Chapter VIII - Bobo

411 18 7
                                    

Mamaya na nga lang mag eempake .. 

Oo na, Oo na, mag uupdate na ako kahit hindi pa 1,000 views.. Mawawala kasi ako eh, kaya heto na .. 

**8**

Huhuhuhuhu, hindi pa pala okay si Lola bakit naman kasi lumabas na siya ng hospital? Dahil ba sa sobrang ingay nilang dalawa nung isang matanda o dahil wala lang? Nung nahimatay siya, syempre binuhat ko agad siya sa kama. Tulong kaming dalawa ni Oliver.. xD Biro lang, nasa gilid lang ng kama si Oliver nanunuod hindi man lang ako tulungan.

Grabe, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ganitong mga bagay. Hindi kasi ako nakikinig sa Health. Lalo na doon sa topic na First Aid. Sabi ko kasi noon, 'Aanhin ko naman yan'

Binuksan ko yung electric fan.. Baka nainitan lang si Lola, kumuha ako ng pamaypay at pinaypay sa mukha ni Lola.. Pero bakit hindi pa rin nagigising si Lola? :'( Huhuhu

Tatawag na nga lang ako sa kapit bahay.. dali dali akong bumaba. Pero bago ako bumaba sa hagdan

"Oliver, dyan ka lang, bantayan mo si Lola." dumila lang ito.. 

Pagkababa ko pumunta ako sa may tabing bahay doon sa may tindahan.

"Ate, ate ano pong gamot sa hinimatay?" tanong ko.. habang pinupukpok ko ng barya yung kahoy..

"Bobo! Walang gamot dyan! Dalhin mo sa Hospital." pinanlakihan lang ako ng mata nung tindera, hayss kalma lang tayo Josh. Wag mong papatulan yang mukhang kwago na yan, para kay Lola magpapakabait muna ako.

"Ayy, eh ate pa tawag po." sabi ko sa kanya. Tatawag na lang ako kasi may Pay Phone na nakalagay sa ibabaw.

"Wala..Wala kaming dial tone."

"Eh ate tatawag po ako hindi mag didial tone."

"Eh! Tanga! Kapag walang dial tone, hindi ka din makakatawag!" high blood naman, sorry, wala akong alam sa mga telephone na iyan.. makalipat na nga lang sa kabila.. Naaasar lang ako lalo dyan sa mukhang kwago na yan.

Kumatok ako sa may gate nung magandang bahay..

Tok Tok .. "Tulong!!!!!!!!!!!!!"

Biglang may lumabas na yaya, binuksan yung gate

"Ano kailangan mo?" 

"Tulong po.."

"Anong tulong?"

"Yung lola ko po---"

"Manahimik ka wala yung AMO ko ,wala akong maibibigay na abuloy sa iyo." at pagkatapos noon sinaraduhan ako ng gate. Muntik na ang ilong ko doon. Ano sabi niya? Wala siyang iaabuloy? ANONG AKALA NYA SA LOLA KO!? NAMATAY. ?!

Makabalik na nga lang sa amin, walang mabuting puso ang mga tao dito. 

Ang bobo ko! Ngayon ko lang narealize, bakit hindi ko buksan yung libro namin sa health para malaman ko ang gagawin! Tama! Yung libro ang kailangan ko!

Pumasok ako sa amin nang makita ko si Oliver na may nginangat ngat na man. Pagkakita ko yung libro ko sa Health! Ayyy naku naman... !!! :@ :@ Sinumpa talaga ako ng tadhana, umakyat na ako sa kwarto ni Lola..

Lumapit ako sa kanya.. Madala na nga lang sa hospital

Oo nga.. bakit di ko siya dalhin sa hospital? Ang bobo ko! Bakit di ko naisip kaagad iyon? Wala ata akong malasakit kay Lola..Huhuhuhu sorry lola..

"Magamit na lang kaya itong Time Machine?" sabi ko.. tapos lumapit ako kay lola at hinawakan yung pulso niya..

:'(

Lola!!!!!!!

"Lola.... wag mo akong iwan..." :'( sorry Lola.. napressure ko ata ikaw kanina... kasi bakit ko pa pinakwento sayo yung bad romance.. 

"Huhuhuhuhu" iyak ako ng iyak.. niyugyog ko din si Lola, wag mo akong iiwan Lola! Hindi ko pa kayang mabuhay na tanging kasama ay si Oliver lang, kailangan pa kita Lola! Mahal na mahal kita Lola wag ka munang aalis dito :(

Wala na si Lola!!!!!!!!!

"Hoy! Bakit ka umiiyak?! kang bata ka! ANONG KALA MO? PATAY NA AKO! IN YOUR DREAMS! NAPAGOD LANG AKO KANINA! NOH?!" tapos tinulak niya ako kaya ako naman nauntog sa sahig. Ouch

"Lola!!!" sabay yakap sa kaniya .. "--kala ko magagamit ko yung time machine eh!"

"Wag mong gamitin iyon!" 

"Bakit naman po? Binigay niyo sa akin iyon tapos hindi ko gagamitin... Ahhh alam ko na, isasanla ko na lang po.. Hehe..."

"Bobo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin.." 

"Eh ano po?" tanong ko

"Kunin mo doon sa may aparador yung librong napakalaki.." 

EH? Ano daw?

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon