Chapter 50: Graduation Day

1.3K 55 8
                                    


Sam's POV

"Today is a special day for all of CBA's 4th year students. It's a great pleasure to us that we handled this kind of students. Today, they will end their journey here but will start a new journey within their next stage of living. Let us welcome all of our graduating students! A round of applause for them!"
Labi ni Ma'am Quiro.

Nakangiti lahat ng mga pamilya ng bawat studyante dito sa reception nang graduation namin. Nasa may banda harapan naman sila Papa kasama si David. Si Mama kasama ngayon, ipaparada niya ako papunta sa upuan ko sa harapan. Nakakatuwang isipin na eto na ang huling araw namin sa College pero nakakalungkot rin. Pang 48 ako na tatawagin, habang hinihintay ko na tatawagin yung pangalan ko nililinga ko yung paligid.

Hindi ko mahanap si Jez maski sila Kaine at Wane. Pupunta kaya yung mga yun? T*ng-in* pang hindi. -,-

"Sam Waylard!"
Tawag nung MC sa pangalan ko.

Todo kapit naman si Mama sa balikat ko. Feeling ko anumang oras bibigay na tong braso ko. Nakangiti kong ipinarada ang aking sarili sa gitna ng maraming tao, puno ng mga tao at nagsisigawan ang mga palakpak ng mga tao sa reception. Nung nasa harap na kami may isinuot sakin na necklace saka na ako hinatid sa upuan ko, naghiwalay naman na kami ni Mama, pumunta na rin siya sa kabilang banda ng mga upuan para umupo.

Nang makaupo na lahat ng mga studyante sa kanilang mga upuan nagsimula nang magbigay ng mga mensahe at mga sarili nilang kwento sa apat na taon na nasa highschool sila. Hindi lahat nagsalita, yung mga pinili lang, at siyempre kasama ako dun. Papahuli ba ang nag-iisang Waylard sa school namin?

Naglakad na ako papunta sa entablado. Hindi ko alam pero parang wala ako sa sarili, pano ba naman inalalayan pa ako ni Ma'am Quiro kung san ako magsasalita. Hindi ko nga alam eh kung masasabi ko ba lahat sa maayos na paraan, wala si Jez dito. Hindi ko rin alam kung makakapunta ba siya. Wala man lang text sila Kaine ni Si Wane o si Tita o si Farra man lang kung aatend ba sila. Pinaparusahan ba nila ako? Hindi ko rin kasi nabisita si Jez dahil sobra ang paghahanda namin sa araw na to'.

Tumayo na ako sa aking mga paa sa entablado saka ko na sinimulang magsalita.

"Good Morning Parents and to our beloved Teachers and our one and only principal, Ma'am Quiro. Ako si Sam Waylard. Simple lang ako sa paningin ko sa sarili ko pero sabi ng iba, anak mayaman daw tapos mahilig sa chix. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakikiligan ng mga babae. Pffft. I am just a simple man with one dream. My dream is to finish my studies and to continue our Family business. Sa college ko naranasan masaktan, makakilala ng bagong klase ng mga tao at dito ko rin natutunan kung pano mamili ng mga kaibigan. Sa college ko nakilala kung sino ako, kung ano ang gusto ko at ang babaeng..."

Bigla akong napatigil sa pagsasalita ko ng may isang grupo ng pamilya na pumasok sa may entrance. Dalawang magkapatid na lalaki na kaibigan ko na since then, isang babae na minahal nung isa sa mga lalaki at isang Nanay na magiging Mother-in-law ko na.

...At ang Babaeng mahal na mahal ko kahit nakawheel chair siya.

"Mr. Waylard?"
Tawag sakin ni Ma'am Quiro.

Agad naman akong natauhan saka ko na itinuloy yung pagsasalita ko.

"Ang babaeng nagpasaya sakin. Siya yung tipong babae na kaya akong intindihin at kaya akong mahalin. Yung babaeng makulit, suplada at konti nalang basagulera. Si Jezairyle Abuena, the girl that I love and want to live my life with. The girl that changed me and the girl that makes my world move. Jez, I Love You so much. And to my family! Mama, Papa and David, thank you so much for being there always. That's all and thank you!"

Naglakad na ako pababa ng entablado, nagsipalakpakan naman sila. Hindi ko na napagilan. Tumakbo agad ako kila Jez saka ko siya sinalubong ng matamis na halik sa noo niya.

"Uy! Easy lang Bayaw! Gago eh, nananamantala ka namaman."
Pagtitigil sakin ni Kaine.

Nagsitawanan naman kami. Pumantay ako sa pagkakaupo ni Jez sa wheel chair niya. Kinuha ko yung magkabilang palad niya saka ko yun hinagkan, tinignan ko siya sa mga mata niya. Tingin na halos patayin na kaming dalawa sa lakas ng kuryente na nararamdaman namin.

"Babe naman."
Labi ni Jez.

F*ck! She's so darn cute when she blushes!

Yumuko yung ulo niya pero itiningala ko yun para magkasalubong yung mga tingin namin.

"I love you Jez and I want to be with you forever."
Labi ko sakanya.

Nagkindatan naman sila Tita sa likudan ni Jez. Ngumiti ako ng nakakaloko saka ako lumuhod sa harap ni Jez. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ito yung tamang oras para dito dahil hindi pa tapos yung program namin pero hindi na ako makapagpigil.

"Jez..."

"Let's give them a round of applause! Now, let us give their diploma's as a gift to them and their gift to their beloved parents."
Labi ni Ma'am Quiro sa kawalan.

Tumawa ako ng matipid saka ko tumayo.

"Mamaya nalang Jez. Irarampa ko pa tong gwapo kong mukha sa entablado."
Sabay alis ko na sa harapn niya.

Umiling-iling naman sila Tita sa likod. Hahaha! Di makapag-antay eh. -,-

Kinuha ko na yung diploma ko, binigay ko naman agad yun kila Mama saka kami nag family picture. Nung si Jez na yung tinawag nagtatatakbo akong pumunta sakanya para ako na magalalay sakanya papunta sa stage.

"Ako na po Tita, pero sama parin po kayo para ikaw magsabit. Aalalayan ko lang po siya."
Labi ko kay Tita.

Pumayag naman si tita kaya tuwang-tuwa kaming pumunta sa harap. Ako nagtutulak nung wheel chair niya, si Tita naman nagsabit ng medal kay Jez. After namin dun nag family picture rin sila.

Hindi naman nagtagal, natapos na rin yung program. Closing time na kaya naman nagsiiyakan na lahat. Tinapon na rin namin yung graduation caps namin sa ere.  Nagsiyakapan na kaming lahat nung oras na para magsiuwian na. Si Tori naman todo iyak naman sa balikat ni Cyril. F*ck! Ano bang meron sa dalawang to'? Hahaha! Wala akong alam dito ah! Lumapit samin si Cyril at Tori na mukha nang taong kweba dahil sa make-up niyang nagloose na dahil sa luha niya. Hahaha!

"Congrats pre! Hahaha!"
Labi sakin ni Cyril.

Nagyakapan naman kami saka kami nag chest bump. Hahaha! Sh*t! Mamimiss ko tong buhay college ko.

Tinignan ko si Tori. Hahaha! Bruha talaga neto.

"Halika nga dito!"
Labi ko kay Tori sabay yakap ko sakanya.

Mas bumuhos naman yung luha niya nung niyakap niya na si Jez.

"Bes mamimiss kita. Pero siyempre magkikita parin tayo diba?"
Nahihirapan niyang labi kay Jez.

Tumango naman si Jez. Pinunasan ni Jez yung luha niyang tumutulo sa mata niya.

"Shhh. Wag ka na malungkot Babe ok?"
Labi ko sakanya.

Nakita ko namang ngumiti si Cyril ng matipid. Haha! Kinikilig rin pala tong kumag na to' sa loveteam namin. Hahaha!

"Pano ba yan?"
Singit ni Wane.

Yumuko naman na kaming lahat. F*ck! Ayoko nang ganito. Paalam na? Yun ba yung salita para samin? Hahaha!

"Mukhang kita-kita nalang tayo nuh."
Labi ni Wane.

Nagsingitian nalang kami. Hays...





Mamimiss ko to' ng sobra. Yung tawanan namin, yung asaran sa classroom, yung mga away, yung mga boring na teachers namin, yung mga utos here utos there na teachers pati na rin yung mga teachers na ang sipag magpakopya sa board. Mamimiss ko lahat.  Hindi ako nagsisisi na nag-aral ako sa ganitong paaralan. Kung hindi ako dito nag-aral hindi ko makikilala tong nga kumag na to' at hindi ko rin makikilala ang babaeng nagpapatibok ngayon ng puso ko. Ashush! Hahaha!




Naghiwalay na kami ng landas nila Cyril at Tori. Nagsama-sama na kami nila Mama, Papa at David kasama sila Tita. Magcecelebrate daw kami sa may nearby Beach dito.

Hahaha! Dun ko nalang gagawin yung plano ko. ♡



___
Almost Done na po. Huhu! Guess niyo po kung anong special plan ni Sam na gagawin niya sa beach. Ngyihihihi!
#Samairyleloveteam
#Mr. Arrogant Heart



Mr. Arrogant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon