Chapter II- Angel from above 2

800 21 11
                                    

****2****

Ano ba naman yan ang baho! 

Paglingon ko sa paligid..

O__O

Ano ginagawa ko dito?

Nandito lang ako sa isang cubicle ng C.R namin, naka upo sa inidoro..

Hayssss.. Teka, paano ba ako napunta dito?

Lalabas na sana ako ng cubicle ng may pumasok sa C.R at binalibag ang pinto. Ako naman si chismoso di muna lumabas at nakiramdam. Baka may away ..

Tapos yung pumasok hingal na hingal. Aba nakipag taguan pa siguro ito.

Lalabas na nga ako .. Pero...

"KYYYYYYAAAAAAAAAAAHHHH!!!!~" hala ano yun? babae ito ah..

Baka naman bakla ito .

Eh makalabas na nga ang baho dito at ang init.

O__________O

Woah!

Si angel from above!

Yung nasa panaginip ko!

Paano nangyari ito?

Shet!

Nagulat din siya eh! Pero saan? Sa akin? Oh sa itsura ko? Eh iisa lang din naman yun eh >.<

Tapos biglang may nagbukas ng pinto. Hala! Di niya ba nilock? Haysss....

Shete ....

Patay talaga ako nito..

Mga babae talaga peste ...

"KAYONG DALAWA ANONG GINAGAWA NYO DITO????????" sabi ng aming SUPERVISOR .. tama supervisor ang pumasok si Sir. Valdez. Grabe napakasungit yan.. patay talaga kami nito..

"Sir----" mag sasalita pa si Angel from above nang ..

"KAYONG DALAWA!!!" sabay turo sa aming dalawa.. may estudyante na din sa labas usisero oh. "-DETENTION KAYO! SA DAMI NAMAN NANG LUGAR NA PAG GAGAWAN NYO DITO PA! SSHOOO! Labas!" at kami ni Angel ay pinalabas..

 Grabe, akala siguro noon may ginagawa kaming kakaiba. Mga tao nga naman oh... Mapang husga! Hayyyss nakakaasar ha?!

Nung nasa labas na kami tinginan - sabay iwas. Awkward.

"Sorry ha?" sabay takbo naman niya ..

Peste.. Di ko natanong pangalan nun ah..

Ayun! naalala ko na kung paano ako napunta doon sa cubicle. Di ba nga nabasa ako kanina dun sa daanan dahil binasa ako nung lintek na kotse na iyon? Dumaan muna ako ng C.R para tingnan ang itsura ko. Eh biglang padating yung mga kaklase ko. Nagtago muna ako sa cubicle. Nakakahiya naman na makita akong basang sisiw. Tapos di ko namalayan na nakatulog pala ako doon sa cubicle. Kahit mabaho iyon

Sino kaya si Angel from above? Nadetention ako dahil sa kanya.

Angel pa din ba?  Malas ko talaga!!!!!!!!!!! Time Machine please!!!!

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon