Kabanata 6

39.4K 722 22
                                    

Ally pov

"Diba ang sabi ko sayo, wag kang lalandi?" galit na sabi nito sa akin at umupo sa sofa.

"Hindi ako lumandi Ian. Nanuod lang kami ng fireworks"paliwanag at nakayukong sabi ko.

Pero hindi ito kumibo at nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin kaya nakakandong ako sa kanya.

"Ii.. an, doon nalang ako sa kabila." utal na sabi ko  at akmang tatayo na sana kaso hinapit ako nito at hinalikan sa batok.

"Dito kalang." seryosong sabi nito kaya kahit naiilang ako ay sinunod ko nalang siya.

"Pare, kelan ba tayo pupunta sa rest house ko?" tanong ng kaibigan ni Ian na hindi ko naman kilala.

"Gusto mo bukas na haha." natatawang sagot na sabi nito kaya hindi ko mapigilang kilabutan dahil nararamdaman ko ang hininga nito sa batok ko.

"Sige ba! Saka sasama si Laurine yung ex mo." natatawang sabi nito at halatang lasing na.

Pero hindi kumibo si Ian at hinalikan ako sa leeg habang hinihimas ang tyan ko. Buti nalang medyo madilim sa pwesto namin kaya walang nakakakita.

"Ian, baka may makakita satin?" tanong na sabi ko  at akmang tatayo na pero niyakap ako nito ng mahigpit.

"Eh!Ano ngayon kung may makakita satin?" tanong na sabi nito sakin sabay pisil nang kaliwa kong dibdib.

"Ian tumigil kana. Umuwi na tayo lasing kana eh." sabi ko dito dahil halata naman na lasing na siya pero tila nagalit ito.

"Bakit natatakot kaba na makita tayo ng lalaki mo?" galit na bulong nito sakin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong lalaki! Tanging ikaw lang, dahil asawa na kita." malungkot kong sabi pero hindi na ito kumibo at hinila na ako papunta sa parking lot siguro uuwi na kami.

Pag-uwi namin nang bahay ay agad akong hinila nito sa kanyang kwarto

"Sandali lang Ian, anong gagawin mo?" takot kong tanong at halata na galit siya.

"Titikman ko lang naman ang asawa ko." nakangisi nitong sabi at hinalikan ako.

Kinabukasan

Nagising ako na masakit ang gitna ko. Nung una nagulat siya dahil virgin pa ako at ang buong akala ko dadahan-dahanin niya ako pero hindi pala. Umasa lang ako.

At ang ending umiyak lang ako ng umiyak at ang masaklap pa nakatikim ako nang malutong na sampal diba ang saklap ng buhay ko?

"Buti at gising kana. Mag-impake kana at aalis tayo mamaya." utos sakin ni Ian na kakapasok lang sa kwarto namin.

"Pwedeng hindi nalang ako sumama masama kasi ang pakiramdam ko." matamlay na sabi ko.

"No! Hindi ako papayag dahil alam kong habang wala ako ay siguradong makikipagkita ka sa lalaki mo."galit na sabi nito sa akin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong lalaki, at diba napatunayan ko kagabi na birhen pa ako pero ano? binaboy mo parin ako Walang hiy ......"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal.

"Wag mong ipagmalaki sa akin na birhen ka dahil kahit anong gawin mo sinira mo na ang tiwala ko sayo! At tandaan mo ikaw ang unang gumawa nang ikakasira ng relasyon natin at hindi ako!" madiin at galit na sabi nito.

At tuluyan na akong iniwan nag-iisa sa kwarto.

Author's pov

SHORT STORY LANG ITO GUYS. Wag ibash kung mabilis ang flow ng story. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now