Chapter 15: Bracelet

2.1K 69 3
                                    

Dedicated to:
Vmkr14

Tahimik kaming lahat nila Mama na kumakain ng breakfast. Inaantok pa ako ng sobra, kaya pumipikit pa mata ko. Sila Kuya Naman at Atre Farra inaantok rin, si Mama lang ata natatawang tinitignan kami. Pilit kong tumayo sa upuan ko pagkatapos ko kumain. Nagtoothbrush lang kaming lahat saka kami umalis ng bahay, medyo late na rin. Late kami nagising kahat. Napuyat ata talaga kami kahapon, napasarap usapan namin nila Kuya eh. Umupo na ako sa likod ng sasakyan. Si Kuya Kaine naman ngayon nagdrive si Kuya Wane kasi sobrang inaantok, hindi ata siya nakatulog dahil pinagsasapak siya ni Ate Farra kagabi. Maaga rin umalis si Ate Farra sa bahay dahil mag gygymn daw siya kasama yung mga iba niyang kaibigan. Dumating kami sa school, Wala nang tao sa mga hallways maliban nalang sa mga studyanteng pasaway. Hinatid na ako nila Kuya sa Room namin, sakto naman na andun na rin teacher namin. Hindi naman ako pinagalitan ng teacher namin kaya umupo na ako. Hiniga ko agad yung ulo ko sa bag ko. Sobra talaga akong inaantok ngayon. Nagising nalang ako ng magring na yung bell. Shocks!!! Napasarap ata tulog ko. Nako naman! Baka mamaya nagquiz sila o ano. Haish. Pinunansan ko yung laway ko. Yucks nuh?! Hahaha!

"Yucks! Naglalaway."
Labi nung mga babae sa likudan ko.

Tsk! Ipunas ko kaya sakanila nuh! Ang aarte eh! Lumabas na ako sa room saka ako pumunta sa room nila Tori para sunduin siya, nandun naman siya sa labas nag-aantay. Napagusapan kasi namin kahapon na sabay kami magrerecess ngayon, may importante daw siyang sasabihin sakin. Tinulungan ko siya buhatin yung mga libro niya oara sa next class niya. Nakatingin naman yung ibang tao samin.

"Nababagay lang yan sakanya! Maging katulong!"
Wika nung babae na nadaanan lang namin.

Hindi ko naman na sila pinansin kaso biglang nilingon ni Tori yung babaeng nagsabi nun kanina. Pinigilan ko siya kaso hindi siya nagpapigil, kinuha niya yung libro na hawak ko saka niya binagksak sa harapan nung babae. Aigoo! Suplada nga talaga tong bestfriend ko. Nagulat naman yung babae sa ginawa ni Tori. Tinaasan ng kilay ni Tori yung babae.

"Pulutin mo! Dali!"
Utos ni Tori.

"Tori tara na. Ako na pupulot."
Sabi ko sakanya pero tinabig niya lang yung kamay ko.

"I said pick it up!"

Pupulutin na sana nung babae yung Mga libro pero bumaba na ako para pulutin yun pero pinigilan ako ni Tori. Agad namang may apat na lalaki sumulpot sa tabi namin ni Tori.

"Sorry Girls."
Labi ni Kuya Kaine sa mga babae.

Kinilig naman ang mga bruha! Tsk! Kuya Kaine talaga ang galing mang-pick up ng kiliti ng mga babae. Kinindatan ako ni Kuya Kaine saka niya pinaalis yung mga babae sa harap namin. Kainis!!! Bat niya yun ginawa. Hmpfh.

"Bat mo sila Pinaalis?! Nakita mo bang pinagsalitaan nila ng masama kapatid mo?!"
Inis na Wika ni Tori.

Ngumiti naman si Kuya Kaine.
Ginulo niya yung buhok ni Tori.

"Dapat mga ganun hinahayaan na."
Labi ni Kuya Kaine.

Umirap naman si Sam. Problema neto. Agad siyang naglabas Black Card. Winagayway niya yun sa ere kaya napatingin halos lahat ng studyante sa school. Ayan yung card ng BLACK LIST AH!!!! Binatukan ko siya ng iwagayway niya yun kaya napaigik siya sa sakit. Ako naman tuloy pinagtinginan ng nga tao. Nakakahiya pero mas nakakahiya naman pag ididikit ni Sam yung Black Card sa mga babae kanina. Hindi naman ako masyado naapektuhan sa ginawa nila sakin kaya ok lang.

"What's your Problem?"

"Bat ka naglabas ng Black Card?!"

"Eh sa gusto ko. Ididkit ko to' dun sa mga babaeng nangaway sainyo ni Tori."

Mr. Arrogant HeartWhere stories live. Discover now