Chapter Nineteen

73.2K 1.5K 24
                                    

Iginala niya ang paningin sa paligid nang silid. Kulay rosas iyon. May mga namumulaklak na palamuti sa pader ng silid. Ang kama na nababalutan din ng pambabaeng kulay.

Pumasok ang ginang sa isang pinto kaharap ng kama. Sandali lang hija ihahnap kita dito ng pamalit. Narinig niyang sabi ng ginang. Hindi siya sumagot. Nanatiling pumapalibot ang mga mata niya sa paligid. Maging ang mga larawang naroon ay inusisa niya.


Kwarto kaya ni kara ito? Naitanong niya sa sarili. Mula sa dulong lamesa sa hilera ng mga portrait. Inabot niya ang isang litratong inakit siya. Tatlong tao ang naroroon. Isang lalaking makisig sa suot na amerikana. At isang ginang na sa tantiya niya ay si tita pat iyon. Napakaganda nito sa suot na bestidang pula. At ang batang nasa gitna nila. Karga karga iyon ng asawa ni tita pat. Ang tingin niya'y nasa isa o dalawang taong gulang lamang iyon.

Ang bintog ng pisngi na parang kay sarap pisilin. Isama pa ang nakakaakit na mga mata nito. Hawak hawak niya iyon ng lumabas ng silid si tita pat. Leah hija.. Halika rito isukat mo ito. Ibinaba niya ang litrato at saka lumapit dito. Inabutan siya nito ng isang kulay pink na damit. Bestidang umabot lamang sa ilalim ng tuhod niya. Nagaalalangan siyang isuot iyon. Halatang mamahalin. Don't worry hija, it's unused. I mean bago yan at hindi pa naiisuot. Marahil ay naramdaman ng ginang ang pagaalangan niya. Iginaya siya nito sa isang pinto na banyo pala at saka nagpalit.

Para siyang disisais anyos sa hitsura niya. Bumagay ang kulay ng damit sa kulay ng balat niya. Mas nagmukha siyang batang wala pang alam sa mundo. Bagay na bagay sayo. Masayang sabi ni tita pat nang lumabas siya ng banyo.

Ngumiti siya. Salamat po. Salamat din po sa damit. Bukas po ay isasauli ko-----.

No hija. Sa iyo na 'yan. Tutal hindi na rin naman yan maiisuot ng anak ko. Nagbago ang kulay ng mukha ng ginang. Ang kaninang maningning na masigla ay naging malungkot na.

Nilapitan niya ito. Bakit po? Ayaw na po bang isuot ito ni kara? Naitanong niya sa sarili. Inisip kasi niya na baka damit ito ni kara na lumiit na. Sa hitsura kasi ni kara ngayon. Malaki ang size nito kumpara sa sukat niya. Bagama't sexy pa rin itong tignan.

Hindi kay kara ang damit na iyan. Sabi ng ginang sabay lapit sa mga litratong kanina ay tinitignan niya. Inabot nito ang litratong hawak niya kanina lamang. This is my husband Alfred. Iisang taon pa lamang kaming mag asawa dito. Kwento nito habang nakatitig sa litrato. Ito naman ang anak namin. Si Leah.

Leah? Kapangalan ko? Napatingin siya s aginang. Maging ito'y nakatingin din sa kanya. After i saw you a while ago. And lucas introduce you to me. Naalala ko ang anak ko sayo. Especially your name. Pareho kasi. Pagak itong tumawa. Alam niyang nasasaktan ito.

Patawad po. Sabay yuko niya. No hija, wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi mo kasalanan na pareho kayo ng pangalan. It happened sometimes. May mga instances na may magkakapareho talaga ng pangalan. Paliwanag ng ginang sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya.

Tumingin siya sa mga mata nito. N-Nasaan na po siya? Natatakot siya sa isasagot nito. Paano kung patay na pala ang anak nito. Inakay siya nito paupo sa kama. Magkatabi sila habang hawak pa rin nito ang litrato. More than sixteen years ago, when leah my daughter got K-kidnapped. Until now, wala pa ring balita ang mga pulis sa kanya. If she's still alive or d-died already. Naawa siya sa ginang. Sunod sunod na tumulo ang luha nito. We almost lost our little hope na makita siya nang mabalitaan naming patay na pala ang kumidnap sa kanya.

P-Patay na p-po? Takang tanong niya. Paano pa nito malalaman kung nasaan ang anak nito kung patay na pala ang kumuha.

He died during the ransom transaction. Humingi siya saamin ng apat na'pung milyon kapalit ni Leah. Pero nang ibigay namin ang hinihingi niya. Sinabi niyang wala na ang anak ko. May kumuha nang iba. I almost died in depression and anxiety. Araw araw umaasa ako na makikita pa ang anak ko. Niyakap niya ito nang umiyak ito sa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit, pero nasasaktan siya para dito. Ito rin kasi ang naramdaman niya nang sabay mawala ng mga magulang niya. Nang mamatay sila nang hindi man lang niya nakakausap.

Mahirap talagang mawalan ng minamahal. Masakit. Kaya nararamdaman niya ang sakit na narardaman nito. Nang tumahan ang ginang ay humarap ito s akanya. Salamat hija. Ngumiti lamang siya at pinalis niya ang luha sa mga mata nito at pisngi. Wala na po akong mga magulang kaya alam ko po ang pinagdadaanan niyo. Ang kaibahan lang po natin ay hindi niyo alam kung buhay pa ba siya o hindi na.

Sana nga buhay pa siya. Because i missed her so much. Sixteen years ko siyang hinintay at hihintayin pa. Nagkaroon ng bara sa lalamunan niya dahil nalulungkot siya para sa ginang.

Nagbago ang ekspresyon ng mga mata nito pinilit nitong pasiglahin. Sandali ipapakita ko sayo ang mga pictures niya noong bago siya nawala. Ngumiti siya. Kaya ngumiti din ito.

akmang tatayo na ito ng may kumatok sa pinto. At sabay silang nagkatinginang dalawa.




To be continued...

GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezWhere stories live. Discover now