Chapter 4

25K 442 0
                                    

Ally pov

"Pwede ka ba naming makausap, Ally?" tanong sa akin ni Tatay Carding kaya tumango ako.

"Ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko at tumingan kay nanay selya na tahimik lang sa isang tabi.

"Diba lagi mong tinatanong kung saan mo nakuha ang tahi mo sa tyan?" sabi sa akin ni Tatay kaya tumango.

"Ang totoo kasi nyan nagsinungaling kami sa iyo at hindi talaga totoong inoperahan ka." sabi sa akin ni Tatay kaya naguluhan ako.

"Po? Anong ibig sabihin niyo?" nagtatakang tanong ko rito.

"Nang panahon na macomatose ka sinabi ng doktor na buntis ka at himala nga dahil kinaya ng katawan mo dalhin ang baby. Patawarin mo kami hija kung hindi namin sayo kaagad sinabi." malungkot na sabi nito.

"Po! Kung talagang nabuntis ako nasaan na ang anak ko?"umiiyak na sabi ko pero hindi ito kumibo at naisip ko ang mukha ni Jelo.

"I...ibig sa..bihin anak ko si jelo? Tama po ba ako." tnong ko sa kanila at sa pagtango nila ay agad akong pumunta sa kwarto ni Jelo

Nakita ko itong mahimbing natutulog at hindi ko mapigilang ang sarili ko na yakapin ito.

"Pasensya kana hija kung hindi agad namin nasabi sayo dahil sa kagustuhan naming magkaanak na lalaki." paghingi ng paumanhin sa akin ni Tatay Carding.

"Pinapatawad ko na po kayo. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo ni nanay dahil kung hindi dahil sa inyo patay na kami ng anak ko."naluluha kong sabi.

"At saka wag po kayong mag-alala hindi ko po sa inyo ipagkakait si Jelo lalo na po aalis na ako bukas. Sana po alagaan niyo po ng mabuti si Jelo." pakiusap ko sa kanilang dalawa.

"Wag kang mag-alala hija, aalagaan namin si Jelo at maghihintay kami sa iyong pagbabalik." sabi ni Aling Selya kaya niyakap ko ito ng mahigpit .

"Atala to po ba mommy to tayo." malungkot na sabi ni Jelo sa akin habang umiiyak.

"Oo baby ako ang mommy m, pero kailangan kong umalis.  Wag kang mag-alala sa pagbabalik ko makikilala mo na ang daddy mo." masayang sabi ko at agad kong niyakap si Jelo ng mahigpit

"Promit mo yan ha?" sabi nito sa akin kaya tumango ako at hinalikan ito sa labi.

"Kayo na po ang bahala kay Jelo. Nay,Tay." sabi ko at niyakap sila ng mahigpit

"Mag-iingat ka hija saka wag kang mag-alala susunduin ka ni tess sa terminal." sabi nito kaya tumango na lamang ako at sumakay ng bus.

Author's note.

Mabilis talaga ang flow ng story na ito kaya wag magrereklamo. At malayo ito sa katotohan dahil gawa nga siya ng imagination ko. Salamat❤️

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now