Chapter XI - Revelation

377 14 9
                                    

Weeee, nag What's Hot yung "Him"  na poem ko.

Read nyo din, hahaha... Ewan ko lang kung maganda chapter ko ngayon.

Sabi ni Noime, ako daw ay nambibitin lagi.

Eyy guys, bago na ang Display Picture ng Time Machine! >>>

***11***

Nalilito na ako sa dalawang iyon. Paano ko ba malalaman kung sino sa dalawang iyon ang nakakausap ko? At nakakasama ko. Hayss, nakakaasar naman, sumasakit na utak ko! 

Krystal Ena = Kryscel Era

Grabe ang pangalan aba! Pero mas gusto ko pa din yung Ena na nakilala ko. Si Angel from above.

Hinawakan ko na ulit yung kwintas at bumalik sa oras na iniwanan ko. Nag pause lang sandali at bumalik na din sa lahat. Nasa harapan ko pa din si Melody. Hindi pa pala ito natatapos umiyak.

I don't care anyways.

"Alam mo ba bahay ni Krystal?" tanong ko, subukan ko lang siyang tanungin baka sakaling sagutin, pero baka hindi na rin kasi nga di ba pinaiyak ko siya? Damn. Bakit ba kasi iyakin ang mga babae eh?

(Hoy Josh, epal ka ha? Paano kong paiyakin ko si Krystal? Ma-Damn damn mo pa kaya?!)

Wushu, epal ka manahimik ka! May gusto ka lang sa akin eh!

*back to the topic

Nagpunas-punas muna siya ng luha at tumingin sa akin.

Kala ko magagalit siya pero hindi eh, kundi ngumiti ito. Na abot tenga! Grabe! Kakaiba itong babaeng ito ah!

"Hindi ka na galit? Kasi tinatanong mo na ako ng maayos eh :))" magagalit pa ba ako nito? kung ang babaeng nasa harapan ko ay super wide ng ngiti at .... mahirap man sabihin eh ... LOVABLE . Stop it! I looked away, ang cute niya kasi eh. Potek! Nakakapag-isip pa ako ng ganitong mga bagay.. Pshhhh

"Eh --"

"Sa 2th Street ang bahay niya, 3 blocks away from the Flower Shop, siya yung kambal nung Student Council President di ba?" lols, malay ko ngayon ko lang nalaman. So, totoo nga, woooh! mahahalikan ko itong kwintas na ito mamaya!

"Ah sige salamat!" 

"Welcome! Ano mo pala si Krystal? Nililigawan mo ba siya? Daming may gusto din doon eh, kaso pihikan... Sige alis na din ako =)" Pihikan?! Ibig sabihin kung manliligaw ako maaring mawalan ako ng pag-asa? Waaaaa =(. Pero grabe si Melody, di talaga siya galit? Pagkatapos ko siyang paiyakin.

Biglang nasagi sa utak ko si Lola :( Kailangan kong puntahan si Krystal ngayon. Something's fishy sa kanila ni Lola pati noong exam namin... Paano nangyari iyon?

Pumunta ako sa lugar na sinabi ni Melody. Pagkadating ko, masasabi ko na simple lang naman ang bahay nila... At worse pa din ang bahay namin.

Lumapit ako sa may gate. Buti sila may doorbell.

Nung pipindutin ko na... Kaya ko bang tanungin siya? Nahihiya ako eh >.<

Pero go for the gold. xD 

Pinindot ko na nga yung doorbell. Mga ilang segundo lang lumabas na si Ena?

"Anong ginagawa mo dito?! Ikaw lang naman yung Boy-Sisiw eh!" Siguro ngayon, alam ko na kung sino si Krystal at Kryscel. Ugali lang at pananalita makikita mo na. Hindi ka pa malilito. 

Biglang lumabas naman si Ena na talaga. May hawak pa itong sandok at naka apron pa. Nung nakita niya na ako sa gate. Nanlaki pa ang mata nito sabay ngiti. Kinabahan ako doon ...

Time MachineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant