Chapter 49: Rehearsals

1.3K 47 2
                                    

Sam's POV

Nagdrive naman na ako papunta sa school, anytime daw kasi tatawagin na kaming mga 4th year ni Ma'am Quiro. Mga 6:30 am palang kaya naisipan ko munang sumaglit sa hospital, hindi ko alam kung papayagan ako ng guard na pumasok, masyado pa kasing maaga kumpara sa visiting hours.
Habang nagdridrive ako nakita ko naman yung nanay ni Jez na papuntang hospital. Agad ko siyang binusinahan kaya napaharap siya sa sasakyan ko. Binaba ko yung bintana saka ko na siya inimbitahan para sumabay sakin na bisitahin si Jez.

"Ang aga mo ata iho."
Labi ni Tita sakin.

Ngumiti naman ako saka ko siya sinagot.

"Ah opo tita. Rehearsals po naming mga 4th year para po sa graduation."
Labi ko.

Nakita ko naman na sumimangot yung mukha ni Tita. Parang nababasa ko na kung anong iniisip niya.

"Hindi po makakapunta si Jez?"
Tanong ko sakanya.

Tumango siya pero matamlay na tango lamang iyon. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong pwedeng paraan para makasama si Jez sa araw na yun, hindi naman pwedeng hindi siya makapunta. Pano na yung diploma niya? Haist. Hindi rin naman ako papayag na hindi siya makitang nakatoga sa araw na yun, hindi ko rin kayang hindi siya makasama sa huling araw namin sa college.

Itinigil ko na yung sasakyan sa may tapat ng entrance ng hospital, agad naman kaming sinalubong ni Manong Guard.

"Good morning po Ma'am and Sir. Ano pong maipaglilingkod ko?"
Tanong samin ni Manong Guard.

"Pupuntahan sana namin yung anak ko. Kailangan na rin kasing umuwi nung nagbabantay sakanya, kami muna papalit."
Labi ni Tita.

Tumango naman yung guard kaya naman ipinarada ko na yung sasakyan sa parking lot saka na kami tumuloy sa kwarto ni Jez.
Pagkapasok namin, naabutan naming nakahiga parin si Jez sa kama niya. Tulog at...

Sh*t! Basang-basa na tong kumot niya. Umaagos ba naman kasi yung waterfalls sa bibig niya.

"Ahy nako naman! Baby girl! Baby! Gumising ka diyan!"
Pang-gigising ni Tita kay Jez.

Naalimpungatan naman si Jez sa pang-gigising sakanya ni Tita.

"Ma naman..."

Halos matawa ako ng makita ko yung reaksyon ni Jez. Agad siyang nagtalukbong saka niya pinasan yung bibig niya gamit yung kumot niya. Hahaha! Ang cute talaga netong Babe ko. >,<

Pagkatapos niyang magpunas ng waterfalls niya umayos na siya saka siya nagpatulong na umupo.

"Babe, pwede patulong?"
Nahihiyang labi niya sakin.

Tumango naman ako, inalalayan ko siyang makaupo pagkatapos kong iayos yung kama niya. Nagpasalamat naman siya sakin.

"Farra. Halika na muna, usap tayo sa labas."
Labi ni Tita kay Farra.

Humikab naman si Farra saka na siya sumunod kay Tita para lumabas.
Naiwan naman kami dito ni Jez sa loob, hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko. F*ck! Hindi ako makahinga ng maayos. Umayos ako ng upo saka ko siya tinignan, kita ko naman sakanya na nahihiya rin siya. Mamutla ba naman kasi yung pisngi niya halos mangamatis na. Cute talaga ng Babe ko! Ilang minuto rin siguro kaming nanahimik ng naglakas loob na akong magsalita.

"Uhmn..."

Tinignan ako ni Jez na may halong katanungan sa mga tingin niya.

"Tatlong araw na lang bago graduation."
Labi ko.

Nakita ko naman siyang napabuga ng hangin. Kita ko sakanya kung anong frustration ang meron siya, hindi ko naman masabing ok lang dahil kahit ako hindi ok sakin na hindi siya makapunta sa araw na yun. Nilalaro niya yung nga daliri niya, kita ko kung gano kalalim yung iniisip niya kaya hinawakan ko na yung kamay niya. Inihiga ko yun sa isa ko pang palad.

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now