Chapter Eighteen

75.2K 1.6K 59
                                    

Paghakbang pa lamang ni leah sa bulwagan ng pagtitipon na pinuntahan nila ni Lucas ay kita na niya agad ang naguumapaw na karangyaan. Bahay daw ito ng mga magulang kara. Maraming tao, mga nakadamit pangsosyal. Pang sosyal din naman ang suot ko 'a? Bulong niya sasarili. Simpleng bestida lang ang pinasuot ni alexann sa kanya. Kulay asul iyon na bukas sa balikat. Off shoulder daw kung tawagin.

Sa Personality development school na pinapasukan niya tuwing hapon ay itinuro na sa kanya ang tamang paglalakad, pagngiti at maging pagsasalita. Dahan dahan siyang muling humakbang dahil may katangkaran ang sapatos na suot niya.

Lucas! Narinig niyang tawag ng isang napakakisig na lalaki kay lucas. Ang gwapo nito, maaari itong ikumpara doon sa artistang napanood niya noong isang araw. Lex! Nagyakapan ang dalawa.

C'mon dude, naroon na sila job. Yaya ni lex sa kanila. Pero sandaling tumigil ito nang makita niya. At sa pagtatama ng mga mata nila. May kakaibang pintig sa puso niya. Ah! This is Leah. Leah si lex.. Inabot niya ang kamay na inilahad ni lex sa kanya. Halos magbuhol buhol ang hininga niya dahil doon. Atrakted ba ako? Nang makahuma sila pareho. Mabilis siyang inakbayan ni Lucas. Doon na muling nagkarera ang dibdib niya. Dahil kakaiba nang pintig ang ginagwa ng dibdib niya dahil lamang sa akbay ni Lucas.

Bago dumating sa lamesang sinasabi ni lex. May isang ginang na humarang sa daraanan nila. Lucas! Mabilis itong yumakap sa binata. Tita pat!  Nakita niyang gumanti ng yakap si lucas. Pero nang maghiwalay sila ay hinawakan naman ng binata ang palad niya. Nasaan po si tito Alfred? Tanong ng binata sa ginang.

Oh! He's right there. Sabay turo sa kumpol ng kapag mga lalaki na may edad na. You know business ---as usual. Tumango tango si lucas.

Saka naman bumaling sa kanya ang mga mata ng ginang. Mga matang parang matagal na niyang nakita. Natuptop nito ang bibig nang makita siya. Inakbayan naman siya ni lucas at saka ipinakilala dito. Tita pat si leah po.. Girlfriend ko.

Napatingin siya sa binata nang sabihin nitong girlfriend. Nabasa niya sa dictionary ang ibig sabihin noon. At naintindihan naman na niya. Kaya hindi maiwasang uminit ang pisngi niya. What a lovely girl! Lucas! Bulaslas ng ginang saka mabilis siyang niyakap. Yakap na para bang pamilyar sa kanya. O dahil lang sa namimiss na niya ang kanyang ina.

Gumanti siya ng yakap dito. Nang bitiwan siya ay saka ito matiim na tumitig sa kanya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang saya habang nakatitig sa kanya. At aaminin niya, napakasaya niya din. Kakaiba ang pintig ng puso niya. Parang kagaya ng naging pintig ng puso niya ng makita niya si lex kanina.

Hinaplos siya nito sa pisngi at saka ngumiti. You remind me of someone... Sabi ng ginang sa kanya. Nginitian lamang niya ito. Kapangalan mo kasi ang aking----.

Mom! Mommy! Sabay sabay silang napalingon nang makita nila si kara.

Nakadama siya ng hiya sa kanyang suot ng makita niya ang hitsura nito. Halatang lahat ng kalalakihan ay nakasunod ang tingin dito dahil sa mapang akit na pananamit nito. Lumapit ito sa ina. My God Kara! Are you drunk? Sabi ng ginang sa anak. Inalalayan ni lex si kara.

No mom, actually naguumpisa pa lang kami. Sabi nito sabay baling kay lucas na nakatingin din pala dito. Bigla ay parang kinurot ang puso niya. Nagagandahan ba siya kay kara? At sakin hindi? Dahil sexy ang damit niya? At ako hindi? Sunod sunod ang naging tanong na binuo niya sa kanyang isip.

Lucas! My God! Darating ka nga talaga----but with her. Sabi nito sabay baling s akanya. Nasa mga mata nito ang disgusto para sa kanya.

Of course. She's my girl friend. Sagot ni Lucas na nakatiim bagang. Pero hindi pa rin siya mapanatag dahil nakatingin pa rin ito kay kara. Partikular na sa dibdib ng dalaga na halos lumuwa na dahil sa baba ng neckline ng suot nitong damit.

Dahan dahan lumapit si kara kay lucas at saka humalik sa pisngi nito. Kung pisngi nga bang matatawag na lumapat na iyon sa gilid ng labi ng binata. Naikuyom niya ang mga kamay. Ako lang ang dapat. Gusto niyang gawin dito ang ginagawa sa kanya ni Devina kapag nagagalit s akanya pero nagtimpi siya. Kinontrol niya ang narardaman niya. Hanggang sa bumaling naman muli ito sa kanya at saka dahan dahan din lumapit.

Lumapat ang pisngi nito sa pisngi niya. Ngunit kasabay niyon ay ang paglapat ng malamig na likido sa bandang dibdib niya.

Oh My God! I'm sorry Leah! I'm sorry! Napatulala siya dahil basang basa ng kung ano mang galing sa baso nito ang dibdib niya. Bumakas na doon ang pang loob niya. Labis na inis ang nardaman niya. Huhubarin sana ni lucas ang coat na suot nito ng daluhan siya ni tita pat. It's okay hijo, ako nang bahala sa kanya. Inakay siya ng ginang. Hindi sana siya sasama pero tumango si lucas.

Inakay siya nito paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Bago sila pumasok sa isang silid na nasa dulong pasilyo.

At nang humakbang ang mga paa niya. Alam niyang may kakaiba. May kakaibang pagpintig ang puso niya. Nakaramdam siya ng isang damdamin di niya maipaliwanag.


Deja Vu...




To be continued...




GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezWhere stories live. Discover now