Chapter 6

24.7K 470 2
                                    

Ian pov

"Daddy kelan mo ako bibigyan ng baby boy?" nakangusong tanong nito habang kumakain.

Pero sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si Laurine.

"Pag-kinasal na kami ng daddy mo bibigyan kita ng maraming babies." sabi nito sa aking anak.

"Talaga Tita Laurine?"masayang sabi nito at bumaling ito sa akin.

"Daddy magpakasal na kayo ni Tita para bigyan mo na ako ng maraming babies." masayang sabi nito at dahil sa ayaw kong mapawi ang ngiti ng aking anak ay ...

"Oo anak!  Malapit ko nang pakasalan si Tita Laurine mo."pagkasabi ko nito napangiti si Laurine at tuwang-tuwa naman si Lian kaso nagulat kami dahil nakarinig kami ng tunog ng nabasag na gamit.

Ally pov

"Rachel dalhin mo nga ito sa dinning area."utos sakin ni Manang Tess sabay abot ng tray na may tsaa.

Kaya pumunta na ako sa dining room kaso narinig kong naguusap si Ian,Laurine at ang cute na boses siguro ito na ang anak ko kaya agad akong sumilip.

Sa pagsilip ko nakita ko ang isang batang babae na kamukhang-kamukha ko at nakangiti ito.

At kahit gustong-gusto ko itong yakapin ay hindi ko magawa dahil hindi ako nito makikilala.

"Daddy magpakasal na kayo ni Tita para bigyan mo na ako ng maraming babies."dinig kong sabi ni Lian kaya nagulat ako at hindi napigilan ang sariling umiyak pero halos ikamatay ko ang sinagot ni Ian...

"Oo anak. Malapit ko ng pakasalan ang Tita Laurine mo." sabi ni Ian.

Kaya agad kong nabitawan ang dala ko at naglikha ito ng maingay na tunog.Agad ko itong niligpit.

"Jusko! Mapapagalitan ako nito ni Manang Tess."sabi ko sa aking sarili at pinahid ang aking luha.

"Are you ok?"baritong tanong sa akin ng isang lalaki.

"Opo sir ayos lang po a...ko."kinakabahang sabi ko at agad niligpit ang kalat at nakayukong umalis dahil sigurado akong matatakot siya sa itsura ko.

"Are you sure?"tanong muli ni Ian kaya tumango ulit ako.

"Daddy anong nang yari?"tanong ni Lian sa ama at ng malipat ang tingin nito sa akin at bigla itong tumili.

"Kyahhh!!!! Daddy monster. "takot na sabi nito at yumakap kay Ian.

"No honey! She's not a monster ok? Say sorry to her."utos nito sa anak pero hindi ito sumunod at umiyak ito.

"Hon! Anong nangyayari dito?"kararating lang na sabi nito at ng mapatingin ito sa akin ay nagulat ito.

"Fuck! Imalis ka nga sa harap namin natatakot ang bata." galit na sabi nito at binuhat si Lian.

Kaya agad akong umalis habang lumuluha.....

"Ang sakit pala na ang sarili mong anak ay katakutan ka."umiiyak na sabi ko sa aking sarili.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now