Chapter 3

25.9K 450 1
                                    

Ally pov

Lumipas ang isang buwan at mabilis akong nakarecover dahil narin sa tulong ni Nanay Selya. At sabi nito sa akin tutulungan daw niya ako na makapasok kela Ian bilang katulong. Sabi ni Nanay Selya hindi daw pwede na basta akong magpakilala dahil baka nasa paligid lang ang gumawa sa akin ng masama.

Nung una hindi ako pumayag pero naisip ko na may punto si Nanay Selya kaya pumayag ako.

Selya pov

"Selya kelan natin sasabihin na nagkaanak si Rachel." galit na tanong sa akin ni carding.

"Ayaw kong sabihin sa kanya na nagkaanak siya dahil sa akin na ang bata." galit na sabi ko.

"Karapatan niyang malaman Selya! At hindi kaba nakokonsensya na sa tuwing tinatanong ni Rachel kung bakit may tahi ang tyan niya puro kasinungalingan ang sinasabi mo." galit na sabi ni carding sa akin.

"Pero gusto kong magkaanak ng lalaki. At nang dumating sa atin si Jelo siya na ang tumupad ng pangarap natin!"sabi ko dito.

"Hindi pwede sasabihin natin sa kanya ang totoo at karapatan niyang malaman ang lahat saka hindi ka naba naawa sa kanya halos lahat nawala sa kanya tapos kukunin mo pa ang anak niya." sabi nito sa akin.

"Sige pumapayag na ako pero makikiusap ako sa kanya na sana makasama natin ang bata habang namamasukan siya."uso na sabi ko at niyakap lang ako ni Carding.

Ally pov

Aliw na aliw ako habang nilalaro si Jelo. At habang tumatagal nakikita ko sa kanya si Ian siguro dahil sa super miss na miss ko na si Ian.

Si Jelo ay 4 years old na at sa pagkakaalam ko apo ito ni Nanay Selya sa pinsan.

"Biyi mo ato ng kendi." bulol na sabi sakin ni Jelo at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi pwede Jelo baka matakot ang mga tao sakin." malungkot kong sabi dahil alam kong matatakot sila sa mukha ko saka natutuwa ako dahil hindi natatakot sa akin ang bata.

"Atong bahala tayo Ate ganda." sabi nito sabay ngiti kaya hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ito sa pisngi.

"Ang cute cute mo talaga saka siguro tuwang-tuwa sayo ang mommy at daddy mo."masayang sabi ko dito.

"Wala atong mama at papa tabi ni Mamita patay na daw." malungkot na sabi nito.

"Wag ka ng malungkot kung gusto mo ako nalang ang mommy mo." sabi ko dito pero naisip ko baka hindi ito pumayag dahil sa mukha ko.

"Talaga!! Yehey hindi na ako tutuktuin mga kalaro ko." sabi nito at niyakap ako.

Hay! Namimiss ko sa kanya ang anak kong si Lian.

Author's note.

Mabilis talaga ang story na ito at malayo sa katotohonan. Sadyang malawak ang aking imagination kaya kung saan na ang narating ng story na ito.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon