Chapter Twenty Four

79.4K 1.5K 30
                                    

Nakatayo sa gilid ng eskwelahan si Leah nang may humintong mamahaling sasakyan sa tapat niya. Nangakong susunduin siya ni lucas kaya naroroon siya. Pero hindi niya kilala ang sasakyan na hinto sa harap niya.

Pero mula sa unahan ay may bumabang nakapolong puting lalaki at binuksan ang likurang sasakyan at saka may babaeng bumaba. Bumadha ang saya nang makilala niya ito. Tita pat!

Inalalayan ito ng lalaking nagbukas ng pinto dito. Salamat roger. Saka bumaling sa. Kanya. Dito ka pala pumapasok hija. Kamusta kana?nakangiting tanong nito s akanya.

Mabuti naman po. Kayo po? At saka may susunduin po ba kayo dito? Magiliw na sunod sunod na tanong niya. Nakakatuwa na makita muli ang ginang. Hindi na kasi sila masyadong nakapagusap noong party.

Easy hija. Ikaw talaga ang sadya ko. Sabi ng ginang. Tumabi ito ng tayo sa kanya.

Ako po? Takang tanong naman niya. May atraso ba siya? May nawawalang gamit ba sa bahay ng mga ito noong party kaya tatanungin siya? Nakausap ko si Lucas. Nagpaalam ako sa kanya if i can invite you for dinner tonight. And he said yes.

Dinner po? Ano pong mayroon? Tanong niya. Kaya pala wala pa rin si lucas. Pero bakit hindi man lamang siya nito tinawagan?

Nothing special hija. Naisipan lang kita talagang dalawin kasi naputol yung kwentuhan natin noong isang gabi. Tumango tango siya dahil sa sinabi nito.

Kahit bahagyang mahapdi pa ang pagitan ng hita niya ay sinubukan pa rin niyang humakbang at umaktong normal nang akayin siya nito pasakay sa sasakyan. Magaan ang loob niya sa ginang siguro dahil likas itong mabait.



Nasa isang mamahaling restaurant sila at kumakain. Asikasong asikaso siya nito. Kulang na lamang ay subuan siya ng pagkain.

Tama na po tita pat.. Masyado na pong marami ito. Tanggi na niya nang akmang lalagyan nitong muli nang kanin ang pinggan niya.

Sigurado ka? Ani nito habang nilalapag ang kanin sa lamesa. Pwede pa tayong umorder ng kahit na anong gusto mo.

Nginitian na lamang niya ito. Okay lang po ako tita. At saka hindi naman po ako gaanong gutom.

Tumango tango ang ginang. Sumubo muli ito bago tumingin sa kanya. Nasaan na nga ulit ang mga magulang mo? Tanong nito.

Nabitin sa ere ang kutsarang dadalhin sana niya sa bibig niya. Parang biglang rumagasa sa utak niya ang huling hitsura ng mga magulang niya. Parang kailan lang pala nangyari ang lahat simula nang iwan siya ng mga ito. W-Wala na po sila. Matagal na po silang p-patay. Bumaha ng lungkot sa mga mata ng ginang.

I'm sorry to hear that leah. Hingging paumanhin nito. Okay lang po. Natangap ko naman na po na wala na sila talaga. Na hindi na po sila babalik.


GENTLEMAN series 4: Lucas MarquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon