Chapter Thirty Eight

70.8K 1.5K 62
                                    

I'm sorry Mommy... Hindi muna kami makakauwi ni alpha tonight. Sabi niya sa ina nang pagkatapos nitong magtanong kung nasaan na daw silang mag ina. Pagkauwi nila sa bahay nila. Mabilis na binuhat ni Lucas ang anak at saka dinala na sa silid nito. Siya nama'y nag paalam na tatawagan muna ang mga magulang niya dahil natitiyak niyang nagaalala na ang mga ito sa kanila.

Narinig niya ang bugtong hininga nito. Bakit? Nasaan ba kayo? Kailangan niyo ba ng susundo sa inyo? Sunod sunod na tanong ng kanyang ina.

Hold it Mom! Stop worrying about me and alpha okay? She said while making a cup of coffee. Inion niya ang coffee maker at saka hinintay ang ipapatak niyon. Mukhang kailangan madaluyan ng caffeine ang katawan niya. Bakit ba kasi? I'm your mother leah! Natural sakin ang mag alala lalo pa't gabing gabi na..

Iniipit niya ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat saka nagpunta sa cupboard para maghanap ng creamer. Hindi na siya nagtaka kung pati ang pagkakaayos ng mga laman ng cupboard ay kagaya pa din ng dati. He preserved everything Leah! We're okay mom. Nasa bahay kami ngayon. Sabi niya sa mahinang tono.

Natahimik ito sa kabilang linya. Pero naririnig pa rin niya ang paghinga nito. Mommy? Tawag niya. Muli niyang narinig ang bugtong hininga nito. Anak, wag mo sanang isipin na pinapalayas namin kayo ng daddy mo. Pero anak, may asawa kana. May anak na kayo. Maybe this is the right time para ayusin niyo na ang relasyon niyo ng asawa mo. Kahit para nalang sa apo namin.

Nagulap ang mga mata niya dahil sa sinabi ng kanyang ina. Nasa kanya naman talaga nakasalalay ang kinabukasan ng pamilya nila. Kung patuloy niyang paninindigan ang kalayaang hinihingi niya. Lalaki si alpha na pakiramdam ay may kulang sa kanya. Mommy 'yun naman po ang g-gagawin ko. Pero sana hindi pa ako huli.

Hindi pa anak. Nakapafaithful ng asawa mo habang wala ka. He's a very good father too. Mahal na mahal niya ang anak niyo. Kaya natitiyak ko na mahal na mahal ka pa rin niya. Sabing kanyang ina na para bang pinapalakas ang loob niya. Sana nga lang ay hindi pa siya huli. Sana nga ay hindi pa.


Sana nga.





Inabutan ni leah na walang tao sa silid nilang mag asawa. Tanging lampshade lang ang buhay at siyang tumatanglaw sa loob ng silid. Wala pa ring kagusot gusot ang kama.

Nasaan kaya 'yon? Bulong niya sa sarili. Nagpalinga linga siya. Wala talaga. Naglakad siya papasok sa walk in closet nila at naghanap ng damit pantulog. Pero nabigo siya dahil malilit na sa kanya ang mga damit na naroroon. Nakita niya ang isang T-shirt ni lucas. Iyon ang isinuot niya.

Langhap niya sa suot na damit ang amoy ng asawa. Pumikit siya. Pakiramdam niya ay yakap yakap siya nito dahil doon.

Binigyan niya ng huling sulyap ang paligid, umaasa siya na baka nasa isang tabi lang ang asawa niya. Pero wala talaga.

Pumailalim siya sa makapal na kumot at saka pinilit na pumikit. Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya. Una, hindi pa sila nakakapagusap ni Lucas. Kung ano at paano ang gagawin nila. Walang malinaw na usapan sa pagitan nila. Basta lang kasi siya dumating.

Sa loob ng mahigit limang taon ay wala silang naging maayos na komunikasyon maliban nalang kapag may sakit si alpha and he informing her about their aon condition. O kaya naman ay kapag may mga achievement ang anak nila.

Pero kung tungkol sa relasyon nilang dalawa? Wala siyang natatandaang napagusapan nila.


Naalimpungatang nagmulat ng mga mata si Leah nang maramdaman niyang ay mga matang nakatunghay sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil nakatunghay sa kanya si lucas. Sorry nagising kita... Nakaupo ito sa gilid niya habang matiim na nakatingin. Sumandal siya sa kama. It's okay... S-Saan ka galing? Sabay tingin niya sa relong nasa tabi ng kama. Maghahating gabi na pala.

Sa library. May mga trabaho akong tinapos. Sabi nito at saka sumandal din gaya ng sa kanya. Magkadikit ang mga balikat nila. Nakaramdam siya ng pagkailang pero hindi siya lumayo. I'm sorry, dahil samin ni alpha naabala namin ang trabaho mo. Nagyuko siya ng ulo.

Nagulat pa siya ng hawakan nito ang isang palad niya. Napatingin siya dito. And to her surprise, she saw his tears. Umiiyak siya! Mga butil ng luha na isa isang tumutulo sa mga mata nito. L-Lucas...

Hinawakan nito ng mahigpit ang palad niya at saka banayad na pinisil. Daham dahan nitong iniangat at saka dinampian ng halik. Kahit kailan, hindi ko inisip na nakakaabala si alpha. Na nakakaabala kayo sakin. My love for both of you has no boundaries. No exceptions. Kung paano kita minahal noon, doble na yung ngayon, because you gave me a reason to wake up every morning. Kahit pa.. Kahit pa pinili mong iwan ako noon. You see this? Sabay pakita sa wedding ring nito na nasa daliri niya. Kahit isang minuto hindi ko naisip hubarin ito. Dahil sa loob ng mahigit limang taon, araw araw akong umaaasa na babalik ka. That you will choose to stay with me rather than to-----. Tumingala ito para kontrolin ang luhang gusto pang lumabas.

Her eyes are starting water too. Lumalabo ang paningin niya dahil sa sinasabi nito ngayon. Sana sapat na ang limang taon para maisip mo na ako pa rin. Na hindi ako napalitan d'yan sa puso mo. Sana sapat na ang hiningi mong limang taon para malaman mo kung gaano kita kamahal. At sana sapat na ang limang taon para piliin mo namang manatili sa tabi namin ng anak mo.

She can't help herself but she cried too. Hindi niya alam na sobra pala niya itong nasaktan. Hindi niya alam na hindi lang pala siya ang nahirapan. Na hindi lang siya ang araw araw ay nangungulila. Maging ito rin pala. L-Lucas...



To be continued...






---------

Bihira ang lalaking gaya ni lucas. Na kahit iniwan mona ay maghihintay pa rin. Dahil may mga lalaking kapag iniwan mo.. Galit pa at halos isumpa ka. "na hinding hindi kana makakahanap ng kasing gwapo ko!"

Duh!  Ang kapal! Kung pagkakakitaan ko ba naman yang mga gwapo na yan.. Mayaman na siguro ako! Hahaha...

dear Santa,

wag niyo po akong regaluhan ng jowa.. Internet at signal po ang kailangan ko.

Sincerely yours,
Ai:)

GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezWhere stories live. Discover now