Chapter X - Twin

378 15 6
                                    

Kinilig ako ng bonggacious sa Board Exam Deal 

Hehe, naisipin ko lang na mag update. Napag-iiwanan kasi eh. 

***10***

Badtrip! Gusto kong mag-inom! Kaso nga lang baka lumakas pa ang tama ko eh ngayon pa lang may tama na ako. Ano pa kaya kung maka inom na. Samahan niyo nga ako tayo'y mag inom. Taga pigil lang kayo sa akin, di kayo iinom ako lang. Dahil sasamahan niyo lang ako. xD

Nandito ako sa may bench sa park, pinapanuod ko yung mga batang nag tatakbuhan, nag bi-bike, kumakain ng lollipop at may umiiyak dahil nadapa. Masaya palang maging bata FREE, walang problema. Gamitin ko kaya itong Time Machine na ito at bumalik sa pagkabata? Pero mas malaking energy ang kakailanganin, mapapatay ko si Lola.

Naalala ko na naman, Haysss...

Tumingala na lang ako sa langit, ay badtrip! Dahon ng manga ang view ko sabay may nahulog na maliit na bagay! Bwisit! Napuwing tuloy ako

Tapos may lumapit sa akin

"Joshua ..." FC naman nito maka Joshua, wagas! Pag tingin ko sa kanya, nakakagulat naman FC nga talaga, tapos papikit pikit pa ang mata ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sabay kuha sa bag nig tissue. "-Oh ipahid mo.." pero tinulak ko lang ang kamay niya, hindi dapat ako kinakausap, pinapansin at kinakawaan. Magiging mamamatay tao ako. Hindi dapat ako malaya dapat nasa kulungan ako. Dadating ang panahon mamatay si Lola dahil sa akin...

Pu**** ***ng luha ito aba! Tumigil ka nga! 

Tapos pinahid niya yung tissue niya sa mata ko. Sinabi ng! Anak ng~ 

Yumuko na lang ako, at pinigil ang sarili ko sa anong pwede kong gawin.Naasar ako! Pero dapat kong pigilan ito..Babae itong nasa harapan ko. Pati hindi maganda kung sa kanya ko itutuon ang galit ko. Alam ko naawa lang siya sa akin kaya niya ako nilapitan.

Naramdaman ko na lang na umupo na din siya sa tabi ko.

"Pwede ka naman mag kwento sa akin Josh eh, hindi ako katulad ng iba na bu-bullihin ka." Hindi nga pwedeng ikwento eh, pero dahil mabait naman ang loob mo siguro mag oopen up na ako lang sa'yo kahit alam ko kinabukasan chismis na ako sa room. At mapupuno ang arm chair ko ng mga papel na eroplano na may nakalagay na 'IYAKIN'

"Pinatay ko kasi Lola ko eh.." pinapahid ko pa rin ang mga mata ko ng tissue, nung natapos na ako. Tumingin ako sa kanya, Nga-nga ka tuloy. Ikaw kasi gusto mo akong mag kwento sa'yo eh

"Seryoso ka?" 

"Oo, kaya ano pang ginagawa mo dito? Ikalat mo na."

"Hindi ako ganoon.."

"Talaga? Eh sipsip ka na nga sa Ma'am natin sa Math eh, pagiging chismosa pa kaya." Tumayo na ako, walang kwentang usapan, isa siya sa mga Teachers' Pet, siya yung nag check ng test paper ko at ginawang mali ang check. Mabuti may Time Machine na ako noon.

O.A nga siguro ako,

Tapos umiyak na din siya.. May tissue ka naman eh, Ayos lang yan. May mga ibang tao na din ang nakatingin sa amin. Sanay na ako mapahiya kahit isipin nila na pinaiyak kita wala akong pake.

"Naiintindihan kita kung ganyan ang ugali mo..." WEH? Thank you na lang, nakakahiya naman sayo.

"Tapos ka na ba sa drama mo? Melody Guevarra?" pagkatapos kong sabihin iyon. Naglakad na ako sa ibang lugar, may naisip ako. May gusto pala akong balikan kung bakit nang yari iyon. Panahon na siguro na ayusin ang pangalan ko sa Guidance Counselor.

Hinawakan ko ang kwintas ko at inisip ang mga pangyayaring iyon...

Pinikit ko lang ang mga mata ko, nararamdaman kong humahangin ng malakas at parang umandar din ang kinatatayuan ko.

Minulat ko ang ang aking mata, nandito na ulit ako.

Sa cubicle ng isang C.R

Lumabas agad ako at biglang pumasok si Krystal. Nagulat siya sa akin, pero ako lumabas na agad ako. Narinig ko yung ibang lalaki na sumisigaw

"Kryscel!!!!!!! Pumayag ka na kasi!!"

"Nasaan na ba si Era?"

"Parang awa mo na! President Kryscel!!!"

Tapos umiba na din sila ng direksiyon

Teka, Kryscel? Hindi Krystal? Era? at hindi Ena... 

Hindi naman ako nabibingi ah..

Lumabas na din siya at napansin ko lang iba yung hugis ng mata niya...

Lumapit ako sa kanya at tumaray ang mukha nya sa akin

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Bakit ipapablotter mo ako?" sagot ko, parang may aura kasi siya na hindi ko maintindihan. Kaya hindi ko din napigilan ang sarili ko na barahin siya... 

"Pwede din.." sagot niya, teka. Ganito ba si Krystal Ena? Hindi ganito ang kilala kong Ena...

"Aba!" sagot ko. Hindi kasi ganito eh... Parang may mali, parang may something...

Tapos dumating yung mga babae na sobrang kapal ang eye liner

"Sister Era! Kanina ka pa namin hinahanap!" parang bakla aba.. tapos lumingon siya sa akin at tumawa pa.. "Mukha kang basang sisiw chong!" Aba! Babae ba talaga ito? Masasapak ko ito eh! Kahit maguidance pa ako.

Hindi ko na lang pinansin yung mukhang bakla. Oo nga pala basa nga pala ako dahil sa lintek na kotse na dumaan kanina bago ako pumasok. Pero scratch that, hinarap ko itong babaeng nasa harapn ko na ERA daw ang pangalan. 

"Sino si Krystal Ena?"nanlaki ang mga mata nito at tumaray na naman.

"Kapatid ko, kakambal ko bakit?" tapos umalis na sila...

So ibig sabihin si Kryscel ang nasa C.R noon at hindi si Krystal?

Kambal sila? Kahit lalaki ako hindi ko mapigilang magsabi ng OMG.  Nalilito na ako!!!! 

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon