Chapter VI- 07:05 a.m

517 19 12
                                    

***6***

Umuwi na din ako sa bahay sabi kasi si Lola natulog na siguro babalik na lang ako mamaya doon sa hospital.

Ayyy 

Nakakahiya dapat ihahatid ko si Krystal sa kanila para makita ko bahay nila. Pero sabi niya malalayo layo pa daw ang bahay nila kaya heto ako ngayon hinatid niya! Ang sagwa! Grabe...

Nung nasa harapan na kami ng Gate. Humarap ako sa kanya, teka ano ba sasabihin ko?

"Yung kwintas?" tanong niya ..

"Ahh ito .." kinuha ko sa bulsa ko at hinarap sa kanya.

"Suotin mo..." sabi niya, eh pang bading ito ee, nakita niya ata na ayaw ko. Kaya ang ginawa niya kinuha ito at sinuot sa akin. Shet! Pang bading!

"Eeehhh.."

"Pasok mo na lang sa loob ng damit mo. Wag mong wawalain yan ha?" bakit ang dami nyang alam, close ba sila ni Lola?

"Ah sige, gusto mo pasok ka muna sa loob?" tanong ko, kukuha na lang ako siguro ng damit at pagkain ni Lola para dalhin mamaya sa hospital. Pumayag naman siyang pumasok sa loob, umupo na lang siya sa sofa at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Lola para kumuha ng damit.

"Para saan yan?" nung nakita niya ako na may hawak na bag

"Ah babalik akong hospital, baka di ako pumasok bukas." 

"May EXAM bukas." haruy jusko .. sino mag babantay kay Lola nito? Pati di pa ako nakaka pag review. Ay pwede naman pala ako sa hospital na lang mag review tapos uuwi na lang ako mamaya. Pero makakapag concentrate ba ako doon?

"-akina na yan si Mama na lang ang mag babantay kay Lola Rosalie, mag review ka na lang dyan :)" kinuha niya sa akin yung bag at lalabas na siya ng pinto pero huminto siya at lumingon at lumapit sa akin.

o_O

"Ingatan mo iyan ha? :)" siguro namumula na ako ngayon paano ba naman si Krystal parang yinayakap ako linapit niya yung ulo niya sa chest ko kung saan naka tapat yung gold. Teka san ba naka dikit ang mukha niya sa chest ko o sa gold? 

"Aahhh eh .. Krystal .." 

"Ena na lang ." tapos umalis na siya. 

*The next day 

Time Check: 7:00 a.m 

Half Day lang kami ngayon

Naka upo na yung mga classmate ko at binibigyan na ng EXAM 

Umupo na din ako at kinakabahan,

Ang hirap ng EXAM namin ngayon mga  sinusumpa kong subject na tinutulugan o kina CUTTING ko lang. Math, History, Physics.

Tapos kagabi di pa ako naka pag Review, paano naalala ko yung ginawa ni Krystal, ay Ena pala hehehe

Habang binibigay sa akin ng Ma'am namin yung Test paper naka tingin ako sa pintuan, tumingin ako sa orasan 07: 05 ang aga pa.

Exam Time - sunod-sunod na binigay ng aming Ma'am ang Test paper.

Pasakit

History -- di ko alam kung ano sasabihin ko sa Essay *kagkag ulo and the rest hula hula na lang

Physics - ano nga formula noon? *kagkag ulo and the rest nakalimutan ko na

Math- alam ko ito .. 3x-10 = x+40, 2x + 10 = 3x+ 20 ,and the rest alam  ko na

Haha ang yabang ko? Suot ko pala yung kwintas pero syempre di naman kita nasa loob ng polo ko. Kaso nga lang malamig sa katawan. Hahahah, di ko pa nakikita si Ena.

Lumabas na ako at hinahanap si Ena , ng heto na ang mga Bully. 

Pagtritripan na naman ako. Maka alis na nga

"Oi, san ka pupunta?" sigaw nung leader na si Mark , section bulok pala siya ako section II,  at si Ena ay section I

Di ko siya sinagot at nag patuloy sa pag lalakad.

"Aba!!!" at sa pag lingon ko hinahabol na nila ako. Naku naman, taguan mode na naman tayo.

Takbo lang ako ng takbo nung malayo na ako at di ko na sila nakita pa nandito pala ako sa Garden. Oh tapos yung mga kaklase kong lalaki, disappointed, may hawak silang papel. Lumapit ako

"Ano yan pare?" pinakita niya sa akin yung papel niya at ang ganda ng score 5/75

Tinignan ko yung PART na sinabi kong alam ko mali din ang sagot niya. 10 points each iyon panigurado may score na ako doon. Siguro naman doon sa ibang equation may TAMA din ako. Bumalik ako sa room namin. Grabe ngayon ko lang na realize ang bilis pala ng teacher naming mag CHECK

Ay sa bagay may classmate din akong nag CHECHECK.Sila yung mga SIPSIP sa teacher kaya kahit mali yung sagot na tatama pa.

Inabot na sa akin yung EXAM ko

:'( 

Bagsak lahat, di nga ako nakapag review. AT ang kinapapang hinayangan ko ay yung sa MATH. Pinag malaki ko pang alam ko ang sagot .. itlog pala

Ganito daw ang tamang sagot

1.) 3x-10 = x+40

= 3x-x = 40 +10 

=  2x = 50

x = 25

Loko ang bobo ko, ganoon pala ang ginawa ko pinag plus ko yung 3x at x ay TANGA ko talaga! MALI

Pumunta ako sa C.R at ako'y na Ji-jingle na. Sayang pala sana di na lang ako nag REVIEWng sisiw at ako'y pumunta na lang ako sa Hospital. Nilalamig na naman ako sa kwintas na ito

Pero, sheeeeeeeeetttttt! Lagot pala ako kay Lola, ang Baba ng grades ko.

Nakakapang hinayang.

Huhubarin ko na nga itong kwintas manlamig talaga, at pwede bang ibalik ang oras? Sayang talaga yung sa MATH.  Hawak ko yung kwintas na parang naramdaman ko

Nag-iiba ang paligid, lumabas ako sa C.R 

o_O

Yung mga tao ang super bilis ng lakad nag iba rin yung kulay ng lugar. Naging UMAGA.

Eto na ba yung Time Machine? Bakit ganoon? Huminto ang lahat at bumalik din sa ginagawa.

WEIRD.

Tumakbo ako room, at tinignan ang orasan 7: 00 eksakto, nandoon na yung iba kong classmate nakaupo at binibigyan ng EXAM. Nang yari na ito ah?

Wow, na wow talaga, maiTATAMA ko din ang mali ko.

Umupo na ako at tumingin sa pintuan, dumaan si Ena at nakatingin din siya sa akin. Dali dali akong lumingon sa orasan. 07:05 din pero bakit kanina hindi ito nang yari?

Bakit kanina hindi naman siya dumaan dito? 

***********************************************************

Nakakalito ba? Nalilito din ako eh.

Kagkag ulo >>>> 

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon