Chapter 42: Past

1.3K 46 2
                                    


You recieve a message from: Tori

Goodmorning Jez, come over dito sa bahay. May ipapakilala ako sayo, I'm sure magkakasundo kayo. ^_^ see you.

Aish! Saturday pala ngayon. -,- Nakahiga parin ako dito sa kama, medyo hindi parin maganda pakiramdam ko. Hindi sa may sakit parin ako pero yung tungkol kay Papa. Sila mama kaya? Ok na kaya sila, for sure nagulat lahat sila sa inabutan nila. Nilinga ko yung paligid pero wala naman si Sam, bumangon ako sa kama ko para tignan kung nasa may veranda ba si Sam, kaso wala naman siya dun. Hm? Baka nasa sala na. Binun ko yung buhok ko saka na ako bumaba, wala naman akong naabutang tao sa sala. Hm? San kaya yung mga yun. Ahh! Baka nasa kusina. Naglakad na ako papunta sa kusina ng wala parin naman sila mama dun. Sinilip ko rin kung nasa garden sila kaso wala rin. Aish! San ba yung mga tao dito? Tulog pa kaya sila? Impossible! 9:30 na ng umaga. -,-
Bahala na nga magready nalang ako. Sino naman kaya yung papakilala sakin nun ni Tori?

--
Wala naman akong narecieve ni isang text kay Sam. Ano kayang ginagawa nun? Namimiss ko nananaman tuloy yung Panget na yun. -,-

"Manong dito na po. Salamat po."
Saka ko na binayaran si manong taxi driver.

Bumaba naman na ako sa tapat ng bahay nila Tori. Huminga ako ng malalim saka ko pinundot yung doorbell nila.
Hindi naman nagtagal bumukas na rin yung pinto ng bahay nila Tori.

"Jez!!! Buti nakapunta ka!"
Masayang bati ni Tori sakin.

Pinagbuksan niya ako ng gate saka na kami tumuloy sa loob. Nauna naman siyang pumunta sa sala nila, ako naman tinitignan ko yung mga litrato nila Tori buong pamilya.

"Jez!!! Halika na!"
Tawag sakin ni Tori.

Pumunta na ako sa sala ng may maaubtan akong ibang babaeng kasama ni Tori. Mahaba yung buhok nung babae tapos may bangs pa siya. Nakasuot siya ng long sleeve siyaka naka shorts siya. Tinignan ko siya ng maayos, parang nakita ko na siya dati.

"Jez?"
Tawag sakin ni Tori.

Napatingin naman ako kay Tori. Tumango ako saka na ako umupo kasama sila.

Aish! Iba pakiramdam ko dito sa babeng to'. Hindi ko alam bakit pero parang I've met her dati. Hindi ko alam kung nakita ko or...
Aish! Ewan! -,- Pagkatingin ko sakanya nakatingin naman na siya sakin. Nginitian niya ako pero nahihirapan akong ngitian siya. Hindi ko talaga alam anong dahilan.

"Ay. By the way, Jez si Xandra. Xandra si Jez."
Labi ni Tori.

Biglang nagbago yung aura ko. Si si..si Xandra. Ate ni Cyril; Ex ni Sam. Iniabot ni Xandra yung kamay niya para sa isang shakehands pero parang may nagsasabi sakin na wag tanggapin yun. Hindi naman pwede yun, magmumukha ako ditong lokret, sabihin pang suplada ako. -,-

"Hi. Nice to meet you."
Masaya niyang labi sakin nung tinanggap ko yung palad niya.

Nginitian ko siya pero sana hindi naman halatang peke yun. Hindi ako sa galit kay Xandra pero ang akward kasi, hindi ko siya kayang harapin ngayon. Biglaan ata pag-uwi niya. Alam na kaya ni Sam to'?

"Oh, wait. I'll just get some cupcakes."
Pagpapaalam ni Tori samin ni Xandra.

Tumango naman kami. Naiwan kami ngayon ni Xandra, kami lang dalawa kaya parang ibang-iba yung ihip ng hangin dito. Parang mainit na hangin na nagpapawala ng hininga ko.
Hindi naman ako tumitingin sakanya pero nararamdaman kong nakatingin siya sakin, nakatingin lang ako sa sahig kahit wala namang pwedeng tignan dun.

"So you're Jez."
Labi ni Xandra sa kawalan.

Ayoko siyang harapin pero alangan naman na hindi ko siya pansinin.

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now