Chapter 43: Present's Weakness

1.5K 49 5
                                    

Kinapitan ko lang naman yung seatbelt na nakapalibot sa katawan ko. Ayoko siyang tignan kahit alam kong nakatingin yung mga mata niya sakin.
Habang nagtatagal mas lalo na akong naiinis, naiinis dahil na rin sa kanina pa ako hindi umiimik. Si Sam? Nakatingin lang sakin buong minutong hindi ko siya tinitignan.

"Jez."
Tawag niya sakin.

Parang naman nakaramdam ako ng katok sa puso ko. Pinipigilan ko parin yung sarili ko sa pagtingin sakanya ng hindi ko na natiis, bigla nalang yumuko yung ulo ko. May mga luha na palang tumutulo sa mga mata ko, nalaman ko nalang yun ng punasan ni Sam yung mga tumutukong luha ko. Tinabig ko naman yung kamay niya papalayo sa mukha ko kaso pinigilan niya ako.

"Jez, kausapin mo naman ako."
May halong pagkainip yung tono ng boses niya.

"Kelan mo pang alam na andito na si Xandra?"
Tanong ko sakanya pero hindi ko parin siya tinitignan.

Tumigil naman na si Sam sa pagpunas ng luha ko. Hinilamos niya yung kamay niya sa mukha niya, bumuga siya ng hangin saka niya hinampas yung manubela ng sasakyan. Nagulat naman ako sa inasta niya.

"F*ck! Jez! Yan ba kinatatampo mo? Yan ba dahilan kung bakit hindi mo ko kinakausap?"
Galit na tanong ni Sam sakin.

Nakayuko parin yung ulo ko. Nahirapan akong itingala yung ulo ko, pakiramdam ko kasi nabibigatan yung ulo ko na tumaas dahil sa galon ng luha na tumutulo sa mga mata ko.
Sa higpit ng pagkakahawak ko sa seatbelt halos masunog na kamay ko sa init.
Tuloy parin naman ako sa pag-iyak ng magsalita na ulit si Sam.

"Shhh. Tama na."
Pagpapataha niya sakin.

Nakayakap naman na ako sa mga bisig niya, hindi ko kayang mawala sakin si Sam. Hindi ko kayang makitang may kasama siyang iba, may kasama siyang iba kung saan parang hindi niya na ako kilala. Ayokong maagaw siya sakin ni Xandra, natatakot ako. Ayoko talaga. Hindi ko maiwasang magisip-isip ng kung ano-ano, yung mga scenarios na iiwan na ako ni Sam. Yung makikita ko nalang siya na masayang kasama si Xandra, yung tipong mababalitaan ko nalang na sasama na siya kay Xandra. Ayokong dumating kami sa puntong madadaan lang to' sa wala. Hindi ko kakayanin pag nangyare yun.

Tuloy parin ako sa pag-iyak sa dibdib ni Sam. Hinihimas niya yung likod at ulo ko para patahanin ako sa pag-iyak.  Feeling ko safe ako sa tabi ni Sam, yung tipong alam kong walang pwedeng manakit sakin. Yung tipong alam kong andito lang si Sam at hindi niya ako iiwan.

"Sorry. S-Sorry, takot lang naman akong mawala ka sakin eh."
Nasisinok kong labi kay Sam.

Hinagkan niya yung noo ko saka niya inisandal yung noo niya sakin. Pinunasan niya yung mga luha ko, sa oras na to'? Nawawala lahat ng mga pangamba at ng takot na nararamdaman ko, sa paraan na to' ni Sam? Pinaparamdam niya sakin na hindi niya ako iiwan, hindi niya ako lolokohin, at hindi siya sasama kay Xandra.

Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan sa kalagitnaan ng pag-iyak ko sa harap ni Sam. Mukha atang nakikisama sakin yung panahon. Dahan-dahang tiningala ni Sam yung mukha ko sakanya, hinawakan niya yung batok ko saka niya ako hinalikan. Halik na hindi ko mawari kung ano bang gusto netong iparating. Halik na puno ng pagmamahal, pagmamahal na walang makakasira. Iginalaw ni Sam yung labi niya sakin ng maubusan kami ng hininga.
Ngumiti kaming dalawa saka niya sinandal yung noo niya sakin. Nakahawak siya sa pisngi ko habang ako naman nakahawak sa mga palad niya.

Tugdugs Tugdugs Dugs Tugdugs

Nako! Eto nanaman si Miss Heart! Nagkatinginan kami sa mata naming isa't-isa, nakikita ko kung pano ipakita sakin ni Sam na ako lang ang nasa paningin niya.

--
"Stay here, I'll just get some food."
Labi ni Sam sakin.

Andito kami ngayon sa bahay nila. Nakaupo ako dito sa may sala nila, nakakalungkot lang dahil walang iba dito maliban sakin, si Sam at yung mga kasambahay nila. Hm? Hindi ko pa nakikita ng personal yung mga magulang ni Sam. Siguro formal sila kung magsalita. Aish! Nakakaloka na! Tinignan ko yung paligid, wala naman akong ibang makita maliban sa mga malalaking family pictures nila. Tinignan ko yung isang picture nila na nakasabit sa may hallway papunta sa sala nila. Hm? Sino naman kaya yung isang lalaki na andito sa picture? Pinagkakatitigan ko yun nang may kumalabit sakin.

Mr. Arrogant HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon