Chapter Thirty

72.3K 1.3K 18
                                    

Ma'am uuwi na po ba tayo? Salubong na tanong kay leah ng driver na siyang itinoka ni Lucas sa kanya para sunduin siya sa eskwela.

Malalaking hakbang na pumasok siya sa loob ngsasakyan. Nanginginig ang katawan niya. Para siyang nauupos. Narinig niya lahat. Narinig ko...

Balak niya sanang sorpresahin si Lucas. Nakuha na niya ang certificate niya para sa pagkakapasa niya sa senior high. Kailangan na lang niyang kumuha ng preparation para sa college. Pero mukhang siya ang nasorpresa.



Stop acting as if you don't know lucas! Anak ni mommy at daddy si Leah! And you hide the truth! Tinago mo ang totoo! Mommy hired an investigator para alamin ang pagkatao ni leah. The leah you kept inside your house. The Leah you protecting from everyone.

Ilan lamang yan sa mga narinig niyang sinabi ni kara kay lucas. Halos madurog ang puso niya dahil doon. Parang isa isang pinira piraso ang puso niya. Buong buhay niya, naniwala siyang totoo ang lahat sa paligid niya. Lumaki siyang salat sa lahat ng bagay. Pati pala sa katotohanan inalisan din siya ng karapatan. Karapatang malaman.

Ma'am uuwi na po ba tayo? Muli niyang narinig ang tinig ng driver.

Tumigas ang anyo niya. Iisang tao lang ang makakasagot ng lahat ng mga tanong niya. Sa pangasinan tayo kuya. Alam niyang nagulat ito pero wala na siyang pakialam. Aalamin niya ang lahat. Ayoko nang mabuhay sa kasinungalingan.


Humigit kumulang isang oras at kalahati ang anging biyahe nila. Patungo sa bahay na dati niyang tinitirhan. Pagbaba pa lamang niya ng saskayan kanya kanya nang bulungan ang mga tsismosang nasa paligid niya. Pero wala siyang pakialam. Hindi ang mga taong gaya ng mga iyon ang sadya niya.

Walang pakundangan niyang binuksan ang tarangkahan at saka nagmartsa papasok. Nasa bukana pa lamang siya ng entrada ng lumabas ang tiyahin niya. Hoy!  Leah! Ano't naririto ka na naman?hindi ba't nakuha mo na ang mga basura mo dito? Naikuyom niya ang mga palad niya. Umaakyat sa ulo niya ang galit niya. Galit na matagal naipon sa dibdib niya.

Sino ba talaga ako? Kalmante niyang tanong. Pilit niyang kinokontrol ang sarili miya. Tumawa ang tiyahin. Bakit? Naumpog ba ang ulo mo at nakalimutan mo ang pangalan mo? Siya lakad pumunta ka doon sa puntod ng nanay at tatay mo. Doon mo itanong yang pangalan mo! Pilit panrin niyang kinokontrol ang lahat sa kabila ng mga patutsada nito sa kanya.

Alam kong hindi masamang tao si nanay at tatay! Kaya sumagot ka! Sino ba talaga ako? At anong kinalaman mo sa pagkatao ko? Nanggigigil na sabi niya. May mga kapit bahay na ang nakadungaw sa gate at nakikiusyoso. Naririnig nila marahil ang pagtaas taas ng boses niya.

Hoy Leah! Hindi porke't nakakilala ka lang ng mayamang lalaki ay aasta ka nang matapang di---. Di na niya napigilan ang sarili niya. Sinampal niya ito ng ubod lakas na kinasinghap naman ng mga tao na nakakakita sa kanila.

GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon