Chapter 12: Guilt

2.4K 101 2
                                    

Ilang minuto na kaming tahimik.
Wala man lang ni isa samin kumikibo kaya nganga ako. Ako lang ba? Nahihiya parin ako, di talaga ako komportable sakanya. Di ko maexplain pero ganun lang siguro talaga pag may gusto ka sa isang tao.
Hindi kami magkatabi ngayon, after ba naman niya ako pakiligin ng sobra-sobra, ano sa tingin niya gagawin ko. Huhu! Ayoko na! Umupo ako sa kabilang gilid ng fountain habang nasa kabila naman si Cyril. Sinilip ko siya nakatingala na siya sa langit, ang Gwapo niya talaga! No wonder bat siya kinahulugan ng puso ko. Ang tangos ng ilong niya, ang perfect ng jawline niya siyaka yung mga pinkish lips niya. And what makes his face even perfect? Yung mga light brown niyang mga mata. Lumingon naman agad siya sakin kaya iniwas ko yung mata ko. Aish! Anak ng! Nangangamatis na ata pisngi ko!

"Huy!"

"Ahh! Ano ba?!"

Susuntukin ko na sana siya. Eh kasi naman ang lapit ng mukha niya sakin. May balak ba siyang patayin ako ng maaga...

Sa KELEG?

Ay ano ba yan.
Jez. Ayos. Ayos ok? Hooo. Tumawa ng matipid si Cyril, nakatingin parin siya sakin. Umusog ako ng konti papalayo sakanya, di ako maarte ah! Kinkilig lang ako. Baka masapak ko siya ng wala sa oras, alam niyo yun? Yung tipong kung sino na katabi niyo yun na masasapak niyo? Hahaha! Lumapit naman siya. Umusog pa ako ng umusog hanggang sa...

"Aray!"

"Are you fine?!."

Nahulog kaming dalawa. Ako lang sana mahuhulog kaso sinalo ako ni Cyril pero nahila ko siya ng malakas kaya naisama na rin siya. Nasa taas ko siya ngayon. Nakatitig parin siya sakin na alalang-alala yung mga mata niya. Enebe! Hihihi! Kenekeleg eke eh! Unti-unti lumalapit yung mukha niya sakin. Ano gagawin niya?! Jusko! Ano to'? Bat parang ang lakas ata ng tibok ng puso ko! Ano to'? Huhu! Pinikit ko nalang yung mga mata ko. Kaso...

Bat parang wala man lang ako naramdaman? Binuksan ko yung mata ko nakaupo na pala siya sa tabi ko. Mukha pa atang tuwang-tuwa ang bruho! Nagpout ako. Akala ko kasi kung ano.... Hahaha! Di ako malandi ah! Sadyang crush ko lang siya. Inabot niya sakin yung isa niyang kamay, hindi naman na ako nagpakabebe kaya tinanggap ko rin yung kamay niya. Dahan-dahan niya akong tinayo saka niya ako pinaupo sa may bench sa gilid. Hinahaplos-haplos ko parin yung gasgas sa siko ko siyaka sa hita ko. Wala naman akong sugat, gasgas lang. Maya-maya nagring na yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Kuya Kaine na pala. Lagot! Anong oras na ba? Aish! 8:45 na pala! Inayos ko agad yung bag ko, tatayo na sana ako ng hawakan ako ni Cyril sa bewang. Tinignan ko naman siya. Seryoso lang yung mukha tapos bigla nalang siya umupo sa harap ko.

"Uy! Ano ginagawa mo diyan?"
Ngumiti lang siya ng matipid.

"Piggy back ride."

Eyeke. Ahihihihi.

"Ayoko nga! Adik to'!"

Nilagpasan ko siya kaso nung nilingon ko siya nakaupo parin siya dun. Hm. Bahala siya sa buhay niya. Medyo nakalayo na ako pero nung nilingon ko siya ganun parin position niya. Medyo masakit-sakit rin pwet ko siyaka likod after nung natumba kami. Bumalik ako saka ko siya kinalabit. Dahan-dahan niya tiningala yung gwapo niyang mukha.

"Halika na."

"Sakay ka muna. Alam ko masakit yang pwet mo."

Aba manyak to'! Aalis na sana ako ng may bumuhat sakin. Yung buhat na pang wedding! Ano ba yan! Nakakahiya! Ang bigat ko pamandin! Tinignan ko yung mukha niya pero blanko lang yun. Hindi ko tuloy mabasa anong nasa isip niya, hm? Mukha naman siyang hindi nabibigatan sakin kaya komportable lang ako. Alam naman niya kung san yung bahay siyaka malapit lang naman yun dun sa church kaya oks lang. Hindi pa kami nakaka limang minuto nasa tapat na kami ng bahay. Binuksan naman ni Manong Guard yung gate kaya pumasok na rin kami.

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now