Chapter 26

1.1K 16 22
                                    

CHAPTER 26

Gabi na, nandito ako sa kwarto ko. Waah. Nakakapanibago talaga at nakaka-excite rin. Kasi naman, grabe, niregaluhan nila ako ng computer! Waah! Buti na lang at meron kaming computer na subject kaya kahit papano eh computer-literate ako. At may internet pa ah. In fairness. Gumawa ako ng Facebook ko.

Tapos nun, nag-upload ako ng profile picture. Yun lang, profile picture lang. Hindi naman ako nagpi-picture eh. Tapos sinearch ko si Niqi, si Jared, si Dale at Ckai. Syempre, inadd ko sila. Mwohoho. Ayan, may friends na ako. Biglang may kumatok sa pintuan ko. Tumayo ako at binuksan yung pinto. Si kuya pala.

"Yo, bata. Kakain na daw tayo." Tapos umalis na sya.

"Opo." Pina-sleep ko yung computer, para daw matipid kami sa kuryente. Tapos lumabas na ako. Nakasabay ko pa si Sab.

"Ah, hi Sab." Tumingin sya sa akin at umirap.

"Hmp."

Ay, ang taray. Oh well, sanay na rin naman ako.

Weee! First dinner with my new family pala 'to. Pagbaba ko ng hagdan, amoy na amoy ko ang bango ng ulam namin. Hmmm... amoy baka, pero anong luto? Tapa? Corned beef? Pumunta ako sa dining area at doon, nakapwesto na silang lahat.

Ang haba ng mesa, pa-rectangle. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni kuya Xavier. Ganito yung pwesto namin.

                     (Asher)    (kuya)       (ako)            

                     ____________________________

                     |                                                                 |

(Tito Dave) |                                                                  | (Mama)

                    |                                                                  |

                     -------------------------------------------------

                      (Ashley)    (Sab)

(A/N: Ang hirap naman nito i-illustrate. Pakinteyp)

Ayun. Ang awkward nga eh, parang... ginulo ko yung arrangement nila sa mesa. Pero totoo naman diba?

Hindi naman naging awkward yung dinner. Kasi kwentuhan ng kwentuhan, share share yung iba, ako ngiti at tango lang ang magawa ko. Hala, kahiya kaya umepal.

Bigla akong tinanong ni Tito Dave.

"Ikaw Kaylie, anong pinagkakaabalahan mo sa school?" Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon