Chapter 16: The New Student

2.1K 64 0
                                    


Gray? Gray? Sandoval? Gray? Sandoval? Aish! Tinapiktapik ko yung ballpen na ginagamit ko sa paggawa ng homework. Kanina ko pa iniisip yung pangalan ni Gray, parang kasi may kapangalan siya eh. Kapangalan? Ewan. Pamilyar talaga yung pangalan niya and his Face, parang nakita ko na yun dati. Nagkamot ako ng ulo. Binagsak ko yung libro ko sa gilid. Hindi ako makafocuse. Nagulat naman si Ate Farra kaya bumangon siya sa kama sa pagkakahiga.

"May Problema ba?"

"Wala po ate. May iniisip lang."
Wika ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko, pumunta ako sa veranda at dun ako nagpahangin. Masyado akong nastrestress sa school sabay mo pa yung Panget siyaka si Cyril. Hindi ko naman sinasabi na problema si Cyril, simula kasi nung nagdate kami hindi kami masyado naguusap lately kasi naaawkward ako sa harap niya. Tapos eto pa si Panget, sinasapian ng delubyo kaya lagi akong iniinis, baka nga naglagay siya ng black image niya sa isip ko at palagi siyang naglalaro sa isip ko. Pero ngayon? Si Gray yung nasa isip ko. Kilala ko talaga siya eh, pero hindi ko lang maidentify kung kilala ko nga talaga siya. I met him before, maybe sa Korea or US. Ewan! Nagbuga ako ng hangin. Pinikit ko yung mata ko saka ko sinalpak yung earphones ko.

(Playing Walang Iba.)

Kinilabutan ako ng tumugtug tong kanta na to'. Ang lakas ata ng impact sakin ah. Naramdaman ko naman na may tumabi sakin. Minulat ko yung mata ko saka ko nakita si Ate Farra na nakangiti sakin.

"Whose the lucky guy?"

Bigla namang pumasok sa isip ko si Cyril? Cyril? Pero bat biglang naglaro sa isip ko si Sam? Bigla akong napangiti ng tumingin ako sa langit.

"Si Sam ba?"

Sumikip yung dibdib ko pero nakatingala parin ako sa langit. Tanging sinag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Ngumiti ako ng matipid saka ko tinignan si Ate Farra, magkatama mga mata namin ngayon. Naluluha ata mata ko, siguro dahil sa may kung anong iba na akong nararamdaman?

"Ate. Bat ganun?"

"Ikaw bat ganun nararamdaman mo?"

Tumingala ulit ako sa langit, ang ganda talaga ng langit pag gabi na. Walang mga ulap, parang ang tahimik ng buhay sa taas. Ngumiti ako, ngiti na may halong luha.

"Ewan ko na po. Haha! Siguro po naiinfatuate lang po ako sakanya."

Tumawa nalang kaming dalawa.

"Sige una na ako sa loob. Napagod ako sa kakagymn kanina."
Pagpapaalam ni Ate Farra. Tumango nalang ako.

Gray? Haish. Sino ka bang Gray ka?

-----

"Gago man! Kawawa na o!"

Nagsisigawan yung mga babae. Kanina pa yang mga yan ah! Lagyan ko ng scatchtape bibig nila eh! Ingay! -,- Hinila ako ni Tori para tignan yung gulo nangyayare mula sa ibaba, laking gulat ko ng makita ko sila Kuya Pati si Sam na nakatingin sa lalaking nakadapa na sa pagkakabugbug. Hindi ko na alam gagawin ko kaya sinigawan ko na sila mula sa itaas.

"Tama na yan!"
Natahimik naman lahat ng mga tao sa paligid. Nagsitinginan sila sakin. Tumakbo ako pababa sa may entrance ng school para pigilan sila Sam sa kagaguhang ginawagawa nila, habang bumababa ako sa 2nd floor stairs may humarang sakin. Lalaking sobra akong natatameme pag nasa harap ko na siya.

"Wag mo na sila guluhin pa Jez."

"Pero Cyril! Kawawa naman yung lalaki!"

Tinulak ko si Cyril para tumabi siya sa dinadaanan ko. Pagkarating ko dun hinarangan ako nila Fourth para hindi ako makalapit sakanila Kuya at dun sa lalaki. Ng tiningala ni Sam yung mukha nung lalaking bugbug na bugbug na parang gusto ko na sunutkin lahat sila! Si Gray! Siya yun! Si Gray yung lalaking binubugbug nila! Pinagsusuntok ko yung dibdib ni Fourth pero walang palag. Ang lapad siyaka ang tigas ba naman kasi ng dibidib niya. -,-

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now