Chapter 9

26.8K 483 3
                                    


Ally pov

Lumipas ang mga araw at lalong naging close kami ni Lian. At sa pananatili ko sa mansyon masasabi kong masaya ako dahil nakakasama ko ang anak ko.

At ngayong araw ay nakapagpadala na ako ng pera dahil naswelduhan na ako at saka agad narin akong nagpaload dahil tatawagan ko ang si Jelo ang aking bunso.

"Hello tino po to?"bulol na tanong ni Jelo sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Si mommy ito baby hindi mo ba ako namiss?"malambing kong sabi.

"Namit... bati kati hindi ka naman araw-araw tumatawag."nagtatampong sabi nito.

"Pasensya na anak ngayong lang nagkapera ang nanay saka sa pag-uwi ko anak makikilala mo na ang daddy mo ayaw mo ba nun?"masayang sabi ko sa kanya.

"Tyempre gutto ko po." masayang sabi nito.

"Sige anak. Mamaya nalang ulit tatawag ang nanay maging mabait ka dyan ha?" bilin ko sa kanya.

"Ok po magiging good boy po ako. I love you mommy ganda." malambing na sabi nito.

"I love you too,baby." sabi ko at agad pinatay ang tawag.

"Sinong kausap mo?"tanong sa akin ni Ian kaya nagulat ako.

"Anak ko po yung kausap ko."kinakabahang paliwanag ko sa kanya

"May anak kana pala?" tanong nito sa akin kaya tumango ako.

"Nasaan na ang asawa mo? bakit hinahayaan ka niyang magtrabaho."tanong nito sa akin

"Hindi po kasi alam nang asawa ko na buhay pa ako." sabi ko at agad umalis.

Ian pov

Sa sinabi ni Rachel ay hindi ako nakatulog feeling ko may iba pa yung meaning pero hindi ko maintindihan..

At feeling ko may nag-uudyok sa akin na ipagpatuloy ang pagpapaimbestiga sa nangyari sa asawa ko.

Ewan ko ba simula ng dumating si Rachel feeling ko siya at si Ally ay iisa.

Kailangan ko na talagang gumawa ng hakbang para masagot ang mga tanong ko na tumatakbo sa isip ko.

Ally pov

Habang naglilinis ako ng swimming pool nagulat ako dahil biglang may tumulak sa akin kaya nahulog ako.

"At talagang ilusyonada kang panget ka at talagang nauto mo pa si Lian."galit na sabi sa akin ni Laurie

"Maam, ano po ba ang nagawa kong mali? "nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bakit tinatawag ka ni Lian  mommy ha? Saka bakit nakita kita kagabi na kausap ang fiance ko!!"galit na tanong nito sa akin.

"Gusto po kasi ng bata na mommy ang itawag sakin at wala po kaming ginagawang masama ni Sir Ian." paliwanag ko  pero hindi ito nakinig at lumapit sa akin.

Author's note.

Maikli talaga every chapter ng story na ito kaya wag magreklamo hehe. Inaayos ko lang yung mga typo dahil almost 4 years na bago ko matapos ang story na ito at masyado pa akong bata nun kaya madami talagang mali. Salamat❤️.

My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now