Chapter XV - O__O

273 12 8
                                    

***15***

Ena's POV

I dont know what Melody is up to. 

May gusto ba siya kay Josh?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang feeling ko. Simula nung insidenteng nangyari kanina sa room I started to hate Melody. Psssh, bakit ba ganito ang feeling ko? Urgh! I hate this! Nakakaasar pa lalo nung tatanungin ko na si Josh kung pwede ko siya maging kapatid.

Interrupt naman itong si Melody.

Nandito na pala ako sa bahay. In our room ni Ate..  Doing my assignments...

Nang biglang pumasok si Ate...

"Magluto ka."

"Si Mama nasaan?" tanong ko sa kanya, wala kasi ako sa huwisyo na magluto eh. Sorry ate! >_<

"Magpapaluto ba ako kung nandito siya?" 

"Okay." kaya kahit wala ako sa mood ay tumayo na ako sa pagkakaupo ako.

"Ate, pwede pagkatapos kung magluto tulungan mo ako sa assignment ko?"

"Pagkatapos mong magluto? So it means habang kumakain ako? Have you gone nuts Ena?! Hindi!, No way! Pag-aralan mong mag-isa yan!"

Pumunta ako sa kitchen ng malungkot. Iniisip ko pa din yung sinabi sa akin ni Ate. Nagluto na lang ako ng Sarciadong Itlog. Yun lang ang available sa ref eh..

Mga 15 minutes eh natapos na din ako.

"Ate kain na..." kaya pumunta na siya sa lamesa.. Sabay kaming kumakain...

"Pweh!" dinura nya yung ulam... T.T

"bakit ate?" tanong ko..

"Walang asin!! Matabang!!" kaya tumakbo ako doon sa lagayan ng mga asukal,betchin at asin. 

Nung nakuha ko na, nag sprinkle ako ng asin sa ulam ni Ate sa plato. Nang bigla niyang tapikin ang kamay ko. T.T

"AALAT! TANGA KA BA?!" At pagkatapos noon, tumakbo ako palabas ng bahay... Isa lang ang pwede kong puntahan sa mga oras na ito.

I need your help Josh!! 

Melody's POV

Sana hindi na lang ako nagising sa panaginip ko kagabi! 

Parang super duper happy ko kasi eh!!

Mag syuta daw kami at nag da-DATE!

Hahahaha.. 

Siguro para nga akong baliw doon sa ginawa ko sa room kanina. Pero PAKE ba nila? 

I don't know kung bakit ganito ako kay Joshua. este Josh.. I like to protect him!

Lalo na ng malaman ko yung past niya...

Yeah, I make a research about him..

His parents abandoned him,

Guys always like to bully him,

Girls reject him for many times..

Hindi ko maexplain yung feeling ko about kay Josh. Basta isa lang ang gusto ko I want to protect him! Because I cared for him!

I was so happy! Alam ko na ang house niya! Ganito kasi iyun..

FLASHBACK*

Dismissal na namin..

Tatayo na siya sa upuan niya nang mapagtripan ko lang na magtanong..

"Josh gusto mo bang itreat kita?" yan na lang ang nasabi ko pero sa totoo lang gusto kong sumama sa kanya para malaman ko kung saan ang bahay  

"Sige ba.." 

Lumabas na kami ng room, kitang kita ko ang mga lalaki ay nakatingin sa akin.. 

Kaya I smiled on them na lang. Problema nila?

"Ano ililibre mo sa akin ^__^ ??" tanong ni Josh

"Uhmm.. Fishball! Kwek Kwek! Palamig!"

O____O 

^__________^ sabay ganito ang mukha niya <

"Okay..."

Iyon pumunta kami sa may kalsada kung saan may tindang fishball..

Bumili ako ng 5 kwek-kwek at black gulaman na palamig

Si Josh naman ay 10 Squidball! Tapos Pink na palamig!

"HAHAHAHHAA"

"Pota! Bakla ka nga talaga!" 

"TAKAW! Patay gutom!"

Nandyan na naman sila >___< Bakit ba nila gustong gustong asarin si Joshua? Wala namang ginagawa yung tao sa kanila ah? Kaasar!!

"TIGILAN NYO SIYA!!!!!!" sinigawan ko sila!! kaasar kasi eh!! 

Pagkatapos noon si Josh ay lumakad na palayo.. Kaya binayaran ko na yung tindero at sinundan siya..

Tahimik lang siyang naglalakad habang kumakain..

Ako nasa likuran lang niya...

Gusto ko siyang i-COMFORT!

Pero nahihiya ako... Baka isipin niya na feeling close ako porket nilibre ko siya at pinagtanggol?

*END OF FLASHBACK

Nung pumasok na siya sa gate nila. Umalis na ako..

Malapit lang pala ang bahay niya sa bahay namin.. Dalawang kanto lang ang layo!

FAST FORWARD>

Ang hirap naman nitong Assignment namin! Baka alam ito ni Josh, puntahan ko kaya siya?

Tama! Pupuntahan ko nga siya!

Nagpaalam ako sa Daddy ko na pupunta lang ako sa classmate ko para magpatulong.. At pumayag naman siya! 

Nandito na ako sa harap ng bahay nila... 

TOK TOK doon sa gate

Nang may tumahol na aso sa gate! Ang panget naman nitong ASONG ito! Mukhang BULLDOG! 

Ako naman si TOK TOK pa din 

Hayuuuuun!!! Lumabas din siya

"Hi Josh!" 

O_________O

Gulat na naman siya.. 

^_____^ sabay ganyan

"Oh ikaw pala Melody..."

aw!aw!aw!aw! tahol nung aso sa akin! 

Si Josh naman ay pinaalis yung aso sa tabi niya.. Nang may lumabas na matanda !

"JOSH! ANO BA NAMAN YAN ANG INGAY INGAY NI OLIVER!" grabe ang lakas ng sigaw ni Lola ha?

O____________O

Lola BANLAG ka ba? Saan ka nakatingin?

Tumingin ako sa likuran ko.. 

At nakita ko si Ena na namumula ang mata..

O____________O

"Waaaah!!! Multo!!!" sigaw ko!

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon