Chapter XVI- Hug

275 10 3
                                    

***16***

Josh's POV

Dali-dali kong hinila palayo si Ena kila Melody at Lola. Ano bang nangyari kay Ena ko?

(maka-KO wagas!)

Nagpunta kami doon sa may kanto na walang tao.  

"Bakit ka umiiyak?"

"Eh kasi... *hikbi si ate.. *hikbi wala ng ginawa kung hindi apihin ako.."

Kinapa ko yung bulsa ko.. Sana may dala ako noon, kailangan ni Ena iyong bagay na iyon..Nasaan na ba iyon? Pssh..

Hay salamat nadala ko ang aking panyo.

"Oh.." tinignan nya lang yung inaabot ko sa kanya...

Sige na nga, pupunasan na kita. Akmang ilalapit ko na yung panyo sa mata ni Ena..

O______________O

"Josh!!! Tulungan mo ako... *hikbi..." niyakap niya ako. 

Bakit ganito ang lakas ng tibok ng puso ko? Dahil ba sa nagulat ako? Oh dahil may ibang feeling pa ako na nararamdaman? Sh1t talaga. 

Wag mong sabihin na kinikilig ako? 

Lalo na sa panahong umiiyak si Ena?

"-Josh, pwede mo bang ibalik ang oras?" sinabi niya yan habang nakayakap siya sa akin.

"Sige, kung iyan ang makakagaan ng loob mo."

"Thanks!" kumalas na siya sa yakap ko at kita ko pa rin na kahit nakangiti siya. Alam kong peke iyon dahil hindi sumasang-ayon ang sinasabi ng kanyang mga mata.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinahawak ko sa kanya yung kwintas na nasa dibidb ko.

"Isipin mo kung anong oras,lugar at pangyayari ang gusto mong ibalik." 

Maka-ilang sandali... 

Pinikit ko ang aking mata

Humagin ng malakas...

Pagkadilat ko ng aking mata nasa bahay na ulit ako. Nasa sofa at hawak hawak ko ang ulo ni Oliver habang si Lola ay katabi ko din at nakatingin sa akin.

"Lola..." naku baka magalit sa akin si Lola...

"Naiintindihan ko Apo.. May problema si Krystal, at kailangan niya ang tulong mo..." biglang niyapos ako ni Lola! 

Hindi ako makahinga! Ang higpit!

"I'm so proud of you APO! Panigurado maiinlove na din sayo si Krystl dahil dyan!" tapos kiniss pa niya ako sa pisngi!

Ako naman ay dali-dali kong pinunasan ang pisngi ko ng aking palad.

"Ano ka ba Joshua wala akong germs! Pakiss pa nga!" grabe, ang bilis ni Lola! sa kabilang pisngi naman niya ako hinalikan!

aw!aw! hayan lagot!nagalit si Oliver

"Ito namang si Oliver masyadong seloso. Sige na nga i-kikiss din kita.. MWAH!" kiniss din ni Lola si Oliver! Yuck!!

Tatayo na sana ako para pumunta sa kwarto ko. Pero bigla kong naalala si Melody. Bakit siya nagpunta dito? Haysss.

"Lola, kapag pumunta dito si Melody. Pakisabi tulog na ako ha?"  kaya iyon pumunta na ako sa kwarto ko at natulog.

*The next day

Maaga akong pumasok..

Sana maaga ding pumasok si Ena...

Tinignan ko ang orasan. 6:30 pa lang naman.. Makaidlip muna.. Panigurado magigising din ako mamaya sa ingay ng mga kaklase ko.

Nang may naramdaman ako sa likuran ko. 

Pagtingin ko... 

^_____^

"Thank you talaga *hug" mabuti wala pang mga kaklase ko dahil panigurado maiingit sila sa akin! Si Angel from above hinaHUG ako oh. :DD

"Kwento mo sa akin ang nangyari..." sabi ko sa kanya magkatabi naman kami eh 

"Ok.. Si Ate kumatok sa kwarto ko kagabi para magpaluto nang makakain. Nung una ayaw ko pa at nag-ASK pa ako kung pwede niya akong tulungan sa Assignment kasi nung oras na iyon gumagawa ako ng Assignment. Nagalit siya nung hindi pa ako kumilos. Pero nung gumamit na ako ng Time Machine. Sunod ako sa kanya para hindi na siya magalit."

"-Tapos nung tapos na akong magluto. Iyon kumain na kami nung una wala pang ASIN yung ulam kaya nagreklamo siya. Pero nung may Time Machine na nalagyan ko na ng ASIN kaya okay na ang lahat. Good Mood na din siya at hindi na niya ako inaway. Thanks talaga!" *hugs

Awiiiiiiiiiiiehhhhh!! Tama!

Kinikilig ako! Kahit sabihin nyong lalaki ako! Pakielam niyo ba? Eh kung crush niyo ba yakapin kayo hindi ba kayo matutuwa? Syempre matutuwa at kikiligin pa!

"Josh tignan m ito oh.. Picture namin ni Ate..." tapos pinakita niya sa akin yung mga pics nila ng ate niya simula ng bata pa sila hanggang ngayon.

"Sino mas cute sa aming dalawa?" tanong niya

"Parehas lang naman kayo ng mukha eh. Kaya kung sabihin kong cute ikaw cute din siya.." tapos si Angel from above naman nag-POUT. >3<

Kaya ako pinisil ko ang ilong niya!! HAHAHA

"Ikaw talaga!" bigla nyang hinawakan yung mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay..

At kami naman ay nagkatinginan.

"OMG!" si Melody dumating na pala... at bigla niyang nabitawan ang librong dala dala niya.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon