Chapter 29: Travel

1.7K 57 9
                                    

Natapos rin yung birthday ni Tori, 18 na siya ngayon. Legal na siya bale sa parents niya. Ako? Two months pa bago maging legal kila kuya. -,-

Bumaba na ako ng sala para hintayin sila Kuya at Ate Farra. Pumunta sila ng hospital para sunduin si Mama. Ok na daw kasi records niya kaya pwede na siya umuwi pero meron parin siyang return check-up next week end.

Habang hinihintay ko sila, nanood muna ako ng Twilight. TBH! Adik ako sa twilight. (Heart heart) Mahilig kasi ako sa vampire vampire thingy thingyy, pero Twilight lang talaga nakakuha ng buong interest ko. Naisip ko nga eh, kung meron mang Bampira dito sa pinas magpapakagat na ako basta kasing gwapo ni Edward Cullen. Hahaha! Ambisyosa!

Tinignan ko yung oras mg 3:55 pm na. Hm. Maaga pa.

Sige nood lang...

Time check,

4:30 am.

Buset! Asan na ba sila Mama? Matawagan nga si Ate Farra.

Papatawag palang ako ng may bumusina nang sasakyan.

Hay salamat! Nakauwi na rin sila. Bat naman kaya sila natagalan? Lumabas ako ng bahay para salubungin sila.

"Mama!!!"
Sigaw ko sa may doorstep.

Nang makapark na sila tumakbo agad sakin si Mama na akala mo naman kung ang lakas-lakas na niya.

"Namiss kita ma!"
Labi ko sa punong tenga niya.

Masyado na ata napahigpit yakap ko kasi parang hindi na makahinga si Mama.

"Sorry ma, namiss lang kita ng sobra."
Labi ko sakanya.

Niyakap ko pa siya ng isang beses saka na kami tumuloy sa loob. Sila kuya naman nagtatawanan habang pumapasok sa bahay.

"Hahaha! Nakakatawa talaga si Tori kanina! Hahaha!"
Tawang-tawa na labi ni kuya Wane.

Hay nako. Hindi parin sila makaget over sa itsura kanina ni Tori. Kinilig ba naman kasi ng sobra si Tori kaya ayun, nag-iba mukha habang sinasayaw siya ni Sam.

Dumeretsyo na kami sa kwarto ni mama para man lang maalalayan ko siya.

"Ok na ako. Sige na matulog ka na at magpapaBohol pa daw kayo bukas."
Labi sakin ni Mama.

Bohol? Huh? Ay Shocks!!! Oo pala! Hinagkan ko na si mama sa pisngi niya saka na ako nagmamadaling lumabas ng kwarto niya para puntahan sila Kuya sa sala.

"Kuya!!!"
Sigaw ko habang pababa ako sa hagdan.

"Ang ingay neto! Malayo kami?"
Pang-aasar sakin ni Kuya Wane.

Aba! Sorry naman! Natataranta lang eh diba? Lumapit agad ako sakanila ni Kuya Kaine. Hinawakan ko si Kuya Wane sa kanang braso niya, agad naman siyang nagflex. Loko talaga to' kahit kelan!

"MagpapaBohol daw tayo bukas?!"
Takang tanong ko.

Tumango naman si Kuya Wane saka niya ginulo yung buhok ko.

"Sino kasama? Uy!!!"
Sigaw ko sakanya.

Umaalis ba naman kasi sa harap ko, hindi ko pa tapos kausapin eh! Hinabol ko si Kuya Wane hanggang sa kusina, kumuha siya ng malamig na tubig sa ref namin.

"Jez, basta pupunta nalang tayo, celebration ni Tori kasama tayo."
Labi ni Kuya Kaine mula sa likuran ko.

Huhu! Kakainis talaga to' si Kuya Kaine. Nakakatakot!!! Psh! Nagpout ako habang papadaan sakanya.

"Go to sleep, maaga pa flight natin bukas."
Pahabol na labi ni kuya Kaine.

"Si Kuya Patawa! Hahaha! 4:55 na kaya!"
Pang-aasar ko sakanya.

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now