Chapter XVII

273 10 3
                                    

***17***

Josh's POV

"OMG." nabitawan ni Melody yung dala-dala niya..

"--Sorry..." tapos lumabas siya ng room..

Problema nun? Nagkatinginan kami ni Ena at sabay kami nagkibit balikat...

"Wait ha..." sabi ko sa kanya, pupuntahan ko lang si Melody. Alam kong nagpunta yan sa amin kagabi pero ayaw ko lang harapin. May something kasi eh... 

Lumabas na ako at naglakad sa corridor.. May mga nadaanan ako na taga ibang section.

"Nakita mo ba si Melody?" tanong ko dun sa dalawang babaeng nasa corridor na nag chichismisan.

"Mukha ba akong hanapan ng nawawala?" sabi nung babaeng mataba na puro pimples.

"Hahahah.."sabi naman nung isang payatot. Psssshhh, kung makaasta para kung sino.. Mabuti na lang hindi ganyan si Angel from above ^___^

Lakad ... Lakad .. Lakad..

Napunta ako sa Canteen. 

*KRRRRRRRRINGGGGGGGGGGG

"Sh1t." I murmured

Time na pala, tska ko palang nakita si Melody na nakaupo doon sa sulok kumakain ng Crossini at take note : tatlo pa yung nakapatong sa lamesa. Malapitan nga.

"Psst.." tumingala naman siya sa akin at bigla niyang nabitawan yung Crossini na hawak hawak niya. Bakit kaya? AKo naman umupo sa harapan niya. At siya naman ay nakatingin pa din sa akin.

"Oh.. Gusto mo?" tapos inabot niya sa akin yung Crossini. Tinignan ko lang iyon sandali katska ko binababa yang crossini sa lamesa.

"Uhm, may itatanong sana ako sa'yo."

nag-BLUSH naman siya...

"Ah-eh... A-ano k-kasi..." then kinamot nya yung ulo niya. Bigla naman niyang kinuha ung mga crossini sa lamesa at tumayo.

"Hey wait." sabi ko..

"Time na, aalis na ako!" then tumakbo na siya..

Bakit kaya siya tumakbo kaagad? Iniiwasan ba niya ako? O yung itatanong ko lang? Hmmm. Mahabol nga...

Ang room namin ay sa third floor pa. Kaya ko ito :D Tatakbo ako sa hagdan. Hindi pa naman siguro iyon nakakalayo.

Panay ang takbo ni Melody. Tapos tumitingin pa siya sa akin..

Nasa may hagdan kami ng hindi niya napansin na may pabababa na lalaki sa itaas at siya naman ay nakatingin sa aking habang tumatakbo.

 Ano ang result? Nagkabungguan ang dalawa.

Nabitawan ni Melody yung 3 nyang Crossini at yung lalaki naman ay nahulog yung salamin niya.

Tumakbo ako agad sa place nila. Mabuti na lang nasa room na yung ibang mga student dahil panigurado mapapagtripan itong dalawa. Paano ba naman yung posisyon nila super close sa isa't isa. Nakaupo yung lalaki sa may hagdan habang si Melody naman ay nakaupo din pero hawak niya yung balikat nung guy.

May malisya pa din.

"Hey..." sabi ko kay Melody.. tinulungan ko siyang tumayo. Kasi nahaharangan niya yung lalaki eh. Kinuha na din nung lalaki yung salamin niya. Bigla naman siyang tumingin sa relo at tumakbo pababa sa hagdan.

"Hindi man lang nag sorry sayo." sabi ko kay Melody na hawak yung noo niya.. Hinawakan ko naman yung kamay niya.. balak ko sanag tignan yung noo niya, baka may bukol.

Then bigla niyang tinabig yung kamay ko at tumakbo na naman..

Bakit ba niya ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali?

Galit ba siya dahil sinusundan ko siya? 

Mga babae talaga, sala sa init sala sa lamig.

Para ding MATH,.

Mahirap intindihin...

Bumalik na ako sa room... Ano ba ang inaasahan ko? Syempre pagdating ko sa room.. 

"Siguro magkasama sila kanina! Pinauna lang niya si Melody! Para hindi mapaghalataan!" 

"Oo nga! Tinireat pa ng Crossini!"

"Nagda-date siguro doon sa may canteen!" sigaw ng mga kaklase kong lalaki.. 

"OK CLASS! SILENCIO!!!!!!!!!" sigaw ng new adviser ko at luma nilang adviser :P

Pumasok na ako sa room at dumerecho sa upuan ko katabi si Ena :D

"Bastusan?" sabi nung adviser namin na nakatingin sa akn. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakatingin din sila sa akin.  Napa-WHAT na lang ako. ANo na nman ba?

Ang lagkit ng mga titig sa akin, parang nakapatay ako ng kapitbahay ah.. Tumayo na ako.

"Sige po Ma'am dederecho na ako sa Guidance .." bigla naman naghalakhakan yung mga kaklase ko. Ano ba naman ito... Pati yung adviser namin natawa... 

Ngengengenge~

"HIndi iyon.. Tignan mo kasi itong nasa Blackboard." tumingin ako sa blackboard at hindi talaga makapaniwala sa nakikita ko. Haruuuyyyyy... Imposible!

"Ok class, tahimik lang kayo ha? May gagawin pala kami ngayong mga teacher sa nalalapit na activity dito sa school."

Umalis na nga yung teacher namin at nag-ingay na yung mga classmate ko.

"Ena, bakit natawa yung mga kaklase natin kanina nung tumayo ako?" tanong ko sa katabi ko.

"Eh kasi naman po. Sinasabi ni Ma'am yung mga kasali doon sa Quiz Bee sabay pumasok ka bigla bigla. Tapos tong mga classmate natin naisip nga na magkasama kayo ni Melody. So wag mong isipin na ikaw yung sinabihan ng 'bastusan' okay??" 

Wala naman yun sa akin.. Pero, hindi ko matanggap sa sarili ko..

Na-ipapanlaban ako sa MATH QUIZ BEE!!!!!!!!

PUTANGINA. Hate na hate ko pa naman iyon.. Leche!!

Hindi ko naman maibabalik yung oras. Dahil ganoon pa din ang mangyayari. 

Sino ba naman kasi ang nagsali sa akin dito? :///

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon