.

Sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan at natakot.

" Anong ibig sabihin ng mga sinabi niya sa akin?"takot na tanong ko sa aking sarili.

Laurine pov

"Fuck,ang tatanga nyo talaga ang sinabi ko ilibing hindi itapon." galit na galit na sabi ko at sinaksak ito sa braso.

"Pasensya na po boss naisip po kasi namin na itapon nalang saka hindi ko naman po alam na mabubuhay pa siya."nahihirapang sabi nito sa akin kaya nagulat ako.

"Anong ibig mong sabihin na buhay pa siya ha?" sigaw na tanong ko dito.

"Nakita ko po kasi siya sa terminal ng bus at sinundan namin siya at nagulat ako dahil bigla siyang pumasok sa mansyon ng boyfriend mo?" takot na sabi nito sa akin.

"Fuck sinasabi ko na nga ba! Ang panget na iyon ay si Ally. At ano naman ang balak niya, bakit nagbalik siya? Pero sa ngayon hindi ako papayag na maagaw ni Ally si Ian dahil gagawin ko ang lahat para mapatay ang lahat ng hahadlang sa akin." sabi ko sa aking sarili at pinagsasaksak ang katawan ng aking tauhan

"Humanda ka ngayon Ally dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na bumalik ka pa sa buhay namin."

Ally pov

Habang natutulog ako sa aking silid nagulat ako dahil biglang may kumatok kaya agad ko itong binuksan ang akala ko si Manang Tess ito ngunit hindi pala dahil si Ian pala ang kumatok.....

"Sir, ano pong kailangan nyo sa akin?" nagtatakang tanong ko dito pero hindi ito sumagot at tumitig lang ito sa akin.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi ang lahat?"seryosong tanong nito sa akin.

"Ano po ba ang sinasabi mo? Hindi po kita maintindihan?"tanong ko at medyo kinakabahan na dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit ally? Bakit ngayon kalang bumalik." nangingiyak na sabi nito at bigla niya akong niyakap  ng mahigpit.

Ian pov

Ngayong araw may mabuti daw naibabalita sa akin ang private investigator ko at hindi ko mapigilang kabahan dahil sa magiging resulta.

Nang matapos na ang private investigator ko sa pagsasabi ng impormasyon ay agad akong pumunta sa kwarto ni Rachel o sa madaling salita ang pinakamamahal kong asawa na si Ally...

Fuck!! Sa limang taon na iyon bakit ngayon lang siya nagpakita saka sino ang babae na akala ko ay siya. Masyado na akong naguguluhan sa mga pangyayari pero hindi ko mapigilan maging masaya dahil buhay ang aswaa ko.

At paano nasira ang magandang mukha nang asawa ko? Magiging baliw na siguro ako kung wala akong makukuhang sagot sa mga katanungan ko kaya kailangan ko na talagang makausap si Ally.

Author's note

Mabilis talaga ang mga pangyayari sa story na ito kaya wag na pong magtaka kung mabilis matapos. Salamat.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora