Chapter Twenty Eight

74K 1.7K 101
                                    

Ang tatlong araw na kasama ni Leah si Lucas ay daig pa niya ang nasa alapaap. Para siyang nasa cloud nine habang nasa ganito kagandang paraiso sila.

Dahan dahan niyang iniunat ang mga kamay at saka kinapa ang binata s akanyang tabi. Ngunit bakante na iyon. Saka lamang siya napabalikwas ng bangom ay hinapit ang makapal na kumot pabalot sa kanyang hubad na katawan.

Nilinga niya ang paligid. Walang senyales na nasa loob ng cabin nila si Lucas. Bagkus, naiwan doon ang amoy ng sabon nitong pampaligo. Ninamnam niya ang amoy na iyon habang nakapikit.

Dahan dahan siyang bumangon at dumeretso sa banyo. Pagkapaligo'y mabilis din siyang nagbihis. Mahal na nga niya ang binata. Dahil kakaiba na ang pintig ng puso niya. Oo marahil ay tanga siya pero hindi siya bobo para hindi mapangalan ang kakaibang nararamdaman niya oara sa binata.

Pero natatakot siyang umamin dito. Paano kung pagtawanan lamang siya nito at hindi siya paniwalaan? Bumugtong hininga siya at mabilis niyang sinuklay ang buhok at lumabas. Hahanapin na lamang niya ang binata para makakain na rin sila.

Bawat staff at crew ng resort ay binabati siya't nginingitiab. Hindi maiwasang madala siya sa mga ngiti nila. Nakakaganda ng umaga. Umupo siya sa isang stool chair sa harap ng barandilya na nakatutok sa pool at malalaking puno.

Mau crew na nagbigay ng kape sa kanya. Malamig na. Bakit ba kasi nakalimutan niya magsuot ng jacket. Isang buwan na lamang mahigit at pasko na.

Napapikit siya nang malasahan niya ang sarap ng kapeng barako. Iba talaga kapag sariwa. Mula sa kanan niya ay tanaw niya ang butterfly garden. Natutuwa siya sapagkat halatang hindi ordinaryo ang mga iyon. May malalaki at may mga maliliit.

Hinigop niya muli ang kanyang kape nang magpalinga linga siya. Hindi pa rin niya nahahanap si Lucas. Kahapon ay maaga din itong gumising. At niyaya siyang subukan ang iba't ibang atraksyon sa lugar. Gaya ng zip line, rappelling at wall climbing. Nagenjoy siya nang maranasan niya ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya'y bumalik muli siya sa pagkabata.

Tilian ng ilang kababaihan ang nagpatayo sa kanya mula sa kinakaupuan. May ilan na galing lobby ang dumungaw  sa barandilya at nakiusyoso din. Ang ibang tinig naman ay naririnig niya sa ibaba ng pool.

Kaya pati siya ay nakidungaw na rin. Gayon na lamang ang gulat niya nang makita niya si lucas sa ibaba. At may hawak na gitara. Nang magtama ang mga mata nila ay ngumiti ito sa kanya sabay tipa sa gitarang hawak hawak.

Hindi siya makapaniwalang kaya nitong kumanta. Ang mga babaing nasa paligid niya ay panay tili. Titig na titig lang siya sa binata. Bakit ba habang tumatagal ay pagwapo ito ng pagwapo sa paningin niya?

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap hanap kita..

At halos ulanin na siya ng tukso nang mapansin ng lahat ang mga nakalutang sa ibabaw ng pool. Mga styrofoam iyon na kinortehan ng mga letra at saka pinagdikit dikit. Iba't iba ang kulay ng mga iyon pero iisa lang ang ibig sabihin.

Can you be my babe----forever?

Sa kanya nakatingin ang mga tao sa paligid. Natapos na lahat lahat ni lucas ang kanta pero nanatiling nanonood ang mga tao sa kanila.

Lalo nang umulan ng tuksuhan nang umakyat si lucas papunta sa kanya. Iniabot nito ang gitara sa isang lalaking lumapit dito. Pagkatapos ay may nagabot naman dito ng bungkos ng mga mapupulang rosas.

Halos magkarerahan ang tibok ng puso niya sa bilis. At mas dumoble ang bilis niyon nang tuluyan nang makalapit ang binata sa kanya. Hi.. Sabi nito sa kanya habang nakatitig lang.

Pati pagngiti niya ay hindi niya alam kung paano ipapakita. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Bahagya pa siyang nagitla ng hawakan nito ang isa niyang kamay. Say something babe.. Please say something. Isn't obvious? Mahal kita. Bakas sa tinig nito ang takot na baka mali ito. Na baka mali ang iniisip nito.

Walang salitang gustong manulas sa mga labi niya. Nakatitig lang siya sa mga mata nito at nababasa niya ang sinseridad at pagmamahal nito doon.

Sinamyo niya ang bulaklak na inabot nito s akanya. Mabango. Nanatiling hawak nito ang isa niyang kamay. Babe..

Doon siya tumitig sa mga mata nito. Minsan lang dumating ang pag ibig sa buhay ng tao. Kaya wala naman sigurong masama kung susugal siya. Isa pa, pareho din naman sila ng nararamdaman. Tumikhim muna siya. Ano bang gusto mong sabihin ko? Sagot na tanong niya. Pinaseryoso niya ang mukha. Kung minsan masarap ding gawing hobby ang pahirapan ang mga lalaki. Pinigilan niyang matawa dahil sa reaksyon nito.

Still the innocent Leah I've ever known. I sabi nito na halos pabulong lamang pero narinig din naman niya. Don't you get it! I made all these efforts para lang magconfess sayo and then you-----.

Bakit ba ang init agad ng ulo mo? Mahal din naman kita 'e. Sabi niya na ikinatili naman ng mga tao sa paligid nila. At si Lucas naman. Mukhang naengkanto. Nanlalaki ang mga mata nito na para bang hindi makapaniwala.

T-Talaga... M-Mahal mo rin a-ako---? Di makapaniwalang tanong nito na halos magkanda buhol buhol na ang sinasabi. Nakangiting tumango siya dito.

Pero bago pa man ito muling magsalita. Tuluyan na itong bumulagta. Mabuti't naging maagap siya at ang mga taong nasa paligid nila. Lucas!

Mabilis nilang iniupo ito sa isang recliner chair at saka pinaypayan ng mga taong naroroon. Tinampal tampal niya ang pisngi nito. Lucas! Lucas!


Diyos ko! Nakakahimatay pala ang pagmamahal.




To be continued...






--------

Yung lalaking hihimatayin pagkatapos mong sabihan ng i love you too. Hahahaha..

Hello guys,
Sorry kung hindi ito kasabay ng naunang ud kaninang umaga. Cool off po kasi kami ng signal. Pinagtaksilan na naman niya ako kaya di ko ito maiupload kanina.

Like i said sa naunang chapter. Malapit na po.. Kaya di ko na po ito hahatiin.

Keep reading guys..

Ai:)

GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezWhere stories live. Discover now