Chapter Four

78.4K 1.5K 18
                                    

Itinutok ni Lucas ang mga mata sa daan. Pasado alas tres na ng umaga. Ngayon palang siya uuwi. Dumating pa kasi si job at David kaya inumaga sila sa inuman. At kinailangan pa niyang magpahulas dahil totoong nalasing siya.

Sa bahay niya balak umuwe ngayon, hindi niya gustong sa penthouse umuwi dahil nasisiguro niyang pupuntahan na naman siya ni Kara doon.

Good thing at nasa spain ang mga magulang niya. Walang magagalit kung uuwi siyang lasing. Ang kapatid naman niyang si cashy ay sa canada nakabase. May business ito doon. He visited her last week noong may business conference siya doon.

He groaned when he felt his back aches. Nangalay siguro dahil nakatulog siya sa upuan kanina. He's in the middle of the road when someone passed through in front of him.

Napapreno agad siya. At dahil sa lakas ng pagkakapreno niya halos masubsob siya sa manibela. Arrgh! Shit!

Parang mas nadagdagan ang sakit ng ulo niya. Naalala naman niya ang taong mukhang nasagasaan niya. He immediately run out to his car at saka mabilis na tinignan ang kalsada.

May taong nakahandusay doon. Fuck! What the?

Mabilis niya itong dinaluhan at saka pinulsuhan. May pulso pa. May konting galos ito pero wala namang dugo or anything. At saka doon lang niya nabistahan ang mukha nito. Babae?

Madungis at walang sapin sa paa. Mukhang taong grasa ang nabangga niyang babae. Isang manipis na blusa lang ang suot nito at pajama. Bakat sa suot nitong damit ang mayamang dibdib. Nagkalat ang dumi nito sa mukha,braso at pati leeg. Pinilit niya itong gisingin ngunit hindi magising.

Binuhat niya ito hanggang sa loob ng back seat. Iuuwi niya ito. Kung sa ibang lalaki marahil ay papabayaan na ito sa kalsada. Pero hindi niya kaya. Kahit sabihing baliw ito. Hindi niya kayang iwan ito doon. May kapatid na babae din siya and he don't want that to happen to his sister.

Jesus ginoong bata ka! Sino 'yang dala dala mo? Bulaslas ni nanay perla nang pagbuksan siya ng pinto. Ito ang nagalaga sa kanila ni cashy simula pa noong mga bata sila. Matagal na itong naninibihan sa pamilya kaya pamilya na rin ang turingbnia dito. Gising na ito dahil maaga yatang sisimba ang matanda.

'Nay napulot ko po s kalsada. Sabi niya habang buhat ang babae hanggang sa kwarto niya. 'Nay help me here! Sigaw niya sa matanda. Natulala kasi ito sa kanya. Minsan lang sa isang taon kung umuwi siya dito kaya marahil ay nagtataka ito. Umuwi nga siya may bitbit naman.

Inilapag niya ang babae sa kama at saka hinawinl ang buhok nito na tumatabing sa mukha. She have a pointed nose and black long lashes. Manipis ang labi nito na hindi lang niya sigurado ang kulay dahil sa karungisan nito.

Kasunod niya si nanay perla. May dala itong planggang may tubig at bimpo. Pambihirang bata ka! Magtapat ka nga! Ginalaw mo ba ang babaeng ito? Sabi nito habang pinupunasan ang leeg at braso ng tulog na babae.

Nanlaking mga matang umiling siya. 'Nay hindi po. Tangi niya. Oo at mahilig siya sa sex pero hindi naman niya ugaling mangrape at idaan sa pwersa ang isang babae.


Nakatayo lamang siya sa isang tabi nang mapadako ang mga mata niya sa ginagawa ni nanay perla. Inaalisan nito ng damit ang babae akmang aalisin nito ang suot niyong bra ng mapatingin si nanay perla sa kanya.


Tinignan siya nito ng masama. 'O ano't nakatayo ka ri'yan. Sulong! Labas! Bawal ka dito. Pagtataboy nito sa kanya.



P-Pero----baka po---. Nauutal niyang sabi habang nakatayo pa rin.

Lucas! Pag ganoong tinatawag na siya ni nanay perla sa pangalan niya na para bang isa iyong bato. Ay nawawalan na siya ng sasabihin. Bukod sa magulang niya, takot din siya dito. Kasi kapag nagagalit o nagtatampo ito sa kanya. Hindi siya nito pinapansin.


Wala na siyang nagawa kung di ang lumabas ng kwarto. Parang ngayon niya pinagsisihan na sa silid niya dinala ang babae. Hindi siya makatulog.






To be continued...

GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezWhere stories live. Discover now