Chapter 40

1K 15 10
                                    

CHAPTER 40

Eh sinong hindi makamove on dahil sa ginawa ni Jared?

AKO! Ahee~!

Matapos ang nakakakilig na Christmas Party, nagpunta kami sa coffee shop nina Ckai. Sinama ni Jared yung kapatid nyang si Jerykah, yung cute na second year na mabait.

"Merry Christmas guys!" Lumabas si Ckai mula sa may corridor na paakyat ng second floor nila at lumapit sa amin.

"Merry Christmas Ckai!" Bati naming lahat. Inabot nya sa amin ang mga regalo. Binuksan ko yung binigay nya sa akin, isang diary. (A/N: Bebelabs, thank you sa notebooks at planner!)

At dahil pasko naman daw, nilibre kami ni Ckai. Kahit anong order namin, sagot nya. Nukss. Iba na talaga pag may kaibigan kang nagmamay-ari ng coffee shop. Pasawa lang. Wahaha.

Matapos naming kumain, umuwi kami sa bahay para mabisita naman daw nila si Sab. Sumakay kami sa puting van nina Ckai at hinatid kaming lahat sa bahay.

Pagdating sa amin, pinaupo ko muna sila at dinalhan sila ni Manang ng meryenda. Kakakain lang namin tapos kakain na naman kami. Oh diba. Yun ang tinatawag na pagpapataba.

Pagkatapos naming kumain, dumating naman sina Kuya kasama yung bandmates nya. Binati namin sila at kumaway lang. Tapos nun, umakyat na sila sa kwarto ni Kuya para magpractice. Di muna ako sasali. May mga bisita pa ako eh.

"Gising pa kaya si Sab?" Tanong ni Niqi.

"Hmm, puntahan na lang kaya natin?" Sabi ko. Tumango naman sila.

Umakyat kaming lahat maliban na lang kay Jerykah at kay Jeric na nagpaiwan sa baba. Hindi naman daw nila ganun ka-close si Sab kaya hahayaan na lang daw nila kami.

Kumatok ako sa kwarto ni Sab. Narinig kong nagsabi sya ng 'Pasok.' Nauna ako sa loob.

"Sab, okay ka na ba?" Marahan syang tumango. "Nandito pala sila. Ayos lang ba? Gusto ka nila makita eh." Isang matamlay na ngiti lang ang naging tugon ni Sab sa akin. Lumabas ako at tinawag sila.

Isa-isa silang pumasok sa kwarto at kinamusta si Sab. Napangiti naman sya nang makita ang mga kaibigan namin na magkakasama.

At dahil sa mabubuti silang kaibigan, kahit na kaunting panahon lang ay ibinalik nila ang ngiti sa mga labi ni Sabrina.

Naiiyak ako tae.

Ang Paskong ito ang pinakamasayang Pasko sa buong buhay ko. Bukod sa umuwi si Lola galing ng Palawan, isa pang hindi inaasahang sorpresa ang dumating.

"PAPA!" Tumakbo ako papunta sa pinto kung saan nakatayo ang Papa ko. Oo, umuwi na sya. Ang saya-saya nga eh.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon